Wala akong tiwala sa oras nya ng pagkain kaya naman ako na ang gumagawa ng paraan para makakain siya.
"Eat it or else I will eat you" biro ko. Namutla siya sa halip na tumawa kaya naman agad akong napangiwi.
Late ko na narealize ang sinabi ko pero sa halip na bawiin yon ay hinayaan ko na lang.
"Rubie told me na sinusubuan mo pa raw ng pagkain si Thalia?" This time alam kong nagagalit na siya dahil sa papalakas na nitong boses. Intern siya sa opisinang kinalalagakan namin ngayon kaya naman natatakot akong baka masuspinde pa siya kung sakaling may makarinig samin. "Sumagot ka Coby ! Sumagot ka !" Dito na rin unti unting nagbagsakan ang mga luha nya kaya naman dali dali na akong yumakap rito.
Hindi ko kayang makita na nasasaktan si Aubrey dahil nasasaktan rin ako.
Hindi katulad kapag nasasaktan si Thalia.
Ganon ko kamahal si Aubrey kahit na ipinagkasundo lang kaming dalawa.
"I love her" pag amin ko kay Chessa dahilan upang matutop nito ang bibig at nanlalaki ang mata na tumingin sakin.
'Pero bilang kapatid lang' bulong ng isip ko na hindi ko naisatinig.
"Mahal mo si Thalia?" Gulat nyang tanong na sunod sunod kong tinanguan. "Mhayghaad ! Kailangan nyang malaman ito" tili nya pa.
Hindi ko alam kung anong sinasabi ni Chessa kaya naman umiling na lamang ako.
"Layuan mo siya kung ayaw mong ako ang lumayo sayo" banta ni Aubrey bago ako tinalikuran.
Wala akong choice kundi layuan si Thalia. Umaktong parang wala lang lahat ng pinagsamahan naming dalawa.
"Nilalayuan mo ba ako?" Pag iinteroga nya nang makasabay ko ito sa elevator. "Chessa told me. Pinag aawayan nyo raw ako ni Aubrey--"
"Kaya kailangan kong lumayo sayo. Sana maintindihan mo" bulong kong saad bago lumabas at iwanan siya roon.
Kahit na anong gawin ko, sadyang hindi ko maiwasan si Thalia. Palagi kaming nagkakasama sa meetings at umabot pa sa puntong nagkakasagutan kaming dalawa.
"Ikakasal ka na Apo. Napapansin ko ang masyado mong paglalapit sa kaisa isang anak na babae ni Roger--"
"Dahil sa trabaho Lolo. Wala nang iba pa" putol ko sa sasabihin nya.
"Pero sana maintindihan mo rin ang mararamdaman ni Aubrey kung sakaling makita ka nyang kasama si Thalia--"
"Lola. Hindi naman ganon ang ginagawa ko ah?" Reklamo ko dahil sa pangunguna nilang dalawa. Bahagyang tumikhim si Lolo at umayos sa pagkakaupo kaya naman mas lalong napalukot ang mukha ko.
"Layuan mo si Thalia dahil alam kong siya ang makakasira sa relasyon ninyo si Aubrey--"
"I know Lolo. Kaya gumagawa na ako ng paraan.." dahilan ko na lang.
Mahal ko si Aubrey bilang nobya. Mahal ko naman si Thalia bilang kapatid at yon ang pinagkaiba nila.
Paulit ulit ko iyang tinatak sa isipan ko.
Hanggang sa..
Naramdaman ko na lamang ang labi ni Thalia.
Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at iginiya siya papasok ng condo niya.
Tama ng alak ang namumutawi sa sistema ko kaya naman hindi ko makontrol ang sarili kong katawan lalo na kung usapang lama--
Everytime na tumitigin ako sa mukha ni Thalia na ngayon ay hinahalikan ko.. naiisip ko ang babaeng kaisa isang minamahal ko.
"Aubrey"
Mahal ko si Aubrey bilang siya.
Mahal ko naman si Thalia dahil sa pakiramdam na idinulot nya.
What if Aubrey makes me choose between them?
Is it okay if I choose her instead of choosing Thalia?
Or choosing Thalia and left Aubrey all by herself.
Minahal ko si Thalia dahil sa attraction at attention na ibinibigay nya sakin. Aside sa chemistry at s****l affection, wala na akong nararamdaman sa kanya.
