SPECIAL CHAPTER 2

2023 Words
Everytime I wake up and see you lying next to me, I can't help but smile. I still can't believe you're mine. It will be a good day simply because I started it with you. How did I get so lucky? I still can't believe that I'm already married to this gorgeous and wonderful woman. Unti-unti ay nag mulat na ang kanyang mga mata. I smiled at her. "Good morning, baby." Bati ko sakanya. She smiled back. "Kanina ka pa ba gising? Dapat ay kanina mo pa ako ginising. I need to prepare our breakfast pa." Kahit may mga helper kami dito sa bahay, she always make sure na sya pa din ang nag aalaga samin. "You looks so tired, baby. Pwede namang sina Manang ang mag ready ng breakfast natin. If sobrang stressful na ng work mo, you should resign na. You can just stay here sa house." Kahit ilang taon na kaming kasal, we make sure na hindi namin iko-control ang isa't-isa. She's young and marami pa syang pangarap sa buhay and I want to give it to her. Kaya kahit na gusto kong sa bahay lang sya hinayaan ko pa din syang mag work. "Medyo demanding kasi yung isang client natin. Pero okay naman. May meeting pa ako sa mga Architects natin mamaya. Pwede bang ikaw nalang ang mag pick up ka sa mga bata sa school later?" After she passed her licensure exam, we opened our own Engineering Firm – Ramos-Lim Engineering Company Inc. I usually managed everything in this company with Zoey's help but I think she's been stressed with our projects lately. Hands-on kasi sya sa mga projects, tapos isang butihing asawa at ina din sya samin. Parang super hero na nga sya. "Sige, I'll pick up the kids then dinner out na lang tayo. Daanan ka na lang namin sa office." Yes! We have two kids now. Zed is already 10 years old while our bunso is 5 years old na. We started to move na para gisingin na ang mga bata at mag ready na dahil may pasok pa sila sa school. "Okay! Family date later. Baby, silipin mo naman if okay na yung breakfast ako na ang bahala sa mga bata." Then she went to our kids room. I can live like this forever. I am so contented having them in my life. Naiwan si Zoey sa office, it's already 4pm and I need to pick up the kids. Nasa may gate palang ako natanaw ko na ang dalawang bata na nakatayo malapit sa guard. Bumusina ako para ipaalam na andito na ako. Agad akong nilapitan ng isang lady guard to check, kilala na naman ako dito at matapos lang ang ilang sandali hinatid nang lady guard ang dalawang bata bago sila umupo sa back seat. "Hi Daddy!" Bati sakin ni Zed. I'm so thankful na namana nya talaga ang ugali ng Mommy nya. Nilingon ko sila. Malalaki na talaga ang mga anak namin. Zed is always serious. "Daddy, where's Mommy?" Sabi naman ng isa pa naming anak. Kamukang kamuka naman nya si Zoey. Kaso sya yata ang magiging sakit ng ulo naming mag-asawa. I started driving. We need to go back to the office para ang asawa ko naman ang sunduin namin. "We will go back to the office, Mommy is still in the meeting." Sabi ko lang sakanila. Tumango lang sakin si Zed. While my daughter looks so bored. After 30mins nasa office na kami. Buti natapos na din ang meeting nya. Nasa labas na sya ng office at naghihintay samin. Agad syang pumasok sa loob ng passenger seat. "Hello kids. How's your day?" Bati sakanila ng Mommy nila. Binigyan naman ako ng asawa ko ng mabilis na halik. Unang sumagot si Zed. "It's fine Mommy. Still the same. Too boring. " Walang kagana ganang sagot ng panganay namin. "Mommy, I have two boyfriends na." Nanlaki ang mata ko sa sagot ng anak kong babae. Maging si Zoey ay napalingon din sakanya. "Zane Kate Ramos Lim. Sinong nag turo sayo nyan. You're not allowed to have a boyfriend." Sita ko sa kanya. And for pete's sake. She's only 5 years old and paanong mag kakaroon sya ng boyfriend. "Zane, bawal ka pa mag boyfriend diba? And paano naging two ang boyfriend mo?" Si Zoey naman ang kumausap sakanya. "Mommy, sabi po kasi ng playmate ko he likes me and asked if I can be his girlfriend. Then my seatmate confessed that he likes me too and want to be my boyfriend. They are both nice to me and I can't reject them. So I told them that they are my boyfies." Nasapo ko nalang ang muka ko. I never imagined my daughter saying those things. "Sweetie, you can't have two boyfriends at the same time. And who taught you the word boyfriend. Zane, listen to me you're just a baby and you're not allowed to have boyfriend. Sabi ni Daddy na pag 25 ka na pwede ka nang mag karoon ng boyfriend diba? How old are you na ba?" Buti nalang si Zoey na ang kumausap sakanya. Kung hindi ay baka bumalik na kami sa school para harapin ang sinasabi nyang boyfriends, para maka usap na din ang mga magulang nila. "Mommy, I heard my teacher talk about her boyfriend. I can't choose between Raven and Martin they are both nice to me. And we play together, Mommy. Please I want them to be my boyfriends." Ang hirap mag explain sa mga bata. Hindi naman kami nagkulang ng pangaral sakanila. Sadyang pasaway lang itong si Zane. "No Zane, you're not allowed to have boyfriends or I will transfer you to a different school." Pananakot ko sakanya. Pero hindi nya ako pinansin. "Zoey, tingnan mo yang batang yan. Parang hindi natatakot sakin." Parang batang nag susumbong ako sakanya. Napailing nalang sya. Nakita ko naman si Zed na nag smirk sakin. Bakit ba naman ako nag karoon ng mga pasaway na anak. "Kanino pa ba nagmana yang si Zane. Sabi sayo matagal ko nang napapansin na parang may iba sakanya lalo na pag nakakakita sya ng mga gwapong lalaki." Inirapan nya lang ako. Mukang sakin nga nagmana si Zane. Pero hindi na naman ako playboy ah. At ayokong maging ganon ang mga anak ko. "Kasi naman Mom, Dad, hindi nyo masyadong naturuan si Zane about those medical things na itinuro nyo sa akin before. Look at her now, she's too focus on her own world." Si Zed naman ang nagsalita. Maybe he's right. Zoey trained him when he was 3 years old palang. But now, we rarely manage to play during Sundays. Because of work hindi na din nakaka attend ng mga medical seminar si Zoey. "Mukang kailangan ma divert ang attention ni Zane sa ibang bagay. You're right, Kuya Zed. We spoiled her too much. It's her time to undergo our trainings." Masayang masayang sabi ni Zoey. Mukang may iba na naman syang ituturo samin. "And by the way, Zed you have your Doctor's appointment next week. We need to check your white blood cells and you need to undergo different test. You're already 10years old. And Zane too." Well Zoey is still Zoey. She's still into medical things. "Daddy I don't want to go. The Doctors are scary." Paiyak na sabi ni Zane. Kahit naman pasaway sya. She's still a Daddy's girl. "No Zane, lagot ka. I will tell the Doctor that you have boyfriends and he will inject and extract blood in your arms. Lagot ka." Si Zed naman ang nanakot sa kapatid nya. Natawa nalang kami ni Zoey sa itsura ni Zane. Takot na takot kasi ito. Sinaway na lamang ni Zoey ang mga ito, bago pa mag rambulan ang dalawa sa loob ng sasakyan. Nakarating na kami sa isang restaurant. Naka pag pa-reseve naman ako kanina kaya pag dating namin ay naka ready na ang table namin. Nag order na kami ng iba't-ibang pagkain. Mostly seafoods dahil paborito ito ng mga bata. We order some steaks too. Napalingon kaming apat nang marinig namin ang isang boses na tumawag kay Zane. "Zane!!!!" Nandito din pala sila. Biglang bumaba ang