"Oo nga pala. Nakukuha mo lahat ng bagay na ginugusto mo. Aasa pa ba akong matutulungan mo ako kay Thalia?" Iling niyang ani. Konti na lang ay tiyak kong matitiris ko na ang wine glass dahil sa narinig kong sinabi niya. "Gusto ka ni Thalia at gusto mo naman si Aubrey. Hindi ka ba makapili sa dalawa at nagagawa mo silang tuhugin ng sabay.."
"Fine" putol ko na ikinatigil niya sa pagsasalita. Kunot noo siyang tumitig sakin dahil sa sinabi ko habang ako naman ay seryosong bumaling sa kanya. "Tutulungan kita kay Thalia.."
'Kahit na labag rin sa gusto kong mangyari' dagdag ko sa isip na nagpahinga sakin ng malalim.
Kita ko ang pagkinang ng mata nito sa sinabi ko. Di kalaunan ay lumitaw na sa bibig nito ang nakakasilaw na ngiti dahil sa isinagot ko.
Ito lang ang kaisa isang paraan na maaari kong magawa para mawala sa landas namin ni Aubrey si Thalia.
Yung araw na nakiusap at nagkaayos kami ni Aubrey, yun rin pala ang araw na magpapaguho sa mundo ko.
"B-buntis ka?" Nagugulat at tila ba wala sa wisyo kong tanong kay Thalia na ngayon ay nakahawak sa tiyak nito. Kunot ang noo niya habang mariing nakatitig saming dalawa ni Aubrey na ngayon ay nasa likuran ko't nakahawak sa balikat. "B-buntis ka?" Ulit ko muli ngunit hindi man lang siya sumagot.
Binigyan ako ng isang nagtatakang tingin ng parents niya habang siya naman ay matalim na nakatitig sakin.
Well, alam ko kung anong maaaring ikagalit niya.
Ang pagkarinig niya sa usapan namin ni Aubrey ay sinadya ko.
Sinadya kong iparinig sa kanya ang laman ng puso ko dahil hindi ko yata makakayang sabihin ito ng harapan sa kanya.
"So what kung buntis siya?" Natatawang baling sakin ni Aubrey ngunit hindi ko man lang ito nagawang suklian ng tingin dahil napako na kay Thalia ang titig ko, pati na rin sa tiyan nito.
"Anak" tawag ni Tita Carina kay Thalia nang padabog nitong hinablot ang kamay niya at tumalikod saming apat. "What happened?" Baling niya sakin pero sa halip na sumagot ay humakbang ako.
Agad akong napabalik sa kinatatayuan ko nang higitin ako sa braso ni Aubrey at pigilan sa pagkilos.
"May kinalaman ka ba?" Diin niyang bulong na nagpalunok sakin.
"N-no. Wala" sagot ko kasabay ng singhap.
"Bakit nagugulat ka?" Pag iinteroga pa nito.
"I just want to congratulate her" ani ko kasabay ng pagtitig sa hallway kung saan ito naglakad.
Ito na yata ang pinakamalaking parusa na kabayaran para sa pagkakamaling ginawa ko sa buong buhay ko.
"What are you doing here Iho?" Tanong ng Lolo ni Aubrey dahilan upang mapatayo ako sa kinauupuan.
It's been a week simula nung huli kaming magkita ni Thalia. Everytime na bumibisita ako kay Aubrey ay lihim kong sinusuyod ang buong bahay nila, expecting for Thalia. Na sana magkausap kaming dalawa. Na sana may magawa ako para sa anak ko. Na sana maayos ko pa ang lahat.
Na sana mailihim niya ang lahat kay Aubrey.
"I just want to pay a visit for Aubrey" ngiti ko kahit na alam kong nag out of town si Aubrey.
She told me na may bibisitahin siyang kaibigan sa Cagayan De Oro. Kaya hindi ko na ineexpect na maaabutan ko pa siya rito.
"Hindi niya ba sinabi sayo Iho?" Tanong niya bago umupo sa sofa'ng tanggapan nila.
Nag utos rin siya sa katulong na ipaghanda ako ng tsaa but I refuse.
"H-hindi po eh" I lied kahit na in the first place ay ako ang unang sasabihan ni Aubrey.
"Yung batang iyon talaga, oo" iling niya.
Now, this is the time for me to ask him about Thalia.
"Where's Thalia Lo?" Tanong ko dahilan upang balingan ako nito ng tingin.
"Why are you looking for my grandchild?"
Agad akong napakamot sa ulo dahil sa tanong na iyon na hindi ko man lang napaghandaan. "About po sa proposal na na-declined two weeks ago" ngiti ko.
Tumaas ang kilay niya dahil sa naging sagot ko. Well, hindi ako nag isip ng mabuti. "Bakit siya ang hinahanap mo? As fas as I remember, finance department ang nagpasa sayo ng proposal?" Tanong niya.
"Mayroon kasi siyang kailangang pirmahan sa document, Lo. Hindi man lang natignan" rason ko muli na tinanguan niya.
"Just drop the document sa office. Secretary niya na ang bahalang magpadala sa kanya" ngiti niya na nagpataas sa kilay ko.
"Magpadala?" Tanong ko na nakangiti niyang tinanguan. "Bakit? Nasaan ba siya?" Tila ba nawalan ako ng respeto sa matandang kaharap ko.
Para bang kaya ko siyang hilahin patayo at bigwasan sa ulo upang sabihin kung nasaan nga ba si Thalia at ang Anak ko.
"She's in abroad" simpleng salita na nagpaguho sa mundo ko.
She's in abroad?
Ibig bang sabihin nito..
"Ano ba Coby, wala akong alam !" Reklamo ni Emerton nang sinunggaban ko siya ng sakal sa leeg.
"Umayos ka ng pagsagot mo" galit kong tugon pero hindi ko inaasahan ang pagngising iginawad nito. "Nasaan si Thalia" diin ko sa bawat salita at letra ng pangalan niya.
"Are you nuts? Ni hindi ko pa nga siya nakakaharap di ba?" Angil niya.
May point siya.
"Ni hindi mo pa nga ginagawa ang ipinangako mo sakin dre" tango niya kasabay ng matalim na titig sakin.
Sa loob ng ilang linggo at buwan kong lihim na paghahanap kay Thalia.
Wala akong nahagilap maski na isang impormasyon. Kahit na anong gawin kong pagsuntok at pag iinteroga kay Emerton ay wala akong makatas na impormasyon mula sa kanya.
"What's up bro" tapik ni Jameson sa balikat ko.
Isang ngisi ang iginawad ko sa kanya bago lumagok ng alak habang nakaupo rito sa bar island ng Coastal Bar.
"Isang chikinini sakin" ngisi niya sa waiter na tinanguan nito. "What are you doing here? Nanlalalaki na ba si Aubrey?" Halakhak niya na inismiran ko.
"Problema" simpleng sagot ko na lalong nagpalakas sa halakhak niya. "What are you doing here? Ginawa mo nang kapitbahay ang Amerika ah?" Puna ko sa paulit ulit niyang biyahe magmula sa Amerika, Singapore at Pinas.
"Unwind lang. And besides, may natitipuhan akong babae eh" kwento niya.
"Hostes ba yan?" Taas kilay kong tanong na tinawanan niya.
"She's gorgeous. Pero preggy eh" iling niya na animong dismayado.
Out of nowhere, naalala ko si Thalia..
That girl. She stole my son.
Agad na napayukom ang kamao ko nang maalala ko ang mukha ni Thalia na masamang nakatitig sakin habang nakahawak sa tiyan.