Graduation day namin ngayon, pero nakakainis naman si Kurt hindi daw sya makaka attend ngayon. Sabi nya dati ay ipapakilala nya ako sa lahat ng tao noong graduation day nya, kaso hindi natuloy iyon kaya ang plano ko ay sya ang ipapakilala ko pero ayun nga hindi sya makakarating. Sayang ang speech na pinaghandaan ko. Yeah you read it right, speech talaga dahil ako lang naman ang Magna c*m laude, sabi sainyo hindi ko kailangan ng tutor pero ngayon nagpapasalamat ako dahil gumawa talaga ng paraan si Kurt makasama lang ako.
Naging maayos ang graduation ko, walang Kurt na nagparamdam kahit noong tinanggap ko ang aking diploma at ang medals kaya hindi na talaga ako aasa na may dadating pang Kurt dahil malapit na matapos ang Graduation namin, tinawag ako para sa aking speech ako na lang kasi ang hindi pa nakakapag speech.
"Today is the day we let go of the safety precautions, the certainties and the walls that kept us from the world. Starting now, we are to make our own journey free from margins that could restrict us to the limitless world. We are through from being sure that we'll make it through every semester because we made what we were tasked to do. Now it is time to face the world of different challenges and a bigger competition. We are not perfect and flawless. We are not all Summa, Magna, c*m laude or Latin Honors. We have our own quirks, breaks and scratches. We are human and we make mistakes. The thing is as long as we learn from them it's alright. Getting a solution comes with it as well." Tumagal pa ng 5 minutes ang speech ko. Pero habang tumatagal ay may tao akong na aaninag na pumapasok ng A-Center, hindi ako maaring mag kamali. Dumating nga sya. Bigla akong naiyak. Nagtataka ang lahat ng tao kung bakit ako umiiyak, dahil wala namang nakaka iyak sa speech ko. Hindi nila alam na ang presensya lang ng isang tao ang makakapag paiyak sakin ng ganito. Nag simula ang bulung bulungan nang biglang nag iba ang speech ko.
"This is my speech, and this is for you. Five years ago, 17 years old ako nang unang tumibok ang puso ko sa isang playboy na katulad mo, 22 years old ka na noon. Katulad ng ibang lalaki iniwan at pinaiyak mo ako, sa pag iwan mo sa akin kinalimutan ko ang salitang LOVE, sa pag alis mo ay dala-dala mo ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit mo ako iniwan noong mga panahon na akala ko ay masaya na tayo, kung anu-ano ang tumatakbo sa isip ko dati ang akala ko nagpakasal ka sa ibang babae, akala ko ay niloko at pinaglaruan mo ako ngunit sa kabila ng masasamang iniisip ko sayo ni minsan ay hindi mo ako nakalimutan lumalaban ka hindi para sa pang sarili, lumalaban ka para sa akin. Ang lalaking playboy na tinutukoy ko, nandito sya ngayon. Iniwan nya ako five years ago para makipaglaban sa Acute lymphoblastic leukemia isang uri ng cancer.." Pagkasabi ko noon ay hindi ko talaga mapigilan ang paghikbi ko. Habang ang iba ay nagtataka, naiiyak. Si Kurt ay nasa gitna at nakatayo lamang.
"Noong araw na umalis sya ay iyon din ang araw ng Graduation Ceremony nya, nangako sya sa akin na ipapakilala nya ako sa buong mundo bilang girlfriend nya pero hindi iyon nangyari dahil kinakailangan nya palang pumunta sa US para magpagamot kaya nandito ako ngayon upang ipakilala ang lalaking pinakamamahal ko. After five years nang pakikipaglaban nya sa kanyang sakit, ngayon ay nandito sya at muli akong binalikan. Ginawa nya ang lahat para makuha muli ang loob ko, to the point na naging Professor at tutor ko sya." Nakita kong umiiyak si Gab and Sab maging ang mga classmates ko na mukang nahuhulaan na kung sino ang aking tinutukoy sa speech na to.
"Sa pagbabalik nya hindi ako natakot harapin lahat ng panghuhusga ng mga tao sa amin, ngunit sya mismo ang bumitaw hindi dahil hindi nya ako mahal kundi dahil sobrang mahal na mahal nya ako na ginawa nya yun para sa ikakabuti ko. Ngayon ay malaya ko na ding masasabi na I'm very very very familiar to that 4 letter word called LOVE. Dahil ni minsan ay hindi nya naka limutan ituro sa akin kung ano ang tunay na meaning ng pagmamahal. For us LOVE is sacrifice, you should know how to respect your partner, learn to understand them and learn to trust them. Age is just a number for us, we don't care if we have 5 years age gap as long as we love and understand each other, no one can separate us, am I right my dear IDIOT?" Nagtawanan ang mga tao sa huling sinabi ko kahit naluluha sila.