anak ko sa kinauupuan nya at nilapitan ang batang lalaki. Kasama nito ang mga magulang nya. Agad namang nag padagdag si Zoey ng tatlo pang upuan para makasalo namin sila sa dinner. Agad na niyakap ni Zoey ang dalawang bagong dating. Habang si Zane naman ay itinabi nya ang batang lalaki sa upuan. Mukang sasakit talaga ang ulo ko sa batang ito. Mahihirapan akong bakuran sya. Kasing ganda nya ang Mommy nya, kaya naman napaka lapitin nya ng mga lalaki. For pete's sake she's only 5 years old. "It's been months since nagkita tayo. Ano ba naman ang pinagkakabisihan nyong dalawa?" Panimula ni Zoey. Nag order na din sila para sabay sabay na kaming kakain. "Well, nagta-travel kami lagi. Gusto na kasing sundan ni Gab itong si Gavin. He's already 8 years old at gusto na din namin ng baby girl." Sagot ni Sabrina sa kanyang kaibigan. Sabi ko naman, tama ang hinala ko dati na hindi gay si Gabriel. At na develop ang feelings nila sa isa't-isa kaya naman sila din ang nagkatuluyan. Happily married na din sila at may isang anak. "Gavin Ryle nag bless ka na ba sa Ninang Trisha mo at kay Ninong Ed? Ikaw talagang bata ka. Makukurot kita sa singit eh." Sita ni Gabriel sa anak nya. Agad naman nag mano sakin ang bata bago pumunta kay Zoey. Hindi ko ma-imagine na ako ang Prof ng mga ito noon. Napangiti nalang ako. Hindi mo talaga masasabi ang buhay. Sinong mag aakala na sila palang dalawa ang magkakatuluyan. Life is full of surprises nga naman. "Sundan nyo na agad si Gavin. Ang laki na oh." Sabi ni Zoey. "Oo nga eh. Tingnan mo yan! Malaki na talaga kasi may crush na yan eh." Inasar ni Sabrina ang anak nya kaya naman namula ang muka ng bata. Napailing nalang ako. Hindi pa rin sila nagbabago. "Ayiiiee. Binata na ang baby boy namin." Isa pa itong si Gabriel. Lalong nahiya tuloy ang bata. "Sino ba ang crush ng ina-anak ko ah?" Si Zoey naman ang nagtanong. Nangingiti ngiti lang si Gavin habang namumula ang buong muka nya. "Mommy, isn't it obvious ba? Si Zane ang crush nya." Biglang singit ni Zed. Kaya naman nangunot ang noo ko at malapit na mag buhol ang kilay ko. "Kuya Zed, it's our secret why did you tell them?" Nag tatampong sabi ni Gavin sakanya. Pero ngumisi lang sakanya si Zed. Itong mga batang to kung anu-ano ang nalalaman ngayon. "No! Hindi pwede. Zane is too young. Bawal pa. Hindi pa nga ako nakaka get over sa sinabi nyang may dalawang boyfriends na sya tapos ngayon naman ay may Gavin pa." Kaya naman napatingin sila sakin. Natawa naman sila. Akala ba nila nakakatuwang biro ito. "Ano Sir Edrick. Si Zane ba ang karma mo?" Malokong sabi ni Sabrina sakin. Kahit kailan talaga itong babaeng to, lagi pa din ako inaasar. At Sir pa din ang tawag nya sakin hanggang ngayon. Hindi na ulit ako bumalik sa pagiging Prof. Wala na din naman ang reason ko sa University na yon kaya hindi na ulit ako nag turo. "Hindi pwede. Masyado pang baby ang anak ko." Hindi ako mag papatalo. Anak ko to. At sa abot ng makakaya ko ay poprotektahan ko sya. "Mga bata lang yan Ed. Wala namang masama sa crush crush. And iba na ngayon. Millenials na. Dapat makisabay ka na din." Si Gabriel naman. Hindi kasi nila alam ang feeling na may anak na babae. Kaya hindi nila maintindihan ang pagiging protective ko. "Daddy, he can be my boyfriend too. So I will have three boyfriends now." Mas lalong sumakit ang ulo ko sa sinabi ni Zane. Sinaway nalang ni Zoey ang anak namin habang nagtatawanan naman sila. Buti na lamang ay dumating na ang mga pagkain. Dahil kung hindi pa ay baka ano pang nasabi ko. . . . "THE GREATEST LEGACY WE CAN LEAVE OUR CHILDREN IS HAPPY MEMORIES. MY FAMILY IS JUST THE RIGHT MIX OF CHAOS AND LOVE."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD