"SIRA rin talaga ang ulo mo," bungad ni Arkin kay Knight nang lapitan na niya 'to sa balkonahe.
Kinuha niya ang isang lata ng beer, binuksan niya 'yon at ininom. Napapikit siya sa pait at init na sumigid sa lalamunan niya nang lagukin niya 'yon nang walang pag-aatubili.
"Bakit?" kunwa'y maang-maangan na tanong niya sa kaibigan.
Pagak na natawa 'to. "Nananahimik kanina 'yong asawa mo na nag-e-enjoy ay pinakialaman mo. Nang komprontahin ka naman ay hindi ka nakapagsalita."
Hindi siya kumibo kahit na nakakainis sa pandinig niya ang tawa ni Arkin. Nilagok lang niya ulit ang hawak niyang alak.
To be honest, kahit siya sa sarili niya ay hindi niya maintindihan kung bakit gano'n na lang ang naging reaksyon niya pagkakita niya kay Alondra kanina na gano'n ang suot. There's something inside him na nagtulak sa kaniya na hilahin 'to ro'n kahit pa nga ba hindi naman 'to o ang katawan nito ang pinagkakaguluhan ng mga kalalakihan sa pool area.
And about Gayle, totoo naman ang sinabi niya kay Alondra na hindi niya napuna ang ex girlfriend niya kanina. And it's kinda weird for him. Nabigla siyang talaga sa nalaman na naroon pala 'to at ito pala mismo ang pinagkakaguluhan do'n.
Well, bilang isang lalaki ay hindi rin niya maitatanggi na maganda nga ang katawan ni Gayle. Sa balakang pa lang nito ay mapapalingon ka na lalo na kung maglalakad pa 'to na tila umiindayog ang mga mabilog nitong pang-upo. 'Yon nga nga ang parte nito na gustong-gusto niyang pabirong tinatampal no'ng sila pa. Pero...
Ang katawan ni Alondra ay hindi niya inakalang mas makakapagpatindig ng balahibo niya at makakapagpainit ng ulo niya...
"Ang sh't nga lang, hindi naman kami normal na mag-asawa sa totoong kahulugan ng salitang 'yon pero galit na galit ako na ewan ko ba," pag-amin niya sa pinsan.
Tinawanan siya nito at tinapik ang kaniyang balikat. "Para ka namang bago nang bago, men, 'pag ganyan na ewan mo ba, dapat ay alam mo na 'yan. Hindi na dapat tinatanong 'yan."
Napailing na lamang siya, inubos na niya ang laman ng lata ng beer na hawak niya upang makapagbukas siya ng isa pa.
Wala siyang alam sa namumuong pagtataka sa kaniya ngayon kung hindi, may nabago sa kaniya kung patungkol din lang kay Alondra ang pag-uusapan. Hindi kasi siya dapat na makaramdam ng possessiveness towards sa babae kahit pa ba ang binanggit niyang dahilan dito ay asawa niya 'to. Dahil hindi naman talaga, ang lahat sa pagitan nila nito ay nakakontrata. Sinong niloko niya sa parteng kaya siya apektado ay dahil 'yon do'n?
Ah, nakakabuwang na lang isipin at sumahin. Idagdag pa ang katawan nitong kahit anong iwas ang gawin niya ay hindi niya pa rin naiwasan na sundan ng tingin kanina...
Yeah, right, katawan niyang pupusta ako na hindi ako patatahimikin ngayong gabi...
"E, kumusta naman sila ni Tita Con? I bet, pinuntahan na siya nang malaman na pinakasalan mo siya sa Las Vegas," muling untag sa pananahimik niya ni Arkin.
"Uh—huh, at magugulat ka, magkasundo sila. Gusto pa nga ni Mom na mag-stick na 'ko kay Alondra."
"Oh, fvck? Seriously?"
Tinanguan niya ang pinsan. "Nahuli niya ang kiliti ni Doña Con."
Natawa si Arkin. "Napuna ko nga ang singsing, hindi ba 'yon nakita ni Tita Con sa kaniya?"
Knight just shrugged his shoulders. Wala siyang idea at wala namang nabanggit ang mommy niya. Saka kung napuna nito 'yon malamang sa hindi ay maghihisterikal 'to dahil binigyan niya ng gano'n kamahal na singsing ang isang tulad ni Alondra na malayo sa mga babaeng na-involved sa kaniya sa past. Tulad na lang ni Gayle. Hindi naman ikinaila ng mommy niya ang pagtutol sa pagbibigay niya sa ex girlfriend niya ng singsing na 'yon.
Oo, nakita naman ng mommy niya 'yon dahil na- feature rin naman sa mga business pages and news 'yon. Baka hindi lang nakilala nito o 'yon nga, hindi lang napuna sa daliri ni Alondra. Habang tumatagal naman din kasi sa daliri ng huli ang singsing ay tila na 'yon hindi na kakaibang alahas dito. Unless, may nakakaalam nga na hindi ito dapat ang may suot niyon.
"Matutulog na yata siya, so, bukas ko na lang i-check ang singsing sa daliri niya kung ano ang problema at hindi 'yon maaalis sa kaniya."
"Sige lang, walang problema," tipid niyang sagot.
Mas gusto rin naman niyang makatulog na si Alondra. Bigla kasing parang nahiya siya sa mga ginawi niya kanina rito. Baka bukas ay makapag-usap na sila nito nang hindi na kasali sa pag-uusapan nila ang nangyari kanina.
Ah, saan din ba galing ang biglang pagkawala niya ng interes sa sasabihin daw nito tungkol kay Gayle?
Naloko na.
