It's Monday, hindi ko kinausap ang dalawa kong kaibigan noong weekends kasi ang sabi ni Kurt ay mas maganda sa personal at hayaan ko muna daw na mag cool down ang dalawa. Kaya naman ngayon ay kinakabahan akong pumasok sa room namin, maaga akong dumating pero kanina pa ako nandito sa restroom. 10mins na lang ay mag start na ang first subject at si Kurt pa ang Prof. Lord please help me po. Nag decide na akong pumasok kesa ma-late pa at lalong mapag initan nila. Pag dating ko sa tapat ng room namin ay maingay na sila, binuksan ko ang pintuan sa likod para hindi ako makaagaw ng atensyon, pero ganun pa nga din pala kasi napansin na nila ako dahil nga sa Ms. CEE na to kaya naman mas lalo silang nag-ingay at napaulanan kami ng mga asaran ni Gab na walang pakialam dahil naka suot ng earphones samantalang si Sab naman ay naka yuko sa table nya. Mukang ayaw nila akong kausapin, habang nagsasaya ang buong class hindi nila alam na may tampuhan na sa aming tatlo. Napatingin lahat ng bumukas ang pintuan sa unahan at pumasok ang hinahangaan ng lahat.
"Good morning class! I want to congratulate your class for winning the Mr. and Ms. CEE and also the volleyball team." Sina Sab din kasi ang nag champion sa volleyball. Habang masayang masaya sila sumulyap sa akin si Kurt at binigyan ako ng mapang unawang ngiti. Masyadong awkward sa pwesto ko kasi napapagitnaan ako ng dalawa na parehong walang kibo sa gilid ko, kaya naman ay ako na ang nag tangkang kausapin si Gab.
"Psst Gab. Pansanin mo naman ako." Pero nilagay nya lang ang kamay nya sa baba nya at humilig sa kabilang side. Nagtatampo nga siguro sa akin kaya naman ay sa kabilang side naman ako tumingin, nahuli kong naka tingin na sa akin si Sab akala ko ay kakausapin nya ako pero tumingin na lang sya sa unahan at nakinig sa lesson. Siguro kung normal na araw lang to ay baka nagkkwentuhan na kaming tatlo at napapagalitan dahil maingay kami, pero hindi at ayaw pa nila ako pansinin. Dahil kami daw ang nanalo sa E-night halos lahat ng subjects namin ay exepmted kami sa mga quizzes, ang maganda dito buong class namin. Kaya hindi gaano katagal ang mga lesson noong araw na yun. Laging early dismissal. Pero sa buong araw na yun ay hindi talaga ako pinansin ng dalawa. Kumain ako ng lunch na mag-isa dahil hindi naman pwede na sabay kami ni Kurt, may mga ilang sumabay sakin sa lunch na mga classmates ko dahil siguro nung nanalo akong Ms. CEE kaya madami ang nalapit sakin.
Malungkot ang buong araw ko dahil walang nangungulit sa akin at walang mag aaya sakin na mag punta ng mall para bumili ng mga beauty products. Ayaw pa din kasi nila ako pansinin, oo nga pala pinili ko si Kurt kesa sakanila. Sino ba namang mga kaibigan ang matutuwa kapag pinagpalit sila sa lalaking karelasyon.
MY IDIOT: Where are you? I'll just wait for you here sa parking
Nag text pala si Kurt. May tutoring session pala kami muntik ko na makalimutan dahil na occupy ng dalawang kaibigan ko ang utak ko, mas pinili ko si Kurt kesa sa mga kaibigan ko bakit ganun akala ko sasaya ako ng sobra pero may kulang, mas matagal ko nang kaibigan si Sab at si Gab kahit last sem ko lang sya naging close naging mabait sya sakin at pinapahalagahan nila ako. Pero mahal ko din si Kurt, bakit kailangan pumili bakit hindi ko pwede makuha ng sabay, masyado ba akong sakim?
AKO: Okay. Hintayin ko lang na kumonti ang mga tao bago ako mag punta dyan.
