HINDI mapaniwalaan ni Alondra ang mga nangyayari—na naman! Oo, heto na naman sila ni Knight sa senaryong hila-hila na naman siya nito sa pulsuhan niya. Pero malaki ang pagkakaiba ng mga 'yon sa kasalukuyang nangyayari sa pagitan nila dahil dama niya ang higpit ng pagkakahapit sa pulsuhan niya ng mga palad ng kabalyero ngayon! Idagdag pa na ngayon ay may kasama 'to. Sa isipin na may kasama 'to na umaawat naman dito ay napapanatag siya.
No, hindi naman sa iniisip niyang magagawan siya ng hindi maganda ni Knight. Kaya lang ay sa nakikita niyang pagkainis dito ngayon o galit na nababanaag niya sa mukha at mga ugat nito sa bicep nito ay natatakot na siya.
"T—Teka—" hindi na siya binigyan nito ng pagkakataon na magprotesta, medyo marahas siya nito kasing hinila papasok sa elevator.
Napasinghap siya at napanganga sa impact ng pagkakahila nito sa kaniya. Maging ang kasama ni Knight, dama niyang nagulat din sa ginawa sa kaniya ng kabalyero.
"Anong pumasok sa kukote mo at binilad mo ang sarili mo ro'n? Na parang akala mo naman ay nasa private pool ka!" asik sa kaniya ni Knight nang sumara na ang pinto ng elevator.
Muli siyang napasinghap at napanganga sa pagtataas ng boses nito sa kaniya. Hindi niya maapuhap ang sarili niyang boses, legit. Mukhang tinakasan siya niyon. Mukhang ang mga mata niya ang mauunang magbigay ng reaksyon at hindi niya mapapayagan 'yon! Hinding-hindi siya iiyak sa harap ng lalaking 'to na hindi naman niya kaano-ano!
"Knight, you should calm down, first," anang kasama ni Knight dito, saka walang salita na pinalis nito ang palad ng huli na nakakapit ng mahigpit sa pulsuhan niya.
Dama niya ang gaan ng braso niya na tila 'yon nakahulagpos sa mahigpit na pagkakatali mula sa hindi nakikitang lubid nang maalis ang pagkakahawak ni Knight do'n.
"Man, hindi dapat ganyan, mag-usap kayo," sabi pa nito ulit kay Knight.
Patlang. Hanggang sa makarating sila sa floor ng unit ni Knight, walang nagsalita na sa kahit sino sa kanila.
Nayakap niya ang sarili nang maiwan siyang nakasunod na lang sa mabilis na paglalakad ng lalaking hindi niya maunawaan kung ano ang kinagagalit.
Oo, galit 'to. Tanga na lang ang hindi 'yon mahuhulaan.
"May beer ba siya ro'n?"
"H—Ha?" Literal na nag-loading siya sa tanong na 'yon ng kasama ni Knight. Noon lang niya napuna na g'wapo 'to, boy next door type.
Tipong pang- toothpaste commercial ang ngiti na maging ang mga mata nito ay nakangiti sa kaniya nang bigla siyang lingunin nito para tanungin at sabayan sa paglalakad.
"M—Meron," nagawa niya naman na sumagot agad.
"Goods. Alak na ang kailangan niyan para kumalma 'yan," ani nito sa kaniya sa pabulong na paraan, "Arkin nga pala."
"Alondra," tipid niyang tugon. Kahit nahanap na niya ang boses ay hindi pa rin niya masasabing nanumbalik na ang kaninang mood niya. "A—Ano ba ang nangyari kay... Knight...?"
Nginisian siya nito. "E, 'di, nagalit."
Sa tinugon nito ay awtomatikong napakapit siya sa tuwalyang s*******n niyang tinapis sa katawan niya kaninang inutusan siya ng peke niyang asawa na itapis 'yon sa kaniyang sarili.
"In fairness, alam niya na towel niya 'to," wala sa loob na sambit pa niya.
Natawa si Arkin. Malakas. "Mukhang pareho naman kayo niyang si topak."
"Huh?" Sinulyapan niya si 'topak', sakto naman na nakatingin 'to sa kanila ni Arkin, naka-krus ang mga braso sa dibdib at nakasandal sa hamba ng pintuan ng unit nito. Hinihintay sila na makalapit.
"Malakas ang topak niyan, 'kita mo nang kulot e." Tatawa-tawang bulong ni Arkin sa kaniya.
Napalunok siya nang magtama ang mga mata nila ni topak er— ni Knight. Saka nagtanong siya sa isipan niya na ano ba ang nagawa niya para topakin 'to? Para magalit 'to ng gano'n?
Parang nag-swimming lang naman siya ah...
Nang makapasok na sila sa bahay ay napatalon siya sa gulat nang pabalagbag na binagsak ni Knight ang pinto. Akalain ba niya na puwede palang gawin 'yon sa gano'ng klase na pinto? Sobrang bigat no'n ah. Hindi niya alam kung gawa saan ang pintong 'yon pero parang metal at mabigat nga.
"Magbihis ka na," utos nito, sa kaniya, kanino pa ba. Siya lang naman ang halos h***d sa kanilang tatlo.
Tahimik na susundin niya na lang sana 'to para na rin maging presentable siya na haharap sa mga 'to, nang maalala niya ulit na wala naman siyang natatandaan na ginawang mali upang magkagano'n 'to sa kaniya kaya napahinto siya nang matapat siya sa harapan nito.