MAALINSANGAN kaya nagising si Alondra mula sa mahimbing na pagkakatulog niya. Kahit tamad na tamad pa at hindi pa niya halos iminumulat ang kaniyang mga mata ay bumangon siya upang uminom ng tubig sa may dining area kung sa'n naroon ang fridge. Hindi na siya nag-abalang magsuot ng tsinelas. Masarap naman sa paa ang lamig ng tiles. 'Yon na nga rin mismo ang dahilan kaya unti-unti siya nagbukas ng mga mata habang naghihikab.
Kung bakit kasi hindi siya sanay na matulog ng may aircon kaya in-off niya 'yon kaninang bago siya matulog. Sa halos isang buwan at kalahati na rin naman niyang pananatili ro'n, ngayon lang din naman siya naalimpungatan dahil sa alinsangan.
Hindi na niya in-on ang ilaw sa dining area, tutal naman ay nakapag-adjust na ang mga mata niya sa dim ng mga ilaw na siyang nakasindi lang 'pag gabi sa bahay na 'yon ni Knight. Dire-diretso na lang siyang pumasok sa dining area at nagtuloy na siya sa fridge upang kumuha ng maiinom.
Kaagad naman niyang nakita ang pitsel ng tubig. Nang akmang isasara na niya ang pinto ng fridge at kukuha na siya ng baso na naroon din ang puwesto sa hilera ng fridge, kamuntikan na niyang mabitawan ang pitsel sa gulat dahil naroon din pala si Knight!
Napapikit siya sa gulat bago niya idinilat muli ang mga mata. Hinayaan niyang kunin sa kaniya ni Knight ang hawak niyang pitsel.
"Magugulatin ka pala."
Napabuga siya ng hangin. "Dis oras ng gabi, madilim pa rito, natural lang naman na magulat ako."
Si Knight na ang kumuha ng baso para sa kanila. Ito na rin ang nagsalin ng tubig do'n. Iniabot nito ang baso na may tubig para sa kaniya. Sa klase ng titig nito sa kaniya habang inaabot nito 'yon ay nakalimutan na tuloy niya isara ang pinto ng fridge.
At dahil nakalimutan niyang isara ang pinto niyon, nagsilbing ilaw nila ang kapirasong ilaw na nagmumula sa fridge. Namataan niya tuloy na nakatapis lang pala ang tuwalya sa bewang ng kabalyero!
Natulala tuloy siya at wala sa sarili hinayon niya ng tingin ang dibdib nitong may pinong buhok pala... hanggang pababa...
"Uminom ka na, akala ko ba nauuhaw ka?"
"H—Ha? Ah, oo—oo, nakakauhaw nga!" Nakakauhaw ang katawan na 'yan, jusko!
Dapat ay binabawal sa mundo ang mga lalaking katulad ni Knight Winters, 'yong tila wala nang kapintasan ang pisikal na anyo. Kung hindi nga lang suplado at masungit ay perfect na sana 'to.
"Naligo kasi ako, ang init talaga ng alak sa katawan," anas pa ni Knight.
Kung bakit parang sinasadya nito na maging maganda sa pandinig niya ang boses nito kahit pabulong pa 'yon ay hindi niya alam, pero aware siya. 'Yon yata ang tinatawag nilang bedroom voice?
"Ahm, oo, ako rin. Nainitan kaya bumangon at uminom ng tubig." Natatarantang isinara niya ang pinto ng fridge nang maibalik na sa kaniya nito ang pitsel.
Knight chuckled. "Bakit parang natataranta ka yata?"
"H—Haaa? Ako?" tinuro niya pa ng nakabukas niyang palad ang sariling dibdib. "Matataranta? Bakit naman ako matataranta?"
"Ah, okay, hindi ba?" sarkastiko ang tono na tanong nito sa kaniya. "Let me see," ani pa nito, unti-unti nang lumapit sa kaniya dahilan upang mapasandal siya sa pinto ng fridge na isinara niya kanina lang.
"A—Ang alin...?"
"Kung hindi ka talaga natataranta..."
"K—Knight..."
Bakit ba nagtanong pa siya nang gano'n? Hayun tuloy at tine-testing na ng kabalyero kung natataranta nga ba siya!
Mariin siyang napapikit nang maramdaman niya na ang mainit na hangin na nagmumula sa ilong at bibig ng kabalyero. At dahil nakainom 'to, mas mainit sa normal ang dampi niyon sa balat— nakakakiliti na ewan tuloy!
Grabedad!
"Ally, dumilat ka."
Gago! Nagawa pa siyang utusan na dumilat e, dama na niyang sobrang lapit na ng mukha nito sa mukha niya!
"K—Knight... hindi kasali 'to sa kasundu...an—"
Maitutuloy pa ba niya ang sinasabi niya? E, sinakop na ng labi ng kabalyero ang labi niya?
Oo, at ang tanong sa isip niya na kung bakit may paghalik 'to at ang pagprotesta na inisyal sanang reaksyon ng isang babae 'pag hinalikan na lang bigla ng isang lalaki ay naglaho na lang sa matinong bahagi ng utak niya nang maramdaman niya kung gaano kasarap humalik ang isang Knight Winters...
Bakit parang gusto niyang maduwal na parang hindi naman din? Bakit feel na feel niya yatang iangkla ang mga binti niya sa bewang nito nang iangat na nito ang mga paa niya sa ere?
Ang importanteng tanong sa lahat, saan niya hinugot ang harot nang maisipan niyang alisin ang pagkakatapis ng tuwalya sa bewang ni Knight gamit ang kaniyang paa, nang tuluyan na siyang kargahin nito...