Chapter 4: Pretend
•••••
Mabilis kong tinanggal ang kamay ni Dark sa baywang ko. I gave him a knowing look.
Pinagdasal ko na sana hindi nakita ng mga magulang ko ang aktong ginawa niya. Because it would create a bigger mess if they saw that. Mas magiging kumplikado.
Buti na lang at hindi na umimik si Dark. But his eyes remained stoic while darting a dark look at me.
Hindi ko siya kilala ng husto. Nakatalik ko lang siya. Pinasok niya lang ang loob ko. That was it. Pero bakit pakiramdam ko parang ligtas ako nung iniyapos niya sa baywang ko ang kamay niya? Why do I feel such a weird feeling when his eyes are fixed on me?
Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko nakayanan ang paraan ng pagtitig niya.
Just great. He's witnessing how f****d up my family is.
Tumingin ako kila Mama. I looked at Blane too. "Tapos na po ang usapan papa. Hindi ako magpapakasal sa kanya. At lalong hindi ako sasama kay Blane. Sorry po" dire-diretsong saad ko sa kanila bago nagmamadaling umalis.
Naging madali ang pag-labas ko ng bahay dahil hindi ako magawang pigilan at pilitin ng mga magulang ko kasi may ibang tao doon. Nandoon ang tinatawag ni Papa na Mr. Kentos. And I think Papa is afraid of him. Tingin ko din isang nakakatakot at napakayamang tao ang lalaking iyon.
The guy whom I lost myself to.
Agad akong pumasok sa kotse nang makalabas ako tsaka pinaandar ang makina ng sasakyan. I stomped the accelerator. Mabuti nang makaalis ako kaysa sa maabutan pa ako ni Blane dahil siguradong uutusan siya ni Papa na sundan ako.
My phone rang. I ignored it. Tinutok ko ang atensyon ko sa daan habang nagmamaneho.
Maaaring si Mama ang tumatawag. Even though, I would still choose to ignore it.
Sorry mama.
"Ma, second honor po ako sa school namin! Konti na lang daw sana, magiging top 1 na ako" Masayang imporma ko kay Mama pagdating ko sa bahay. Galing ako ng school at dumiretso agad ako dito para sabihin sa kanya ang masayang balita.
Sabi kasi ni Mama dapat daw galingan ko para ako ang top 1 sa klase. Pero top two lang ako e. Ang dahilan daw nun ay ang hindi ko pagpasok sa paaralan ng limang araw. Kaso hindi ako nakapasok nun kasi pinapunta ako ni Mama sa kompanya para maturuan ako sa negosyo ni Papa.
Ayun, marami akong na-miss na mga lessons, quizzes at reports.
Pero hindi ko na sasabihin kay Mama ang tungkol doon.
Hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy niya ang ginagawa niya sa laptop niya. "Mama?" Inosenteng tanong ko. Graduating na ako sa elementarya at gusto ni Mama na maging first ako sa lahat.
"Huwag mo akong kausapin, Thea. Busy ako. Saka mo lang ako guluhin kapag nag-top 1 ka na. Now get out of my sight dahil kailangan ko pang tapusin ang report na pinapagawa ng papa mo" tila ay galit niyang saad sa akin.
Nakaramdam ako ng kirot.
Ngunit sa mismong araw na iyon, ipinangako ko sa sarili ko na gagawin ko lahat para mag-top 1 ako lagi.
And I did. Hanggang sa makatapos akong Suma Cumlaude sa kolehiyo. Pero alam niyo ba kung ano ang masakit doon?
Hindi dumalo ang mga magulang ko sa graduation day ko. Naiintindihan ko namang busy sila, pero puwede namang kahit saglit lang ay dumalo sila para matignan ang pinaghirapan kong makamit. Nakatapos ako bilang suma cumlaude ng kurso ko pero wala sila.
Wala man lang akong magulang na sumama sa akin paakyat sa stage. Lahat ng mga kaklase ko, ang sasaya ng mga magulang nilang sumusuporta sa kanila. Me? I walked to the stage alone. Ang isa kong prof na lang ang nag-prisinta pa na magsabit sa medalya ko.
Everybody was so happy for me. But I wasn't. Because even my parents can't afford to be happy for me.
Huminga ako ng malalim matapos kong maiparada ang kotse ko sa labas ng hotel na inuupahan ko. Alanganin akong tumingin sa labas ng bintana. Kapag dito ako tumuloy, malaki ang posibilidad na matunton ako ni Blane.
Masakit itong desisyon ko pero alam kong dito ako sasaya. Ayokong sundin ang utos ng mga magulang ko kung alam ko namang walang patutunguhan ang buhay ko sa desisyong gusto nila.
I'd rather stick to what I believe in.
Ginawa ko naman lahat para sa kanila. Sinunod ko lahat ng gusto nila. Hinayaan ko silang mag-desisyon para sa akin. Hinayaan ko silang kontrolin ang buhay ko. Pero bakit ito ang isusukli nila sa akin? Bakit ganito ang kapalit?
