CHAPTER 77

364 Words
Ito ang kasal na pinangarap ko. Ito ang wedding theme na pinapangarap nating dalawa. Ito ang kasal na ipinangako mo sakin, years back then. Nangako ka na balang araw, ihaharap mo ako sa altar. Sabay tayong manunumpa sa harap ng lahat. Sa harap ng Diyos at Panginoon ng lahat. Sa harap ng mga taong sumuporta satin. Sa lahat ng taong naniwala sa pagmamahalan natin. Sa lahat ng mamamayan na nakasaksi sa lahat ng paghihirap natin. "Magsisimula na ang seremonya" ani ng wedding organizer dahilan upang umayos na kami sa pwesto. Nagsimula ang lahat sa simpleng pagbati mo. At hindi ko naman inaasahang mauuwi ang lahat sa pagsagot mo. Nagsimula ang lahat sa pagpapakilala mo. At hindi ko rin kailanman na inasahang mauuwi ang lahat sa pangangako mo sa harap ng maraming tao. Wedding hymn begans to chant. Nagsimula siyang maglakad habang ako naman ang nasa likod nya. Hindi ko alam pero natutuwa ako ngayon. Halo halo ang nararamdaman ko. Inggit Lungkot Saya.. Ngiti ang namumutawi sa mukha ko habang pinagmamasdan siyang nakatayo sa altar at nag aabang sa pagtungo namin ng mga kasama ko. Hindi ko naiwasang pangiliran ng luha kaya naman bago pa may makapansin ay mabilis ko na itong pinalis. "She's the girl I want and admired the most.." rinig kong bulong ni Jameson dahilan upang lihim pa akong nangiti. "Kapag pumatak ang luha nya nang dahil sayo.. I will lead you to death" banta nya pa. "Hindi mo na kailangang sabihin yan James. Hindi ko siya hahayaang masaktan nang dahil sakin" sagot naman ni Coby. How I wish that. Yung hindi mo ako kailanman sasaktan. Yan ang ipinangako mo dati di ba? Na hanggang ngayon ay nakatanim pa sakin, at tiyak kong babaunin ko hanggang sa kabilang buhay. Pinanood ko lahat. Magmula sa sumpaan, nakinig ako't isinapuso ko. Hearing your promises completely breaks my heart into pieces. Imagine this.. he's making a promise. A freaking promise infront of our families. Ako ang pinangakuan mo ng kasal pero heto ka't ngayon.. nakatayo sa harap ng maraming tao. Pinapanood ng mga pamilya mo ang sumpa mo. Ang sumpa mong binitiwan dati at isinasakatuparan mo na ngayon.. Sa kapatid ko. -END OF PART 3-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD