LOVE 12 - REVELATION

5833 Words
Naging maayos ang mahigit isang buwan namin ni Kurt, pakiramdam ko ay lumalambot na din ang dalawa kong kaibigan dahil madalas na nila akong pansinin. Minsan pa nga ay kinausap ako ni Gab na samahan ko daw sya sa Mall para bumili ng hand cream nya. Kaya naman ay agad akong pumayag sakanya, nung nasa Mall na kami ay parang walang nangyaring tampuhan sa pagitan namin tinanong nya lang ako kung kamusta na nga daw ako. Ang sagot ko lang ay medyo malungkot dahil ang dalawang taong pinaka malapit sa akin ay hindi ko na nakakasama at nakaka usap, bigla syang natahimik at iniba ang topic namin. Hindi ko talaga sila mapipilit kung ayaw nila kay Kurt pero sana wag madamay ang friendships namin dito. Kinabukasan ay maaga na naman akong pumasok, sa hindi ko malaman na dahilan ay parang nagka interest akong lumapit sa bulletin board na pinag kakaguluhan ng mga students. May ilang naka kita sa akin sanay na akong laging tinitingnan ng mga students dahil sa pagkapanalo ko sa Ms. CEE, pero iba ngayon ang mga tingin nila hindi ko maintindihan kung nandidiri ba sila or naiinis sa akin. Kaya agad akong lumapit sa bulletin board tiningnan ko kung ano ba ang naka lagay dito. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong mga pictures na nakalagay doon. Kami yun ni Kurt na mag kasama merong picture na papunta kami sa parking lot at pasakay sa sasakyan nya, meron din na nasa rooftop kami, noong nasa E-Night kami, yung iba ay naka akbay sya sa akin, may isa pa na magkayakap kami. Sino ang nag lagay ng mga larawan namin dito. "Sus, akala mo kung sinong matinong babae, papatol din naman pala sa professor." Dinig na dinig kong sabi ng isa sa mga katabi kong babae. Halos manliit ako sa mga naririnig kong bulong bulungan, pero hindi naman bulong kasi halatang pinaparinig nila sa akin ang mga sinasabi nila. "Baka kaya nanalo na Ms. CEE dahil pumapatol sa prof" "Akala ko ba ang boyfriend nyan ay si Gabriel?" "Hindi na talaga nahiya at pati ang professor ay pinatulan na" Ilan lang yan sa mga naririnig kong pinagsasabi nila tungkol sa akin, hindi ako maka alis sa kinatatayuan ko dahil sa mga masasakit na salita galing sakanila akala ko ay handa na ako sa mga panghuhusga ng ibang tao pero masakit pala talaga pag narinig mo galing sakanila. Natatakot ako hindi lang para sa sarili ko, kundi para na din kay Kurt. Maaring ma-banned sya sa University na ito at hindi na sya maka pag turo pang muli dito. "Oh my God!! Trisha!!" Tawag sakin ni Sab, lumapit sya sakin at pilit na pinapaalis ang mga taong naka palibot sa akin. Nakita ko naman si Gab na inaalis ang mga pictures sa bulletin board at pinag pupunit pa nya ito. Bakit ganun gusto kong umiyak pero walang luhang tumutulo, namanhid yata ang buong katawan ko. "Trish pinapatawag ka sa office" Sabi ni Sab at inalalayan nila akong pumunta sa office buti ay kakaunti pa lamang ang mga tao pero alam ko mamaya ay kakalat na ang balitang ito sa buong University, tatanggapin ko lahat ng panghuhusga nila sa akin. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa office namin, nasa third floor yun ng building namin, naririnig kong nag uusap sina Sab and Gab pero wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila kaya hinayaan ko na lang sila. Sa ngayon ay thankful ako sakanila dahil sa mga gantong sitwasyon ay hindi pa rin nila ako iniiwan. Nasa harap na ako ng office, kakatok na sana ako pero kusa na itong bumukas at bumungad sa amin si Mr. Steven Parker, napapikit na lang ako sa kaba nandito din pala ang anak ng may-ari ng University sigurado akong magigisa ako at baka mapa alis pa sa trabaho si Kurt. "Come in Ms. Ramos" Sabi nito, humarap ako sa dalawang kaibigan ko na nasa likod ko tumango sila sakin na parang sinasabi nilang kakampi ko sila. Pumasok na ako sa loob kasama ang dalawa. Halos malaglag ang panga ko ng makita kung sino ang mga taong nasa loob ng office, ang babaeng si Mrs. Encarnacion na tumayong head ng department namin at ang dalawang taong hindi ko inaasahan. Naka upo sila sa tapat ng table ni Mrs. Encarnacion, si Kurt at kaharap nya ngayon si Jam ang babaeng kasama nya five years ago ng umalis sya ng Pilipinas at si Steven na nakatayo sa likod ni Jam. Mas lalo akong kinabahan. Ano ba ang meron dito? Bakit sila nandito sa office? "Earlier I saw some photos of Mr. Lim and Ms. Ramos. I just want to know your side about the scandal." Panimula ni Mrs. Encarnacion, binalot na ako ng kaba, maaaring ipatanggal sa trabaho si Kurt at maaaring hindi ako maka graduate pag nagkataon. Pero handa akong ipaglaban ito, ngayon pa ba ako bibitiw? Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Kurt naka yuko lang ito. "Mrs. Encarnacion, unang una po ay hindi ito scandal. Baka na mis-interpret lang ng mga bata ang mga larawan na iyon." Panimula ni Jam. Gusto ko sanang sumagot na totoo ang lahat ng iyon pero pinigilan ako ni Sab at umiling sya sakin. Bakit ba si Jam ang sumasagot, dapat kami ni Kurt ang humarap sa problemang ito. "Hindi po kasi pwedeng may relasyon si Edrick sa isang student dahil ako po ang totoong girlfriend nya. Kaya po nagkakamali lamang ang mga taong nagpakalat ng larawan." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jam gusto kong tumutol pero wala akong nakitang pagtutol sa muka ni Kurt. Halos tanggapin ko ang lahat ng masasakit na salita galing sa ibang students, ready na nga din akong hindi maka graduate dahil ipaglalaban ko sya tapos ano itong kalokohan na sinasabi ni Jam na sya ang totoong girlfriend ni Kurt. Sasabog na ang puso ko sa galit. "Mr. Lim, gusto ko saiyo mismo manggaling ang lahat. Isa kang professor dapat alam mo ang tama sa mali. Ngayon sabihin mo sa amin ang totoo." Nakita kong napalunok si Kurt, hindi sya tumitingin sa akin. Pinagdarasal ko na lamang na aminin nya ito. Handa naman akong tanggapin ang magiging kaparusahan ko. Ngayon ko gusto malaman kung ipaglalaban nya nga ba kung ano ang meron kami. Tinalikuran ko ang mga kaibigan ko para sakanya. Natatakot ba syang hindi na sya muling makapagturo sa University na ito? Ang dami kong katanungan pero parang wala akong makukuhang sagot ngayon. "Mrs. Encarnacion, totoo po ang sinabi ni Jam, sya ang aking nobya at hindi totoo ang mga nasa larawan. Baka na mis-interpret lang ng mga students dahil ako ang tutor ni Ms. Ramos kaya naman ay madalas din kaming magkasama. Naging malapit na din po kami sa isa't-isa kaya siguro ay nabigyan ng malisya ng ibang mga students. Gusto ko lang malinis ang pangalan namin kaya nag punta po ako dito, walang katotohanan na may relasyon kami ni Ms. Ramos." Gusto kong tumutol pero hindi ko magawa dahil this time si Kurt na mismo ang nagkumpirma na wala kaming relasyon, nararamdaman ko na may tutulong luha pero pinigilan ko hindi sa harap nila ako iiyak. Sa pangalawang pagkakataon sinaktan na naman nya ako. Harap harapan nya akong dinurog. "Ms. Ramos, totoo ba ang sinasabi ni Mr. Lim?" Tanong naman sakin, gusto kong sabihin na hindi pero walang lumalabas na boses. At pag nagsalita ako ay pakiramdam ko mag uunahan sa paglabas ang mga luha ko. Nasasaktan ako sa nangyayari, itinanggi ako ng sarili kong boyfriend. Alam kong mali ang magkaroon ng relasyon sa students pero sana kahit man lang tapunan ako ng tingin ni Kurt ay hindi nya magawa. "Wala po kayong dapat ipangamba Mrs. Encarnacion dahil ako po ang boyfriend ni Trisha, tama po ang lahat ng sinabi ni Sir Edrick." Si Gab ang nagsalita dahil hindi ko talaga kayang magsalita ngayon. Buti na lamang ay kasama ko sila ni Sab. Nanghihina ako at masama ang loob ko kay Kurt. Pero bakit mahal ko pa din ang idiot na yon. "Kung ganoon naman pala ay maglalabas na lang ako ng statements about this issue, maari na kayong bumalik sa klase nyo." Tukoy sa aming tatlo. Bago pa ako makalabas ay tiningnan ko silang lahat isa-isa, si Steven na malungkot ang mga tingin sa akin, si Jam na lumapit at tumabi kay Kurt at si Kurt na hindi man lamang tumingin sa akin. Ito na ba ang kapalit ng lahat ng ginawa ko. Akala ko ako ang pipiliin ni Kurt, pero tama ang mga kaibigan ko na sa huli ay ako pa rin ang