"To the person who taught me the real meaning of LOVE, I want you to meet my IDIOT, my love, my baby. Edrick Kurt Lim" Tumingin lahat ng taong naroon sa nakatayong si Kurt. Pumalakpak ako at sumunod si Gab and Sab at maging ang lahat na nang naroroon ay pumalakpak na din, bumaba ako ng stage at lumapit kay Kurt kasabay ko syang naglalakad papalapit. Parehong hindi matanggal ang ngiti sa aming mga labi. Noong nakalapit kami sa isa't isa ay tinanggal ko ang graduation cap ko at inilagay sa ulo nya.
"Congratulation baby, sobrang na touch ako sa speech mo. I love you so much." Sabi nya at natawa kami dahil ilang beses nyang tinangkang ipagdikit ang noo namin pero ayaw dahil nga sa suot nyang graduation cap.
"Akala ko ay hindi ka makakarating ngayon? Naging impromptu tuloy ang speech ko para sayo." Ngumiti lang sya sakin. Napuno ng nagkikislapang camera ang palibot namin dahil sa ginawa kong pag papakilala sakanya. Hindi ako magpapa apekto sa mga sasabihin nila, masyadong malayo na ang narating namin ni Kurt. Ngayon ay ready na ako to face the whole world dahil we will hold our hands together as we proudly face them.
Magakahawak kamay kaming lumabas ng A-Center. Ang iba ay hindi pa rin makapaniwala sa amin, hindi kasi isang maala fairy tale ang story namin dahil hindi agad namin nakuha ang happily ever after namin, in fact this is just the beginning of our story.
"Baby, I've been dying to ask you this since the day I came back here. I know it's too early for you especially na ngayon ka palang mag start sa career mo. But I want you to know how much I love you baby. Let's spend the rest of our lives together. Will you make me the happiest man alive baby? Will you marry me?" Nakita ko na maraming mga professors, students, parents ang mga nakatingin sa amin. Lumuhod si Kurt sa harapan ko at inilabas ang isang box na may lamang diamond ring. Napatakip na lang ako sa bibig ko, hindi ito ang inaasahan ko na graduation. Masyado akong na overwhelm, na mas inuna ko pa ang pag iyak kesa sa pag sagot.
"Hay nako Zoey Trisha Ramos sagutin mo na yan. Alam mo na ang susunod na mangyayari." Pagbibiro ni Gab, I know until now ay type nya pa din si Kurt kaya natawa ako.
"Say Yes! Say Yes! Say Yes!" Nag chant na din ang crowd sa amin. Pero dahil hindi pa din ako makapag salita ay tumango tango lang ako ng maraming beses at isinuot sa akin ni Kurt ang diamond ring. Tumayo sya at agad akong niyakap.
"Thank you baby, I'am the happiest and luckiest man in the whole wide world." Sigaw nya sa lahat ng taong narito. Mabilis nya akong hinalikan sa labi. Our second kiss. Kinikilig na pumalakpak din ang mga taong nandito maging ang aking parents.
"I love you Idiot, Thank you for always teaching me the real meaning of LOVE" Bulong ko sakanya. I am the happiest ang luckiest girl in the Universe.
"You're always welcome baby, because you are the true meaning of LOVE for me. I love you always.." Pinagdikit nya ang noo namin, at pareho kaming natatawa sa mga taong hindi tumitigil sa pang aasar sa amin. Nakita kong naroon din si Jam and Steven na magkahawak kamay na tumatawa sa amin.
"It's a wonderful life now that you're here with me. I don't want anyone else to have your heart, kiss your lips, be in your arms, and be the one you love. I don't want ayone to take my place. We're not perfect but we are devoted." – Edrick Kurt Lim
"I'm scared for someone to realize how truly amazing you are, for someone else to kiss your lips, for someone else to take my place, for someone else to have your heart. In your arms is right where I wanna be. Where nothing else matters besides you and me" – Zoey Trisha Ramos
"There is no such thing as a perfect relationship. Its how two people deal with their imperfections that make its perfect. We are not perfect. We're gonna fight sometimes, but I'm never going to stop loving you, no matter how much we fight or what we fight about."
The end!
-Jes F. (iloveyou501)
(Special chapters?) :)