Humigpit ang hawak ko sa manibela. I reversed the car before speeding away from the hotel. Tinungo ko ang daan papunta kay Caileen. Doon na lang muna ako tutuloy for the mean time.
Wala rin namang alam ang mga magulang ko tungkol kay Caileen dahil wala silang pakialam sa akin at sa buhay ko. They don't know who my friends are. Because they don't care as long as I obey to their every order.
Nasa kalagitnaan ako sa pagmamaneho papunta sa kung saan nakatira si Caileen nang mamataan ko sa side mirror ko ang isang magarbong sasakyan na nakasunod sa likuran ko. It's a deep shade of blue.
Pumasok agad sa isip ko kung sino ang may-ari ng pamilyar na sasakyan na iyan.
Bumilis ang paghinga ko.
"What the?-" mahinang bulalas ko.
Bakit nakabuntot sa akin? Huwag niyong sabihing pareho lang kami ng pupuntahan? Or stalker? No I think not. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya at wala siyang oras sa akin. Sa guwapo ba naman niya?
Kita mo nga naman, pinupuri ko pa siya e kanina nga lang umiiyak ako sa harap ng magulang ko. Tapos nakita pa niya! Nakakainis naman.
Nagpatuloy ako sa pagmamaneho para matignan kung tama ba o mali ang hinala ko. This is driving me nuts, come on. May sumisigaw sa isip ko na itigil ko ang sasakyan. Habang sa isang banda naman ay may sumisigaw na ituloy ko lang ang pagmamaneho na parang wala lang ito.
Pinili ko ang huli. I drove. And drove. Then, drove. Until I stopped my car at the Wolkzvok's hotel.
Nangunot ang noo ko dahil talagang tumigil rin ang sasakyang kulay asul matapos kong ibigay sa valet ang susi ng kotse ko.
Mugto ang mga mata ko dahil sa pag-iyak ko kanina. Wala akong pakialam kung pangit na ako. Tumayo ako sa entrance at sinamaan ng tingin ang lalaking kabababa lang ng sasakyan niya. He gave his car keys to the other valet boy.
Sunod niya akong binalingan. His face was void of emotions. "Dito ka rin?" Kunot noong tanong ko sa kanya.
He nodded.
Napalunok namna ako sa riin ng pagtitig niya sa akin. Heto na naman tayo sa titig na ganyan. Yung klaseng titig na nagpapalabas ng kalandian.
I shrugged those thoughts away. Muli kong binalikan ang nangyari kanina sa bahay. Of all people, siya pa ang nakasaksi sa pesteng pag-iyak ko.
I've always been tough. But family is a bullshit that can make me weak whenever I struggle in counteracting my parents.
Binigyan ko siya ng matigas na tingin. "Kalimutan mo ang nakita mo kanina. Forget what you heard. Pretend you didn't see that. Pretend it didn't happen" diretsong sabi ko sa kanya.
Yung Thea na nakita niya kanina ay ang Thea na matagal ko nang tinatago sa lahat.
Imbes na um-oo na lang para simple at tapos ang usapan, tumaas ang gilid ng labi niya. "Why would I do that?" Malamig na tanong niya.
Umingos ako sa sagot niya. "Forget it. Wala ka namang sense kausap e" mataray kong sabi sa kanya.
Gaga! Dapat nga magpasalamat ka kasi natulungan ka niyang makatakas kanina kahit hindi niya alam na malaking tulong ang nai-ambag niya! Sigaw ng isip ko.
Tinalikuran ko na siya at tumungo sa elevator. Pero bago pa iyon sumara, may humabol na isang babae. Nakapasok rin ang gago. Nakatitig pa rin siya sa akin at may naglalarong pilyong ngisi sa labi niya nang makasalubong ko ang tingin niya.
I tried to ignore that.
Sumandal ako sa pader ng elevator.
Paniguradong hinahanap na ako ng mga magulang ko. Pati siguro si Blane tumutulong na rin. Isa rin iyong Villamar na iyon! Sinabi ko namang umatras na lang siya sa walang kuwentang kasal na iyon pero mapilit siya! Mahal daw niya ako at alam niyang darating ang panahon na matututunan ko siyang mahalin. Kung sana umayaw siya sa kasal, edi mas madali sana ang lahat!
Ang sakit niya sa ulo.
I widthrew abruptly from my thoughts when I noticed an action from the girl infront of me. Kumunot ang noo ko nang makita humakbang siya palapit kay Dark.
Kita ko sa harap ang nangyayari dahil sa reflection ng pader. Ka-edad ko lang ata ang babae. She's taking secret glances at Dark.
Pero walang kibo naman ang isa jan. Nakatayo lang siya sa gilid ko at walang pakialam sa nangyayari. His aura is screaming for threat and menace.