Nag reply na lang ako kay Kurt, hindi ko maintindihan ang sarili ko kasi sobrang guilty ako sa mga nangyayari. Isa pa nga palang problema ko bukas, sa bahay ang tutoring namin at paano ko sasabihin sa parents ko na si Kurt ang tutor ko na nagpaiyak sakanilang anak nung naki pag break sa phone. Na meet ng parents ko dati si Kurt at nakita ng parents ko kung gaano ako ka affected sa break up na yun at ngayon heto na naman ako at ipapakilala si Kurt as my tutor and as my boyfriend again. Natatakot ako sa magiging reaction nila. Baka katulad nina Sab ay papiliin din nila ako. Hindi ko kakayanin pag pinapili nila ako.
Mabagal akong naglalakad papuntang parking lot nang makita ko si Sab na naghihintay sa lobby. Nag mamadali akong lapitan sya pero nakatingin lang sya sakin.
"Sab.." Panimula ko pero yumuko lang sya. Hindi sya nag sasalita, naiiyak ako kasi ngayon lang nangyari to samin ni Sab. Matagal na kaming magkakilala. Lagi kaming magkasama. Sya ang bestfriend ko na laging tino-tolerate ang ugali ko. Ang tanging taong nakakaintindi sakin ng lubusan. Kaya naman ngayon ay sobrang nasasaktan ako sa nangyayari samin.
"Sab, I'm so sorry kung hindi ko agad sinabi sayo yung about kay Kurt. Nag explain sya kung bat sya naki pag break. Sinabi nya--" pinutol nya ang sasabihin ko. Tumingin sya sa mga mata ko.
"Trisha sige kalimutan natin yang past nyo. Labas na kami dyan sa past nyo, wala kaming pakialam kung ano mang kwento ang sinabi nya sayo pero naman Trisha professor natin sya at mas malaking eskandalo yang pinasok mo ngayon kesa dati na isang playboy lang sya." Mahabang paliwanag nya sakin. Hindi nila kayang tanggapin si Kurt dahil lang sa prof namin sya? Malapit na kaming maka graduate. Yun lang naman ang hihingiin ko sakanila ang itago muna nila ang sikreto namin.
"Sab, substitute prof lang naman sya. Aalis din sya and malapit na ang graduation pwede naman na itago na lang muna namin" Umiling iling lang sya ayaw nya din sa idea kong yun. Alam kong higit kanino man ay sya ang pinaka concern about sakin. Kahit ngayon lang sana ay pagbigyan nya ako.
"At ano after graduation natin tsaka kayo lalabas? Hindi mo ba naisip Trisha na ganun din yun iisipin ng mga tao na dati palang ay may relasyon na kayo. Hindi na kami against kung sa ikakasaya mo yan. Ang samin lang ni Gab inaalala ka namin dahil sa huli ikaw pa din ang masasaktan" Nangingilid na ang luha ni Sab. Ang gusto nyang sabihin ngayon ay hiwalayan ko si Kurt. Ayokong gawin yung idea nya. Nagsisimula palang ulit kami ni Kurt, gusto nila ay sukuan ko na agad. Dati nga hindi ako bumitaw hangga't hindi ako nasasaktan at iwan ni Kurt. Ngayon pa kayang mahal naman namin ang isa't – isa.
"Sab alam ko na tong pinasok ko. Pinatawad ko nga sya ibig sabihin handa na naman akong masaktan. Nagmamahal lang ako Sab, kaya please wag mo naman ako iwasan hindi ko din kaya mawala kayo ni Gab. Please Sabrina." Naluluha din ako pero pinipigilan kong umiyak. Umiling lang sya at sakto naman ang dating ng sundo nya. Tinalikuran nya ako ni hindi man lang sya nag paalam. Nag tungo na lang ako sa parking at doon ko nakita si Kurt.
"Kanina ka pa ba? Sorry, nakita ko kasi si Sab at kinausap ko sya." Malungkot na sabi ko. Hindi naman ako nagsisisi sa desisyon ko. Ang gusto ko lang magka ayos kaming lahat. Hindi ako natatakot sa pang huhusga ng mga tao samin. Gusto kong maging masaya, apat na taon din akong naging bitter sa buhay ko. Ngayong bumalik na ang taong nagpasaya sakin ay ayoko na din syang pakawalan pa. At alam kong hindi din sya papayag na mawala pa ako sakanya.
"Sorry baby, kasalanan ko ito. Kung hindi sana kita iniwan dati." Pumasok na kami sa Ferrari nya. Ayokong isisi kay Kurt ang lahat. Andito na to kaya harapin na lang. Pipilitin kong ipaintindi sa mga kaibigan ko kung ano man ang meron samin ni Kurt. Hindi ko susukuan ang mga kaibigan ko.
"Kurt okay lang naman. Mga kaibigan ko sila at siguro sa ngayon hindi pa nila tayo kayang tanggapin pero alam ko sa mga susunod pang araw ay unti unti natin makukuha ang loob nila." Tumango na lamang sya at pinaandar ang sasakyan nya. Napansin kong tahimik lang sya sa buong byahe namin kaya nagtataka ako.
"Kurt are you alright?" Ngumiti lang sya at tumango. Baka siguro marami lang silang ginawa sa faculty since kakatapos lang ng malaking event sa college namin kaya marami siguro silang inaasikaso. Nakarating kami sa bahay nila ng tahimik pa din sya.
"Ed hijo, may tutoring ulit kayo ni Trish" Ang Mom ni Kurt ang sumalubong samin. Naka ngiti sya sa amin pero biglang nagbago ang expression ng makita si Kurt. Pinapasok kami sa bahay nila. Sabi ni Kurt ay mauna na daw ako sa kwarto nya. Sya naman ay sumunod sa Mom nya sa kusina yata. Naka akyat na ako sa room nya. Wala namang pinag bago. Malinis at mabango pa din.
After ilang minutes ay dumating na nga si Kurt na may dala pang meryenda. Medyo napagod daw sya kaya bibigyan nya muna ako ng mga activities na sasagutan ko. Nakita ko syang nahiga sa kama at mukang pagod nga sya. Kaya sa may study table na lang ako magsasagot para hindi ko sya maabala. Madali naman pala ang mga activities na to. Actually okay naman sakin ang mga lessons, hindi ko talaga kailangan ng tutor. Natapos ko na ang 10 activities pero tulog pa din si Kurt. 7pm na din pala ayaw ko naman maabala ang pagpapahinga nya kaya dahan dahan akong lumabas ng room nya dala ang mga gamit ko.
"Hija, nasaan si Ed?" Nakasalubong ko si Tita, paakyat na sana sya para daw tawagin kami at sabay sabay na mag dinner.
"Tita naka tulog po si Kurt mukang napagod po yata sa trabaho. Hinayaan ko na lang po matulog. Uuwi na din po siguro ako, paki sabi na lang po kay Kurt." Sabay na kaming bumaba ni Tita. Pinipilit nya akong mag dinner muna bago nya daw ako ipapahatid sa driver nila.
"Hindi na po Tita, uuwi din po kasi ng maaga ang Papa ko kaya sa bahay na lang din po ako mag di-dinner." Paliwanag ko sakanya. Pinipilit pa din nya ako kahit kaonti lang daw ay kumain ako kasi nahihiya sya dahil tinulugan lang daw ako ng anak nya. Pero sa huli ay hinayaan nya na din ako at pinahatid sa driver nila. Siguro ay napagod din talaga si Kurt. Kawawa naman sya, pagod na sa work at stress pa sa love life nya.
Kinabukasan ay maaga akong nagising, simula nang nagturo si Kurt sa school mukang hindi na yata ako nala-late ngayon. Tuesday na kaya naman sinabi ko kayna Mama na dadating kami mamaya ng tutor ko at sa bahay kami kakain ng dinner. Dumaan ang buong araw at naulit lamang ang nangyari kahapon sa akin, parang hangin lamang ako sa mga kaibigan ko at hindi na talaga nila ako kinausap, nang nag lunch naman ay mabuti na lamang ay may mga sumabay sa akin. Nag sorry lang si Kurt dahil nakatulog sya kagabi at babawi na lang daw sya mamaya at may treat daw sya sakin since nasagot ko daw ng tama lahat ng activities na pinagawa nya.
AKO: See you later :) May dala ka bang car or sakin ka na lang sasabay?
Nag text ako kay Kurt baka kasi mamaya ay may dala syang sasakyan pwedeng sakanya na lang ako sumabay at mag text sa driver namin na huwag na akong sunduin.
MY IDIOT: May dala akong car, sabay na lang tayo. See you later baby. I love you :*
Kinikilig ako. Kahit kinakabahan akong ipakilala ulit sya kayna Mama. Nag text na din ako sa driver namin na huwag na akong sunduin mamaya dahil kasabay ko ang tutor ko pauwi saamin.
Ganun na nga ang nangyari katulad kahapon ay nagkita kami ni Kurt sa dulo ng parking lot. Kakaonti na lamang ang mga tao at hindi pa halata sa pwesto namin. Sinabi ko sakanya na kinakabahan ako sa mangyayari, sabi nya ay sya na daw ang bahalang kumausap sa parents ko. Pinakiusap kong wag muna namin sabihin sa parents ko na nagkabalikan kami kasi baka mabigla din sila katulad ng nangyari sa amin nina Sab and Gab. Noong una ay ayaw nyang pumayag pero pag dating sa tapat ng bahay namin ay pumayag na din sya kasi sabi ko wag na lang kami tumuloy kung ipipilit nya ang gusto nya. Ang driver namin ang nag bukas ng gate, ang aga naman yata dumating ni Papa nasa garage na kasi ang isa pa naming sasakyan kaya mas lalo na akong kinabahan. Pagkababa namin ng sasakyan nya ay sinalubong na kami ng Mama ko.
"Papasukin mo ang tutor mo Trisha" Masayang sabi ni Mama ng makita nya ako. Nasa kabilang side si Kurt kaya hindi pa sya nakikita ni Mama. Naglakad palapit si Kurt sa akin at kitang kita ko ang pagkabigla ni Mama noong nakilala nya ito.
"Mama si Kurt po, sya po kasi ang substitute Prof namin at ang naka assign po sa aking tutor." Ako na ang unang bumasag sa katahimikan namin. Napakunot ang noo ni Mama, na tila hindi alam ang gagawin kung papapasukin ba or paalisin na lang si Kurt pero mas pinili ni Mama ang una.
"Sige tumuloy na kayong dalawa, Trisha andyan na ang Papa mo." Alam kong andito na si Papa dahil andito na din ang sasakyan nya, parang hindi sa akin sinasabi ni Mama yun kundi para kay Kurt. Napa buntong hininga na lang ako kasi tama ang naging desisyon ko na wag muna namin sabihin sakanila at baka mabigla pa sila. Naunang umalis si Mama lumapit naman ako kay Kurt, hinawakan at pinisil ko ang kamay nya upang iparating na huwag syang mag alala. Tumango sya at binitawan ko na ang kamay nya nang naka pasok na kami sa loob ng bahay.
"Dumating na pala kayo Trisha, maghapunan muna tayo bago kayo mag simula ng tutor mo." Masayang sabi ni Papa pero ng malipat nya ang tingin sa kasama kong nasa likod ko ay nagbago ang expression ni Papa. Isang beses ko lang sya pinakilala sa parents ko pero tandang tanda nila si Kurt, dahil siguro nag-iisa lang akong anak at sya pa ang unang naging ka relasyon kaya natatandaan nila ito.
"Magandang gabi po Sir. Ako nga po pala si Edrick ang isa sa mga substitute Professor ng University at ang tutor po ni Zoey." Magalang na sabi ni Kurt, pero ganun pa rin si Papa samantalang si Mama ay lumabas pa ng kitchen at tinabihan si Papa.
"Pag pasenyahan mo na itong Papa ni Trisha, over protective lang talaga to. Call us Tito and Tita na lang Edrick. Halina muna kayo sa dinning area at baka lumamig na ang mga pagkain." Si Mama na ang nagsalita. Unang umalis si Papa at sumunod sakanya si Mama naiwan kami ni Kurt sa sala.
"Sorry Kurt. Pagod lang siguro si Papa kaya ganun." Sabi ko sakanya at nginitian sya. Nahihiya ako sa inasta ng magulang ko. Samantalang napaka bait ng magulang nya sa akin. Pero hindi ko din naman masisi ang mga magulang ko, tulad ng mga kaibigan ko nakita kasi nila ako dati kung paano nasaktan at nabaliw dahil kay Kurt.
"Ganun pala katindi ang nagawa kong kasalanan sayo Zoey, kahit na ang mga magulang mo ay galit sa akin. I'm so sorry baby. Hindi ako magagalit kung ganito ang trato sakin ng Papa mo, naiintindihan ko sya." Malungkot na sabi nya, hinawakan nya ang mga kamay ko bago nya ito hinalikan. Sumunod na din kami sa dinning area.
Halos ang mga kutsara at tinidor lang ang maririnig na ingay. Walang nagsasalita sa amin. Galit si Papa sigurado ako don at si Mama ay hindi naman nag tatagal ang galit nya sa isang tao.
"Trisha, kailan mo pa sya naging tutor?" Yun ang unang mga salita ni Papa habang nasa hapag kami.
"Last last week pa po. Pangatlong session po namin ngayon Pa, kasi last week po may mga school activities." Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa mga itatanong ni Papa. Tumango naman sya na parang nakuntento sa mga sagot ko. Totoo ang sinabi ko sakanya.
"Bakit sya pa ang tutor mo? Alam ba nila na may nakaraan kayo?" Nag taas ng kilay si Papa, nakitang kong hinawakan ni Mama ang braso nya para pigilan si Papa sa mga itatanong nya pa.
"Pag pasensyahan mo na Edrick, pagod lang ang Tito mo sa trabaho. Kumain lang kayo ng kumain, hanggang anong oras ba ang tutoring nyo para mapaghanda ko kayo ng mga snacks" Inialis ni Mama ang topic sa tanong ni Papa, mabuti na lang andito si Mama. Sya lang kasi ang may kayang pakalmahin si Papa.
"Okay lang naman po Tita, ang sarap po ng mga luto nyo. Siguro po mga 7:30pm po ay tapos na kami. Tito, wala na po kasing ibang available na Prof para mag handle sa tutoring ni Zoey kaya ako po ang na assign, at ang dalawang kaibigan lang po ni Zoey ang nakaka alam sa past namin." Hindi nag pakita ng takot si Kurt ng sagutin nya ang mga tanong ng magulang ko kaya naman ay parang gusto kong tumayo at pumalakpak sakanya. Buti pa sya hindi kinakabahan. Mabuti na lang sya ang sumasagot.
"Pwede naman akong maghanap ng ibang tutor ng anak ko, siguro naman ay papayag ang University pag naki usap ako" Mas pursigido si Papa na layuan ako ni Kurt. Si Mama naman ang sumagot.
"Hindi ba't sabi mo nung una kay Trisha ay sundin na lang ang notice lalo na kung ang University ang nagpadala nito. Tingnan mo nga ang mga bata, sila nga ay hindi na affected sa nakaraan. Nagkausap na siguro sila kaya naman maging civil na lang din tayo." Napatango naman ako sa suggestion ni Mama. Buti pa sya ay naintindihan nya kami. Sana ganon din si Papa at ang dalawa ko pang kaibigan.
"Tama po si Tita, ang alam ko din po kung ano ang rules ng University ay iyon na po talaga ang masusunod. Yung about po sana sa past namin ni Zoey ay humihingi din po ako ng tawad sainyo dahil alam ko po kung gaano ko nasaktan ang nag iisang anak nyo po. Sana ay mapatawad nyo din po ako." Masyadong formal naman ng usapan namin, kaya naman ay ako na ang nagsalita.
"Grabe naman kayo! Papa naman okay na ako ngayon. See? Naka move on na ako sa past. Tao lang din naman po ako kaya napatawad ko din si Kurt at tapos na din naman yun at hindi na maibabalik pa kaya mag simula na lang po ulit tayo ng bago." Hindi ko alam kung paano ko yun nasabi na hindi pumipiyok sa kaba. Si Mama ay ngumiti sa akin at si Papa ay tumango lamang.
"Ilang taon ka na nga pala ngayon Edrick? Matagal ka ding nawala sa Pilipinas ano?" Seryoso naman si Papa sa tanong nya habang kami ni Mama ay nakikinig at nag aabang lang sa mga sasabihin ni Kurt. Para namang nanliligaw sakin si Kurt kung makapag tanong itong si Papa. Buti nalang ay tutor ang pagpapakilala ko ngayon kay Kurt.