She makes me feel horny sa tuwing magkakasama kaming dalawa.
Nagagawa ko sa kanya ang mga bagay na hindi ko nagagawa kay Aubrey dahil sa respeto ko rito.
Mahal ko si Aubrey at ang tanging respeto na maibibigay ko sa kanya ay hintayin siya hanggang sa maging handa ito.
Alam kong nagkamali ako sa ginawa kong paggamit kay Thalia. Alam kong nagkamali ako nang pakibabawan ako ng lust na hindi ko naman ginusto.
Nanginginig ang kamay ko habang pinagmamasdan si Thalia na nasa harap ko.
Nakabuyangyang at tila ba wala sa sarili kong hinaplos ang mga bagay na pagmamay ari niya.
Tila ba sa sandaling ito ay hindi ko naisip na si Thalia ang kaharap ko.
Na si Aubrey ang kasama at katalik ko ngayon.
"Where are you?" Tanong ni Aubrey sa kabilang linya. Madaling araw ay tumawag siya sakin. Nag away kami kagabi kaya naman wala akong choice kundi lumapit kay Thalia. Umaasa akong matutulungan ako ni Thalia sa problema ko kay Aubrey pero tila ba gumawa nanaman ako ng panibagong gusto nang may mangyari sa pagitan naming dalawa. "Sinabi ni Lolo na hindi ka na raw umuuwi sa kanila? Is it true? Saan ka tumutuloy Yullenco?" Mahina ang boses nito na lalong napakirot sa dibdib ko.
Si Aubrey, ang babaeng pinakamamahal ko ay nagagawa ko nang saktan.
Nagagawa ko na siyang pagtaksilan dahil sa kaisa isang pagkakamali na alam kong ikagagalit niya.
"Kay Emerton" pagsisinungaling ko bago pinagmasdan si Thalia na ngayon ay payapang natutulog sa kamang pinagsaluhan namin kanina.
"What time ka uuwi kung ganon? Gusto kitang makausap about last night.." bakas sa boses nito ang pait at pag iyak marahil siguro kagabi kaya naman mas lalong pumait ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Uuwi ako mamaya, Sweetie. I love you" mahina kong sagot na tahimik niyang ikinatawa.
"See you later. And I'm sorry. I love you too" paalam niya bago pinatay ang tawag.
Halos mapaupo ako sa kamang katabi ni Thalia dahil sa labis na panghihina.
Dahil sa epekto ng alak ay nakagawa ako ng kasalanang tiyak kong makakasakit sa dalawang babaeng importante sakin.
Kay Aubrey na buong puso kong iaalay sa kanya ang buhay ko dahil sa labis na pagmamahal, at
Kay Thalia na itinuring ko ng kapatid ngunit nagawa kong magpaalipin sa tawag ng laman.
"Anong gagawin mo kung may nagawa kang kasalanan sa pinakamamahal mong babae?" Tanong ko sa kanya kasabay ng pagsimsim sa wine na hawak.
Isang hampas sa balikat ang iginawad nito sakin na ikinagulat ko pa. "Edi sasabihin ko sa kanya yung totoo" sagot ni Emerton habang nangingiting sinilip ang kamang wine ng kopita. "Ang tiwala ang pinakamahalagang bagay kapag papasok ka sa relasyon.." then the conversation went on and on.
"Grabe sa pagpayo ah?" Pang aasar ko na tinawanan niya. "May minahal ka na ba? Kung magsalita ka parang may nakakuha na sa puso mo ah?" Biro ko na kapwa namin tinawanan.
Tila ba kami lamang ang may sariling mundo dito sa Coastal Bar.
Maraming abala sa inuman at usapan habang ang iba namang kababaihan ay abala sa pagsayaw sa dance floor na tila ba nagpapakaliyo sa saliw ng musika.
"Well. It's Thalia" amin nito na nagpalaho sa ngisi ko. Nakayuko siya at iiling iling kaya naman hindi niya napagmasdan ang paglaho ng ngiti ko at ang pagkatigil ko sa pagtawa. "From the very start pa lang, alam kong siya na" dagdag niya bago lumagok sa wine at hilaw na ngumisi sakin. "Kung hihiling ba ako ng isang bagay sayo dre, magagawa mo kaya akong tulungan?"
Isang lunok at pagkuyom lamang ang nagawa kong sagot sa kanya na tinawanan niya.