Tumaas naman ang isang kilay ko nang makitang mas lumapit pa ang babae kay Dark. Pumasok siya sa espasyong nasa gitna namin ng lalaking inaano niya.
Buwiset. Ayokong maka-witness ng paglalandi 2.0! Tsaka dito pa sa babaeng ito na kulang-kulang sa tela ang damit?!
Naka-tube at sobrang ikli na maong shorts. Este pekpek shorts.
Kanina, narinig ko ang mahinang pagsinghap niya nang pumasok si Dark dito sa loob ng elevator. And I didn't miss how her eyes changed. Parang na-activate ang landi button niya kumbaga.
Malandi rin ako. Pero syempre minsan lang naman. Kaya alam ko ang pinuputok ng mga mata ng babaeng 'to.
Sabagay, lahat nga ng mga babae, napapatingin dito kay Dark. Ubod ng gwapo at ang lakas ng s*x appeal kasi, duh!
Kinagat ng babae nag pang-ibabang labi niya. Then I heard her moan softly.
Gusto ko tuloy matawa. Pero pinigilan ko. I swear, pinigilan ko talaga kahit tawang-tawa na ako dito sa pinanggagagawa niya!
Hala uy ang landi!
Sa mismong repleksyon sa harap, kita ko ang pasimpleng pagbaba ng babae sa tube niya para mailantad pa konti ang suso niyang wala namang kalaman-laman.
I chuckled softly. Pero mabilis akong natigilan nang makitang bumaling ang tingin sa akin ng babae.
Even Dark looked at me. There was a frown on his manly feature.
Tinaasan ko lang sila ng kilay. Saktong bumukas naman na ang lift sa floor ni Caileen. Diretso akong lumabas at narinig ang pagsara ng lift. "Bahala kayo jan na maglandian" Mahinang bulong ko.
Sinimulan ko ulit ang paglalakad pero hindi pa man ako nakakalayo, natigilan ako nang may humigit sa akin at isinandal ako sa may pinakamalapit na dingding.
I groaned softly because of the impact.
Sinamaan ko ng tingin ang gumawa non. I can feel his warm breath on my skin because of his close proximity.
"H-hoy! Manyak ka" Untag ko sa kanya at pilit siyang tinulak pero mas dumiin lang ang hawak niya sa akin. Tumindig ang balahibo ko sa kakaibang laman ng mga mata niya habang nakatingin siya sa akin. Then his eyes went down on my lips.
Lumunok siya.
Para namang natuyo ang lalamunan dahil don.
But what I didn't expect him to do next? His hand travelled up to my back. I heard a zipping sound.
Doon ko lang napagtantong, medyo bumaba pala ang zipper ng suot kong bistida.
Bumaba ang tingin niya sa nakahantad na balat sa ibaba ng leeg ko. He eyed my cleavage dangerously.
Suminghap ako. s**t na malagkit.
Dapat itulak ko siya pero umaayaw ang katawan ko. Sinisigaw nito na para bang tama itong nangyayari. That Dark being this close to me is so right.
"You're showing too much skin" walang buhay na sabi niya na ikinaawang ng labi ko.
Ano?
Mahina akong napasinghap nang maramdaman ang paglapat ng kamay niya sa binti kong hindi natatakpan ng dress ko. I'm wearing a dress two inches above my knees. I'm not exposing too much!
I inhaled sharply before gathering all my strength. Tinulak ko siya at sinamaan ng tingin. Pakiramdam ko, napaso ako sa paghawak niya sa akin. Nag-init ang katawan ko.
Abnormal na nga ata itong katawan ko. Ang landi landi kapag itong tao na 'to ang kasama e!
"Wala kang paki doon. Tsaka huwag ka ngang basta basta nanghahawak! Salamat sa pagsara sa dress ko pero jusko huwag kang nambibigla ng ganun! Napagkakamalan na kitang manyak, sinasabi ko" pinandilatan ko siya.
He smirked. Ang sexy pa ng ngisi niya.
Gusto ko tuloy siyang kurutin sa singit!
"Sige isa pang ngisi jan, hahambalusin kita" inis kong sabi subalit parang balewala lang iyon sa kanya.
He walked closer. Awtomatikong umurong ako at sinamaan siya ng tingin. "Isa" banta ko sa kanya.
He wasn't fazed by that. He took another step. I backed away. "Dalawa. Tumigil ka" seryoso talaga ako.
Bumilis ang paghinga ko.
Muli siyang naglakad palapit kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko, tinaasan ko siya ng gitnang daliri. He looked at it and gave me a stunned look.
"Touch me again, I'll cut your d**k" walang filter kong banta sa kanya tsaka na mabilis kumaripas ng takbo nang akmang lalapitan niya muli ako.
I heard him call my name but I didn't look back. Kasi naman hawak ng hawak e iba nga ang epekto niya sa sistema ko! Buwiset!