masasaktan. Tatanggapin ko na lang lahat ng ito, naging masyadong mabilis kasi ang lahat samin ni Kurt. Binigyan ko sya ng second chance kasabay non ang pagbibigay muli ng chance na saktan nya ako. Wala akong pinagsisisihan dahil sa maikling panahon na iyon ay muling sumaya ang bawat araw na kasama ko sya. Okay na siguro yon. Naglakad na kami pabalik ng room, nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko na hindi nila pinamuka sa akin na tama sila, na ako din ang masasaktan sa huli. Buti na lang ay hindi nila ako iniwan ngayon tahimik lang ako sa room nagbabakasakaling biglang dumating si Kurt sa klase pero mga ilang oras na ang nakalipas ay walang Kurt na dumating. Naiinis ako, pero wala akong magawa. AKO: What happened? Let's talk. Nag text ako sakanya pero wala akong nareceive na sagot sakanya. Lumipas ang buong araw na hindi sya nag text sakin. Hindi ko rin sya nakita sa campus. Noong araw na ding iyon ay naglabas ng statements si Mrs. Encarnacion about sa issue samin, nalinis ang parehong pangalan namin ngunit nagkasira naman kami. Naguguluhan ako bakit si Jam ang sinabing girlfriend nya. Dapat ako yun, nag sinungaling na naman kaya sya sakin. Isang linggo ang nakalipas pero hindi ako nag pakita kay Kurt kahit tinetext nya akong maki pagkita sakanya. Hindi na kasi sya ang nagtuturo sa amin dahil bigla na lang bumalik si Mrs. Garcia. Maraming beses nag text si Kurt kaya ang ginawa ko ay noong na battery empty ang phone ay hindi na ako nag charge pa. "Trisha, ayaw mo ba talagang makausap si Sir Edrick?" Nag aalalang tanong sakin ni Sab. Nasa rooftop kami ngayon, vacant kami at nagpapalipas oras kami dito. Siguro tapos na yung binigay na second chance samin. Baka kasi hanggang doon na lang talaga kami. "Alam mo Sab hindi na kita maintindihan, noong una ay nagagalit ka sa akin dahil naki pagbalikan ako kay Kurt tapos ngayon na ako na ang umiiwas ay parang tinutulak mo ako pabalik sakanya." Sagot ko kay Sab, sa ngayon kasi ayaw ko pang kausapin si Kurt. Siguro para maka iwas nalang din kami sa mga issues. "Hindi ko naman kasi sinabi na maki pagbalikan ka, nakikita mo ba yang sarili mo Trisha? Halos hindi ka na yata natutulog dahil dyan sa mga eye bags mo at lalo kang namayat dahil hindi ka kumakain ng tama, nag aalala lang ako sayo. Marami kang tanong, kung gusto mo malaman ang kasagutan ay si Kurt ang kausapin mo." Pinapangaralan na naman ako ni Sab. Napabayaan ko na nga ang sarili ko. Iba na naman kasi ang sinasabi ng puso't isipan ko sa kinikilos ko. Para bang dalawa ang nagpapatakbo ng katawan ko. "Para saan pa Sab? Sya na mismo ang nagsabing wala kaming naging relasyon. Narinig mo naman siguro na si Jam daw ang girlfriend nya kaya bale wala na din kung mag uusap kami." Sagot ko ulit sakanya. Pero ang totoo ay gusto ko talaga malaman ang bawat kasagutan sa napakaraming katanungan na nag lalaro sa aking isip. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang katotohanan. Kung totoong si Jam ang girlfriend nya ay hindi ko alam kung dapat ko nalang bang tanggapin or ipaglalaban ko si Kurt. Natatakot din kasi ako malaman ang katotohanan. "Alam mo girl tama ka dyan, wag mo na ipilit ang sarili mo sa taong ayaw sayo. Marami pang lalaki dyan kaya hayaan mo na nga muna si Trish. At isa pa kung kelan ready na sya tsaka nya kausapin si Sir Edrick hindi yung galit sya ngayon baka kung ano pa ang magawa nya dun at sa sinasabing girlfriend nya nga daw." si Gab naman ang nagsalita, after nun ay pare-pareho na lang kaming hindi nagsalita. Tama nga si Gab, mahirap talaga mag desisyon pag galit ka dahil hindi mo alam kung magiging tama ba or mali ang napili mong desisyon next time ko na lang siguro sya kakausapin. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aaral, hindi ko ginamit ang phone ko. Isang buwan na din akong walang contact kay Kurt. Noong una ay nagtaka ang parents ko kung bakit hindi na napunta si Kurt sinabi ko na lamang na tapos na ang tutoring sessions ko sakanya kaya agad silang naniwala. Dalawang buwan na lang ay graduation na namin kaya mas naging busy pa ako, dala ko ang phone ko at hawak hawak ko ngayon. "Here. Maawa ka naman sa phone mo at i-charge mo naman, isang buwan na yang drain." Sabi ni Sab at inabot sakin ang kaparehong charger nya sakin. Inabot ko ito at ginamit na. Hinayaan ko ng ilang minute ang phone ko na magcharge. Makalipas ang sampung minuto ay binuksan ko na iyon at hindi nagtagal ay nareceived ko lahat ng messages ni Kurt sa akin sinimulan kong basahin isa isa simula noong nakaraang buwan. Akalain mo yon, pag na broken hearted ka nga naman parang wala ka nang pakialam sa mga bagay bagay. Tumagal ako ng isang buwan na walang ginagamit na phone. MY IDIOT: 1. Baby, meet me please.. 2. Baby, we need to talk. I'm so sorry. 3. I'm really sorry baby, but please let me explain 4. Baby, I'll wait for you. 5. I'm so sorry baby 6. Baby, please! 7. Baby, I need you! 8. Zoey, meet me before I leave again 9. I'll wait for you. 10. Baby :( Halos pare pareho lang ang text ni Kurt sa akin pero may isang tumatak talaga sa akin "Zoey, meet me before I leave again" hindi ko alam ang gagawin ko kung pupuntahan ko ba sya, binalikan ko ang messages na yun 1 week ago na iyon. Kinabahan ako bigla. "Sab, thanks sa charger! But I need to go ikaw na ang mag isip ng reason ko sa pag absent sa next class, Bye!" Hindi ko na sya hinintay na makasagot agad akong umalis at nagmamadaling lumabas ng Campus. Kahit na masakit ay tatanggapin ko pa din, yan lagi ang sinasabi ko noong pinatawad ko si Kurt bakit umabot pa ako ng one month bago marealize ito. Pag kalabas ko ay humarang ako ng taxi at sinabi ang address nina Kurt, kanina ko pa tinatawagan ang phone nya pero hindi ko ito macontact. "Manong pakibilisan lang po." Sabi ko sa driver. Hindi naman ganon kalayo ang bahay nina Kurt kaya nakarating agad ako. Pagkabigay ko ng bayad ay hindi ko na kinuha ang sukli at agad agad kong pinindot ang doorbell nila. Matagal bago nag bukas ang pintuan, may isang helper na lumabas hindi ko sya kilala pero agad syang nagtanong. "Kayo po ba si Ms. Zoey Trisha?" Tanong nito pero hindi ako naka pagsalita at tumango tango lang ako "Pasok po kayo" pagkasabi nya nun ay mas nauna pa akong pumasok sa bahay nina Kurt. Nag punta ako sa sala noong sinabi ng helper na mag hintay na lang ako sa sala dahil pababa na daw ang taong gustong kumausap sa akin. Naghintay pa ako ng ilang minuto pero nagtataka ako kung bakit si Jam ang palapit sa akin. Nasan si Kurt akala ko ba gusto nya ako maka usap. Bakit nandito sya sa bahay nina Kurt. "Where's Kurt?" Iyon agad ang pambungad ko sakanya. Wala akong pakialam kung mas matanda sya sa akin. Ang gusto ko ay makita si Kurt. Wala na din akong pakialam kung sya nga ang tunay na girlfriend. "Oh, and now you're looking for Ed! He's not here anymore. He was trying to reach you a weeks ago right? Let me correct that he tried reaching you a month ago. And now you're here, I just want to say that Ed is not here." Bago sya umupo sa harap kong safa. Sinuri ko syang mabuti kung nagsasabi ba sya ng totoo. Ang mga mata nya ay nag sasabi ng totoo. Pero sinabi ni Kurt na maghihintay sya sa akin. Dapat sya ang paniwalaan ko. "He told me that he'll wait for me! So don't lie to me. I need to talk to him." Matigas na sabi ko sakanya. Hindi kasi ako naniniwala na aalis ulit si Kurt. Gusto kong magwala. Kung kinakailangan ay hanapin ko si Kurt sa buong bahay nila ay gagawin ko makita ko lang sya ulit. "I told you, wala na sya dito! If nandito nga sya ay kanina ka pa nun kinausap pero dahil wala sya hindi mo na sya makaka usap pa!" Sabi nya at akmang tatayo na sana. Agad agad ko syang pinigilan. Hindi pwedeng wala akong makaka usap na Kurt ngayon. Handa na akong makinig sa mga paliwanag nya. Nagsisisi tuloy ako kung bakit pa ako nag inarte ng one month bago ko sya kausapin. "Please kung tinatago mo si Kurt, please gusto ko lang sya maka usap. Kahit sandali lang. May mga gusto lang akong itanong sakanya please naman." Halos mag maka awa na ako sakanya para lang makita si Kurt. Umiling iling lang sya sakin. Gagawin ko ang lahat para makita at makausap ang taong mahal na mahal ko. Mag muka man akong kaawa awa sa harap ng babaeng ito. "Sinabi ko na ngang wala dito ang hinahanap mo, at pwede ba hindi ko sya itatago. Kaya kung gusto mo syang makita bumalik ka na lang next month dahil next month pa sya makaka uwi." Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nya. Gusto nya lang ilayo sakin si Kurt. Naniniwala ako kay Kurt na hindi nya ako basta basta na iiwan ulit. Naiiyak ako kasi hindi ako nagtiwala sakanya. "Tama na yan Jam." May isang boses lalaki ang nagsalita pero alam kong hindi si Kurt yun. "You're here Trisha, pasensya ka na at wala pa dito si Ed! Maniwala ka hindi namin sya tinatago sayo. Ilang linggo na syang wala dito dahil bumalik sya sa US para sa treatment nya sa sakit nyang..." Naputol sa pag papaliwanag si Steven ang anak ng owner ng University. Kahit nagtataka ako kung bakit nga ba si Jam at Steven ang nandito sa bahay nina Kurt ay mas nangibabaw ang sinabi ni Steven na treatment sa sakit nyang. ANO? Ano ang sakit ni Kurt? "Tama na yan Steven! Wala talaga sya dito bumalik syang US, kung gusto mo syang makausap ay bumalik ka next month" Pero hindi matahimik ang isip ko kung ano ang sinasabing treatment ni Kurt, treatment saan? Bakit ano ang sakit nya at kailangan nya pang sa US magpagamot. "Anong sinasabi mong nasa US sya para sa treatment? Bakit ano ba ang sakit nya at kailangan doon pa sya magpagamot huh?" Naiinis na tanong ko kay Steven, sabihin na nila na wala akong galang pero hindi ko kayang manahimik na lang dito. Walang nabanggit sakin ang magulang nya lalong lalo na si Kurt. Ano ang sinasabi nilang sakit ngayon ni Kurt? "Pag dating na lang ni Ed, tsaka mo itanong yang mga yan! Sa ngayon ay umuwi ka na muna." Sabi ni Jam. Parang mababaliw ako. May alam sila sa mga nangyayari pero wala silang balak na sabihin sakin. Hindi ko yata kayang maghintay ng isang buwan pa para lang malaman kung anong sakit ang sinasabi nila. "HINDI AKO AALIS DITO HANGGA'T HINDI NYO SINASABI ANG KALAGAYAN NI KURT" Pag sigaw ko sakanilang dalawa. Mababaliw na talaga ako. Hindi ko kakayanin na hindi makita si Kurt ngayon tapos sasabihin nilang nasa US sya at nag a-undergo ng treatment. Para saan? Naiinis din ako sa sarili ko. Bakit ba naman kasi hindi ako nag charge ng phone para sana ay nabasa ko ang message ng idiot na yon bago sya umalis. "Umuwi ka na muna Trish, si Ed na ang magpapaliwanag sayo ng lahat." Paki usap ni Steven. Pero parang wala lang sakin ang mga sinasabi nya. Hindi ko kailangan ng kahit ano. Ang gusto ko ay malaman kung ano ba yung nalalaman nila na ayaw nilang sabihin sakin. "HINDI NGA AKO AALIS KUNG HIN-----" naputol ang pag sigaw ko nang magsalita si Jam. Halos mapa upo ako sa sahig ng marinig ko ang sinabi nya. "May leukemia si Ed, Acute lymphoblastic leukemia" Parang hindi maprocess ng utak ko ang sinabi ni Jam ngayon sa akin. Paanong magkakaroon ng Leukemia si Kurt? Okay naman sya nung magkasama kami ah. Mukang healthy naman sya. At diba ang Leukemia ay sakit sa dugo yon? "Oh God Jam! Why did you tell her? Lagot tayo nito kay Ed" Sabi ni Steven pero nakatitig lang ako kay Jam na hinihintay ang sasabihin nya pa. All this time alam nila ang sakit ni Kurt. At wala man lang nagsabi sakin. Hindi ba ako importante para sakanya? "We have no choice! She has the right to know, Steven!" Sagot naman ni Jam pero hindi pa din ako makapaniwala sa sinasabi nila. Joke ba to? Pwes hindi sila nakakatawa. Hindi biro ang magkaroon ng ganong sakit. Nakabasa na ako ng ganong sakit sa isa sa mga article na binasa ko sa health magazines. "Paano naman magkakaroon ng Leukemia si Kurt, maayos sya noong mga panahon na magkasama kami. Hindi nakakatawa ang mga biro mo Jam" Sabi ko pero nanginginig ang boses ko. Umalis sya sa harapan ko. Kaya kay Steven ako bumaling pero wala akong makitang biro sa muka nya napaka seryoso nya lang na nakatingin sakin, umupo din sya sa tapat ko kung saan naka upo din kanina si Jam. Ilang saglit lang ay bumalik si Jam at may mga dala syang folder and envelope. Naupo na din ako kaharap nila. "Since nalaman mo na din naman, hayaan mo akong ipaliwanag ang lahat sayo. But first I'm Doctora Jam Lhara Vasquez." Kahit naguguluhan ay tumango ako sakanya. Ngayon ay magkatabi sila ni Steven sa sofa na kaharap ako. Isa-isa nilang nilabas ang laman ng folder, puro pangalan ni Kurt ang nakikita ko pero wala akong maintindihan sa nakalagay sa papers. Ano ba ang mga ito. "Five years ago he was diagnosed of Acute lymphoblastic leukemia" Panimula nya. Naiiyak ako, bakit hindi sinabi ni Kurt sa akin ito? Cancer yun diba. Ang alam ko pag may cancer ay terminally ill na sila ibig sabihin mamamatay si Kurt. NO!! Nanlaki ang mata ko sa isiping yon. "Before you over react, I want you to listen to the whole story Trisha. Yes he was diagnosed of leukemia. I heard na nakita mo daw kami five years ago na magkasama sa airport." Tumango ako sakanya, dahil hindi ko kayang magsalita. Ibig sabihin noon palang ay may sakit nang nararamdaman si Kurt. "That day, pilit namin syang pinapapuntang US para maipagamot sya. Ayaw nyang umalis noong mga panahon na iyon dahil ayaw ka daw nyang iwan. Nagagalit sya dahil iyon na daw ang karma sa pagiging playboy nya, kung kelan daw sya nakahanap ng babaeng mahal nya ay tsaka sya binigyan ng Panginoon ng ganong klaseng sakit" Sabi ni Jam na halata sa boses ang lungkot. Ibig sabihin umalis sya dahil may cancer sya, mahal ako ni Kurt. Nag umpisa na ang pag-iyak ko. Inabutan lang ako ng tissue ni Steven. Nagsimulang magkwento ulit si Jam. "Med student pa lamang ako ng mga panahon na iyon. Sa kagustuhan kong gumaling din si Ed, ako na mismo ang sumundo sakanya. Graduation Day nya iyon diba? At iyong araw na din yon nakatanggap ka ng tawag mula sakanya na nakikipaghiwalay sya sayo" Tumango ako, habang inaalala ang araw na iyon. Naguguluhan ako ng mga araw na yon dahil bigla na lang syang naki pag break sakin. Tapos nakita ko nga sila ni Jam na magkasama sa airport. Nag paliwanag na din sa akin si Kurt kung bakit kailangan nya bumalik sa US. "Pero ang sabi nya sa akin ay pina uwi sya ng parents nya dahil sa company nila" Yun kasi ang reason nya kung bakit sya umalis that time at dahil hindi nya alam kung kelan sya makakabalik kaya napilitan syang maki paghiwalay sa akin. Natawa si Jam sa sinabi ko. "At sinabi nya pala talaga sayo yun. Ang totoo nyan kaya sya naki pag break ay natatakot syang sabihin sayo na may cancer sya, ayaw nyang kaawaan mo sya at dahil hindi nya alam kung buhay pa ba syang makakabalik sa bansa kaya sya naki pag hiwalay sayo. Iyon ang totoong rason nya." Nagsimula na naman ang pagluha ko dahil all this time ang akala ko ay nagtatrabaho sya yun pala ay lumalaban sya sa sakit nyang cancer. Hindi ko napigilan ang malalakas na hikbi ko. Kahit takpan ko ng kamay ko ang bibig ko ay kusa pa ding lumalabas ang malalakas kong hikbi. Hindi ko na pinigilan hinayaan kong ilabas lahat ng sakit sa dibdib ko. Yung mga panahong halos isumpa ko si Kurt dahil sa sakit na ginawa nya sakin, habang sya ay lumalaban sa sakit. Sana ay naroon ako sa tabi nya. "Mabuti ay maagang na diagnosed ang cancer nya. Tatlong taon syang nag chemotherapy, radiationtherapy. Nanghina ang katawan nya sa loob ng tatlong taon, tiniis nya ang sakit na dulot ng cancer nya sa sobrang sakit nun ay mas gugustuhin mo na lang mamatay pero iba si Ed nilabanan nya ang cancer. Alam mo ba ang lagi nyang sinasabi noong mga panahon na yun 'magpapagaling ako para kay Zoey', 'kailangan kong lumaban dahil hihingi pa ako ng tawad kay Zoey', 'babalik ako ng Pinas para kay Zoey', 'kakayanin ko to para kay Zoey', 'babalikan ko si Zoey' lahat ng dahilan nya ay puro pangalan mo ang naririnig namin. Si Zoey, Zoey, Zoey. Kilala na nga ang pangalan mo sa hospital na tinitigilan nya sa US, ang akala nga ng ibang nurse ay Zoey ang pangalan nya. Sa tuwing kakain sya itatanong nya pa 'kumain na kaya si Zoey?' bukam-bibig nya ang pangalan mo" Hindi ko na talaga napigilan ang paghagulgol ko. Hindi ko kaya ang mga sinasabi ni Jam. Masama ang mga iniisip ko nung panahon