"What?" Kunot ang mga kilay na tanong nito sa kaniya. Saka as usual ay masungit na nagsalita,"Ang sabi ko ay magbihis ka na, Alondra. Air-conditioned ang buong bahay, unless gusto mong magkapulmonya, sige lang—" hindi na naituloy ng kabalyero ang sinasabi nito nang bigla niya 'tong haplusin sa noo, kung saan naroon ang magkasalubong nitong makakapal na kilay. Hinaplos niya 'yon upang mapalis ang pagkakakunot niyon.
"Na-realize ko lang na hindi ko pa pala nakita na hindi nakakunot ang mga kilay mo," sabi niya rito. Kinataas nito ng kilay 'yon.
Narinig niya rin na pagak na natawa si Arkin. Sa peripheral vision niya ay nababanaag niyang may kinukuha na 'to sa fridge.
"Sige lang, 'usap lang kayo d'yan, kunwari wala ako rito. Ituring niyo na lang akong poging hangin," pabirong wika ni Arkin.
Kinangiti niya 'yon. Nang ibalik niya ang mga mata niya kay Knight ay nananatili man na nakataas ang isang kilay nito sa kaniya'y matiim naman 'tong nakatitig sa... katawan niya... paakyat sa kaniyang mukha.
"Uhm..." Napalunok siya. Para kasing nauhaw siya sa nasaksihan niyang paggalaw ng adam's apple ni Knight. "Sige ha, magbibihis na 'ko." akmang tatalikod na sana siya nang hilahin siya nito sa braso. "B—Bakit...?"
"Pasensya na, hindi ko lang nagustuhan na nakabilad ang katawan mo sa pool kanina."
Bumuntonghininga siya. Kinuha niya ang palad nito na nakahawak sa braso niya at inalis niya 'yon sa pagkakahawak do'n.
"Knight, gusto kong malaman mo na hindi naman ako ang pinagkakaguluhan kanina ng mga lalaki ro'n."
"Huh?"
"Hindi ba at kaya nagagalit d'yan ay dahil sa pagkakagulo ng mga boys kanina sa pool area?"
"Tumpak!" pagsingit ni Arkin. Nang lingunin nila 'to ay inangat lang nito ang beer in can sa kanilang dalawa bago 'to tumuloy na ng balkonahe na dala 'yon.
"Maybe I just need to drink too—" siya naman ang umawat sa akmang pagtalikod nito sa kaniya.
"Hindi naman ang katawan na 'to ang pinagkakaguluhan nila," pag-ulit niya, hinayaan lang niyang kusang mahulog sa paanan niya ang towel na tinapis nito sa katawan niya. "Masyado ka lang talagang possessive, Knight."
Muli siyang tinignan nito mula ulo hanggang paa.
"'Yon ay dahil asawa kita, Ally. Nagpakasal tayo sa Vegas no'ng nakaraan lang at hindi mo naman puwedeng gawin na biro 'yon. Ano na lang ang sasabihin nila? Na hinahayaan ko ang asawa ko na magsuot ng ganyan sa madla? Hindi ko alam na binilhan mo pala ang sarili mo ng ganyan."
May kung anong init ang dumaloy sa kaniya sa pagkakabanggit nito ng salitang 'asawa' pero binalewala niya lang 'yon, bagkus ay pagak na natawa siya. "Ito naman talaga ang sinusuot 'pag nag-su-swimming ah. Saka hindi ko binili 'to. Nakakapag-outing naman kami noon pero hindi ako nagsuot ng ganito kahit kailan." Two piece swimsuit kasi 'yon.
Umingos sa kaniya ang kabalyero. "Isang pagkakamali lang ng sisid, tanggal ang laso na 'yan." tukoy nito sa ribbon design ng two piece na suot niya. Backless kasi 'yon.
"Pinahiram sa 'kin 'to ni Gayle." Napaamang 'to, mukhang ni hindi naman nakita ang ex girlfriend na nakasuot ng gano'n. "Sa totoo lang, siya nga ang pinagkakaguluhan ng mga boys do'n sa pool area kaya ewan ko sa 'yo kung bakit ako pa ang nakita mo, imbes na siya."
Wala naman siyang ibig sabihin sa sinabi niya, gusto lang niyang ipaintindi rito na hindi 'to dapat nagagalit kaagad. Hindi 'yon maganda para sa puso nito. Lagi na lang galit. Lagi na lang masungit at suplado.
"H—Hindi ko siya napansin." Yumuko 'to pagkatapos, dinampot ulit ang towel na nasa paanan niya. "Sige na, magbihis ka na. Medyo masakit na sa mata," pabiro pa nitong sabi kahit hindi naman 'to ngumingiti.
"Okay. Saka na lang natin pag-usapan ang tungkol kay Gayle ulit, 'pag okay ka na."
"Okay naman ako."
"Pero ang sungit mo talaga."
"Mas susungit ako kung hindi ka pa magbibihis. 'Pag napulmonya ka talaga."
Humagikgik siya. "Okay, eto na po," aniya, sinabayan na niya 'yon ng talikod.
Kung lilingon pa sana si Alondra bago siya tuluyang pumasok sa loob ng banyo ay makikita niya sana na matiim na nakatitig sa kaniya si Knight Winters, partikular sa katawan niya.