"27 years old na po ako. Limang taon din po akong nawala dahil pinaasikaso po sa akin ng mga magulang ko ang kompanya namin sa US kaya po ako umalis ng bansa at yun din po ang naging dahilan kung bakit po ako naki pag hiwalay kay Zoey dati." Napangiti ako kay Kurt, hindi na nga sya ang Kurt five years ago. Kasi ibang iba na sya nag matured na nga sya. Ngayon ay handa na syang humarap sa ibang tao, hindi tulad ng dati na mas gugustuhin nyang palihim lang kaming nagkikita. Proud ako sa mga naging sagot nya kay Papa. Masasabi mong confident din talaga sya sa mga sagot at sinasabi nya kay Papa.
"Malaki nga pala ang kompanya ng mga Lim. Kung ganoon ay sa US ka lang naglagi. May asawa ka na ba? Sa edad mo yang dapat naka pag settle down ka na." Bigla akong nasamid sa sinabi ni Papa kaya inabutan ako ni Kurt ng tubig at agad kong ininom iyon. Napataas ang kilay ni Papa na parang naghihinala sa akin.
"Dahil po sa mga magulang ko kung kaya't naging matagumpay ang kompanya namin, baka sa susunod na buwan ay bumalik na din po silang US. Wala pa po akong asawa may isang babae po akong mahal na mahal, at ako naman po ang naghihintay sakanya dahil matagal tagal ko din po syang iniwan at pinaghintay." Masaya at proud na sabi ni Kurt. Hinawakan nya ang kamay ko at pinipisil ito ng sabihin nya ang mga katagang iyon. Hindi nila kami makikita dahil nasa ilalim naman yun ng table.
"Kung ganoon pala ay maswerte ang babaeng iyon. Maikakasal sa isang Lim." Sabi naman ni Mama. May ngiting naglalaro sa kanyang mga labi. Hindi ko maintindihan ang gustong sabihin ni Mama.
"Hindi po sya ang maswerte, dahil ako po ang mas maswerte kasi sa isang katulad nyang maunawain at mabait ako maikakasal." Sabi ni Kurt na hanggang ngayon ay nakahawak pa din sa kamay ko. Mahal ko talaga ang lalaking ito. Sure na sure na ako.
"Hindi porket mabait at maunawain ay aabusuhin mo ang babaeng yun, dahil kahit gaano pa yun kabait ay mapapagod pa din yun sa huli kung kaya ay dapat mong pahalagahan sya kung totoo mo syang mahal" Pangangaral naman ni Papa. Feeling ko ay lumalambot na si Papa maging si Mama ay natutuwa na din sa pananaw ngayon ni Kurt. Hindi lang ako masaya kasi kinikilig pa ako. Gusto pala akong pakasalan ni Kurt at willing pa syang hintayin ako.
"Opo. Tatandaan ko po lahat ng sinabi nyo Tito. Hinding hindi ko na po sasaktan ang babaeng pinaka mamahal ko" Masayang sagot ulit ni Kurt kaya napatango din ako habang nangingiti. Ramdam na ramdam ko ang mga sinasabi nya. Kelan nya kaya ako papakasalan? Kinikilig ako eh. Baka hindi ako maka pag focus sa review namin.
After ng dinner ay nagpatuloy nga ang aming tutoring, nag aasaran pa kami tungkol dun sa naging usapan namin nung nag dinner kami, sabi ni Kurt ay sa sala na lang kami mag-aral dahil hindi maganda kung sa kwarto ko kami mag stay at bilang pag respeto sa akin at sa mga magulang ko. Pero pag sya, pwedeng sa room nya. Ako hindi? Unfair diba?
Nag tagal ng isang buwan na ganon ang set up namin, every M-W-F ay sa bahay nila at doon pa din kami sa kwarto. At every T-TH ay sa bahay kami pero nasa sala lang kami nag stay. Next week ay babalik na ang parents nya sa US. Sa school naman ay ganoon pa din, isang buwan na rin ang tampuhan naming tatlo. Hindi nila ako kinakausap at sa tuwing may importanteng sasabihin ay noon lang nila ako papansinin at kakausapin. Ang parents ko naman ay mukang okay na din kay Kurt kasi mas naging maganda ang pakiki tungo nila sakanya, nakikita kasi nila ang pagiging mabuti niya hindi lang sa akin maging sakanilang mga magulang ko kahit minsan ay hindi nila itinatratro ng mabuti ay hindi nagrereklamo si Kurt sahalip ay mas pinakikitunguhan pa niya ito ng mabuti.
"No matter how angry you get, you always end up forgiving the people you love."