na yun kay Kurt pero puro ako ang iniisip nya. "Pinigilan din syang gumamit ng phone, laptop at iba pang gadgets dahil makakasama sakanya iyon. Dumating sa punto na sobrang nanghina ang katawan nya at nag loss sya ng weight, nanlagas ang buhok nya dahil sa chemotherapy nya pero nakuha nya pang magbiro noon 'magugustuhan pa kaya ako ni Zoey ngayon? Hindi na ako gwapo' yan ang sinabi nya." May kinuhang envelope si Jam at inilabas ang mga pictures. Umiyak lalo ako sa nakita kong larawan ni Kurt, sobrang payat nya wala na syang buhok at halata ang panghihina sa katawan nya parang naging bedridden sya. Ito ang dinanas nya noong mga panahong nagpaka bitter ako sa buhay. Walang wala pala ang sakit na naramdaman ko dati. Dahil mas doble, triple pa ang sakit na nararamdaman ni Kurt. "Araw-araw ay nagpapakuha sya ng picture sa akin para daw kung hindi sya makabalik sayo ay ipakita ko ito katunayan na mahal na mahal ka nya at lumalaban sya para sayo." Iyak ako ng iyak. Tumabi na sa akin si Steven para pakalmahin ako maging si Jam ay naiiyak na din sa pag kkwento. Pero walang nakapagpatahan sakin. Hindi ko kaya ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Sobrang sakit. Gustong gusto kong makita si Kurt ngayon at yakapin sya ng mahigpit. Mahal na mahal ko sya. "Zoey 3years... 3years syang lumaban para sayo, hindi para samin hindi para sa pamilya nya kundi para sayo. Pahina ng pahina ang katawan nya dahil sa chemotherapy nya. Akala namin ay hindi nya na kakayanin na halos ipagpa sa Diyos na lamang namin sya pero hindi, lumaban pa rin sya at alam mo ba ang una nyang sinabi nun 'Zoey'. Yung picture nyong dalawa ang lagi nyang katabi na tila nagbibigay ng kakaibang lakas sakanya. Dati ay madalas syang tumawag sayo pero hindi sya maka pagsalita dahil sa panghihina nya, may araw na maghapon syang natutulog lang" Ang daya daya mo Kurt. Sabi mo ay nasa kompanya ka at nagtatrabaho na sobrang busy mo pero ano nasa hospital ka pala. Sana pala ay hindi ako nagpalit ng simcard, para man lang sana ay naririnig nya pa din ang boses ko sa tuwing tatawag sya. Nagsisisi ako ngayon. "Ang sabi nya sa akin ay nasa kompanya sya at nagtatrabaho doon, sobrang busy nya daw." Halos hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil sa paghikbi. Ngumiti na lang si Jam at napailing. Talagang idiot sya dahil ang sinungaling nya, dahil sa akin ay nagsinungaling sya. Ayaw nya talagang ipaalam sakin na naging ganon ang kalagayan nya. Ayaw nyang mahirapan din ako. "3years ang paglaban nya sa cancer nya pero hindi pa doon natapos, mahigit isang taon ang paghahanda para sa bone marrow transplant nya, nahirapan pa silang maghanap ng donor sa huli ay si Steven ang naging donor nya. Naging successful ang transplant nya, tumagal ng isa pang taon bago sya nakabalik sa dating sya. Kinakailangan nya pang magpalakas, pinilit nyang ibalik ang dating katawan nya para hindi ka daw magduda. Nasa US palang sya ay inalam nya na kung ano ang nagbago sayo, matalik na kaibigan nya si Steven noong college. Hindi ka ba nagtataka kung bakit mo sya nakita na parang walang nangyari sainyo? Planado nya na ang lahat Trisha. Kaya naman dahil alam nyang anak si Steven nang may-ari ng University pinilit nyang maging Prof sya dito para makasama ka lang, at worst ay hiniling nya pang mabigyan ka ng notice para mas mabigyan pa kayo ng time na dalawa. Ginawa nya na naman iyon para sayo Trisha. Nalaman sa school nyo na may relasyon kayo buti dumating ako at sinamahan sya sa school na magkunwaring girlfriend nya, again Trisha ginawa nya yun para maka graduate ka at wag husgahan ng mga tao" Ginawa ni Kurt ang lahat ng makakabuti sakin pero naging makasarili pa din ako, imbes na kausapin ay iniwasan ko pa sya. Bakit napaka swerte ko sakanya. Ano bang nagawa kong mabuti para mahalin ng isang katulad nya. "Ang ibig sabihin ay hindi ka talaga girlfriend or asawa ni Kurt?" Tanong ko para ikonpirma talaga ang mga yon. "Trisha, sa palagay mo magiging girlfriend nya ba ako kung sa loob ng limang taon ay ikaw lang yata ang kilala nyang babae? Si Steven ang totoo kong boyfriend. Malayong magka mag-anak si Steven at Kurt." Paliwanag nya. Kaya pala ay kilala ako ni Steven dahil alam nya ang kalagayan ni Kurt. Ibig sabihin si Stven ang totoong boyfriend nya. At ako pa din ang girlfriend ni Kurt. "Kamusta na sya ngayon akala ko ba successful ang transplant? Bakit bumalik sya ng US?" Natatakot kong tanong sakanila. Kung naging successful ang pag papagaling nya bakit muli syang bumalik doon? Ganoon ba kalala ang sakit nya? "Nag a-undergo sya ng maintenance therapy, nasa remission stage sya. May cure ang Acute lymphoblastic leukemia at maswerte sya at maagang na detect ang cancer nya. Mataas ang rate ng survival nito. Pero since cancer sya may relapse din ito kaya bumalik sya ng US para sa medication nya. For now cancer free na si Ed, kaya wag kang mag alala dahil after a month ay babalik ulit sya." Nakahinga ako sa sinabi nya. Buti at doctor ang nag paliwanag sakin kundi baka hindi ako maniwala sa sasabihin ng iba. At siguradong nagwala na ako dito at nabaliw na din. "Maraming salamat sainyo, dahil sinabi nyo ito sakin. Kung hindi pa ako nagpunta ay baka hindi ko pa malaman ito. That idiot nakuha pang mag sinungaling sakin." Nagtawanan kami kahit na may mga luha pa kami sa mata at pulang pula pa ang mata at ilong ko sa kakaiyak. Humanda talaga sakin ang idiot na yan pag balik nya dahil ako naman ang mag mamahal ng sobra sobra sakanya. Hindi hindi ko na sya pakakawalan. "Sana naman this time ay wala na kayong maging problema." Sabi ni Jam. Sisiguraduhin kong wala nang makakahadlang samin. Dahil kung meron man ako na ang makakatapat nila. Ilang taong nakipag laban si Kurt sa sakit nya. Naging matatag sya para makabalik sa akin. Ngayon naman ay handa na akong ipaglaban kahit kanino ang pag-ibig naming. "Oo nga. Ang hirap kaya ipasok ni Ed na prof ni hindi nga pumasa ang teaching skills nya, dinaan lang sa pag papacute buti may natutunan ang mga students." Mas lalong lumakas ang tawanan namin. Baka kung hindi gwapo si Kurt ay paniguradong walang makikinig sakanya. Dahil naging active lang naman ang mga classmates ko dahil sa gwapo ang Prof namin. "Pwede bang i-secret muna natin na sinabi nyo sa akin? Gusto ko sa pagbalik ni Kurt ay sya mismo ang magsabi sa akin." Ngumiti lang sila sa akin. Okay na! Binigay sa akin ni Jam ang contact number ni Kurt, iniwan daw talaga yun ni Kurt dahil nagbabakasakaling pupunta daw ako sa bahay nila, ay ibigay daw iyon. Pasaway ang idiot na yun. Nagka usap kami ni Kurt ng maayos dahil nakuha ko ang contact number nya. Sinabi nya na aabot sya ng dalawang buwan sa US dahil kinakailangan ng parents nya ang tulong nya para sa company, agad akong binalot ng kaba kaya nag madali din akong pumunta sa bahay nila kung saan nag stay sina Jam. Ang sabi lang nito ay mas nagiging maayos ang maintenance therapy nya kaya ay ipagpapatuloy nya pa ito para mas maging matagal ang pananatili nya sa Pilipinas, at baka i-endorse na sya dito sa bansa para gawin ang mga susunod na therapy nya. Hinayaan ko syang paniwalaan na wala akong alam tungkol sa naging sakit nya. Lagi syang natawag at nag tetext na madami daw syang work. Natatawa na lang ako sakanya. Pero sympre nag aalala ako kaya madalas din ako sa bahay nila para magtanong kay Jam. Nag research din ako ng mga related articles regarding sa sakit nya. Most of them are good prognosis kaya mas naging positive din ang mga laging iniisip ko. Nagkwento na rin ako kay Gab and Sab. Grabe mas nauna pang umiyak samin si Gab, hindi nya daw keri ang power of love ni Edrick. Kahit si Sab ay umiyak din hindi nya daw akalain na may ganung pinagdaanan si Edrick, kaya tama nga daw ang kasabihang don't judge the book by its cover. Sabi nila kahit huwag na daw humingi ng tawad si Edrick sakanila dahil napatawad na nila ito sa grabeng pinagdaanan nito at sila daw ang dapat humingi ng tawad. "There's always that one special person that no matter what they've done to you, you still just can't let them go."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD