MAY nangyari sa kanila ni Knight.
May nangyari sa 'min, parang tanga na muling sambit pa ni Alondra sa kaniyang sarili habang nananatiling nakatitig siya sa kisame at kipkip ang kumot sa h***d pa niyang katawan nang magising siya ng umagang 'yon.
Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kama— ni Knight! Confirmed! Sa kama nga ng kabalyero sila nauwi sa landian nila kagabi sa dining area!
Kipkip pa rin sa dibdib niya ang kumot na nakagat niya ang sariling hintuturo nang unti-unti niyang maalala ang mga naganap sa kanila ng masungit na kabalyero kagabi.
Ang masuyong halik na binigay nito sa bawat sulok ng katawan niya, ang pagsaliksik nito sa labi niya sa masuyo at marahas na paraan, ang nakakakiliting pagsimsim nito sa leeg niya na siyang pinakanagmarka sa kaniya dahil malakas ang kiliti niya roon...
Ackkk!
Nag-init bigla ang magkabila niyang pisngi kaya nahaplos niya 'yon nang 'di oras. Hindi niya alam na kaya pa pala niyang kiligin sa ganitong edad niya. Hindi niya akalain na kikiligin siya nang gano'n kay Knight.
Ganito ba talaga 'pag nakuha na ng isang lalake ang virginity? Nakakahiya! Hindi siya dapat na bumigay sa kabalyero. Ano na lamang ang sasabihin nito sa kaniya? Na easy to get siya?
Ang shunga niya! Sa hinaba ng relasyon nila ni Gerard ay napagtagumpayan niyang huwag bumigay tapos kay Knight ay gano'n kadali lang niyang ibinigay ang sarili niya. Pero kasi naman... bakit gano'n, bakit wala siyang makapa na pagsisisi? Bakit may pakiramdam pa nga siya sa kaibuturan niya na tama naman ang ginawa niya kahit alam na alam naman niyang mali 'yon...
Oo at adult na siya't alam na niya ang kaniyang ginagawa, pero ang gaga pa rin niya, ni hindi niya nga nobyo si Knight! Saka ang gawain na 'yon ay ginagawa lang ng dalawang taong nagmamahalan. Sa'n na siya dinala ng landi niya?
Nakakahiya talaga—na oo na, nakakakilig naman din...
Ang tunog ng phone niya ang pumukaw sa mga kabaliwan na naglalaro sa isipan niya. Ang subject ng mga kabaliwan niya, tinatawagan siya...
"A-Ahm, hello," pautal na bungad niya sa kabalyero.
"Good morning," tugon nito sa tono na... masaya? Hindi niya talaga sure kasi never pa naman niya 'tong nakita na masaya. Pero baka oo rin naman. Ikaw man 'tong maka-score ng libre kundi ka ba naman sumaya. "Tinawagan kita at baka magtampo ka na iniwan kita kaninang umaga habang tulog ka pa, alam mo na, kailangan kong pumasok."
"Ah..." Ano ba ang dapat niyang isagot?
Ano ba ang dapat niyang isagot gayong parang biglang naging masuyo ang boses ni Knight sa pandinig niya bigla...
Ano ba ang dapat niyang isagot sa taong kakatapos mo lamang na makaniig?
Ano ba ang dapat niyang sabihin o kaya niya pa bang magsalita gayong sa isipan niya ay naglaro na ang senaryo na nagising 'to kaninang umaga habang himbing pa siyang tulog at nakahubad...
"Gumawa ako ng egg mayo sandwich, init mo na lang for breakfast mo."
"Ah... salamat." Nakagat niya ang sariling dila pagkuwan. Hindi niya talaga alam ang sasabihin niya rito! Wala siyang maisip. Nag-lo-loading siya.
"Ally, are you still there?" untag tuloy nito sa pasumandaling pagtahimik niya.
"H—Ha? O—Oo, nandito pa."
Kumalma ka nga, Alondra!
"Hmn, listen, huwag ka nang magluto ng dinner later. Plano kong mamasyal mamayang gabi. Well, casual lang naman. Gusto ko lang huminga, kasama ka. 'Call it a date, maybe it is? Yeah."
"D—Date?" Seryoso ba 'to?
"Oo, wala naman akong pasok bukas."
"Bakit wala?"
"Dahil gusto ko."
Ah— ano raw? "Sige. Ikaw ang bahala," aniya na lang dito.
"Thanks, see you later night."
"E— teka, ayaw ko sa mga mamahalin na restaurant ah. Wala akong isusuot!"
Pagak 'tong natawa. "Nasobrahan ka na sa pagbabasa o panonood ng romance novels."
Guilty na nakagat niya ang lower lip niya. Talaga yarang naging hobby na niyang ipahiya ang sarili niya. Bakit kasi iisipin niyang magde-date sila nito sa isang mamahaling resto, e, hindi naman sila mag-jowa nito!
Nang may tumawag sa atensyon nito sa background ay nagpaalam na 'to sa kaniya. Gano'n din siya rito.
Parang tanga na napatitig pa siya sa sarili niyang cellphone bago niya 'yon ilapag ulit sa may bedside table. Saka niya sinilip ang sariling katawan na h***d pa rin hanggang sa mga oras na 'yon.
Napasinghap siya, ang mga marka na nakikita niya sa katawan niya ngayon ay malinaw na patunay na may nangyari nga sa kanila ni Knight. Talagang-talaga. At kung bakit bigla 'tong nagung malambing sa kaniya ngayong umaga at inaaya siya na mag-date mamayang gabi, mali ba na isipin niyang baka kaya 'to gano'n ay gusto lang nitong umulit?
E, saan galing ang pakiramdam na gustong-gusto rin naman niya ang ideya na mauulit ang namagitan sa kanila?
Nang biglang may maalala siya ay tarantang hinablot niya ulit ang cellphone niya. Nag-tap siya sa screen niyon hanggang sa marating niya ang pakay na app. Application 'yon na pang-remind sa monthly period niya. S'yempre pa, kasali na rin do'n ang paalala kung kailan siya fertile at magkakaroon. At oo, hindi nga siya nagkamali sa pagkakaalala— fertile siya ngayon!
Syet, nalintikan na!
"HEY, ano ang mayroon sa ngiting 'yan ha?" kaagad na buska kay Knight ng pinsan niyang si Arkin.
Ito ang istorbong tumawag sa pangalan niya habang kausap niya si Alondra sa phone kanina.
"Nothing." Kibit ang mga balikat niyang tugon.
"Huuu, why I have this feeling na hindi basta 'nothing' lang 'yan," panunukso pa nito. "Para kasing sa pagkakatanda ko ay ngayon ka lang ngumiti nang ganyan habang may kausap ka sa phone." Taas-baba ang mga kilay na turan pa nito sa kaniya.
Nangiti at napailing na lamang siya. "Paano mo naman nasabi? Lagi ka namang missing in action."
"Ouch! Foul na 'yan ha!"
Nagkatawanan na lang sila sa mga kalokohan na kung tutuusin ay sila lang din naman na dalawa ang nagkakaunawaan.
"So, sasama ba 'ko sa 'yo later night ulit para matignan ko na ang problema sa singsing ni Alondra?" tanong ni Arkin sa kaniya pagkatapos.
Oo nga pala, usapan nila 'yon nito. Kaya siguro naroon 'to ngayon sa office niya. Well, he always invited himself at his office at nakasanayan na niya 'yon pero wala naman silang importanteng dapat na mapag-usapan recently kung hindi ang singsing na ayaw maalis sa daliri ni Alondra nga.
"Oo nga, gusto ko rin naman na maalis na 'yon sa daliri ni Ally."
"If ever na hindi makuha sa mga method na alam nating makakapagpaalis naman sa singsing, baka kailangan na nating i-cut. Magdadala na rin ako ng tools for that just in case."
"Yeah, sure. Siguraduhin mo lang na hindi siya masasaktan." Sa gulat niya ay bigla siyang hinaplo ng pinsan niya sa noo niya at leeg.
"Wala ka namang lagnat. Kahit sinat, wala. Pero parang may iba talaga sa 'yo ngayon, Knightie Boy. Ah, no, may iba sa 'yo. Erase the 'parang'."
"Gago. 'Pinagsasasabi mo." Natatawang sambit na lang niya kay Arkin.
"Dude, something is differ sa 'yo ngayon. Kanina ngumingiti ka habang may kausap ka sa phone, then sinabi mo talaga sa 'kin na okay lang na i-cut ang singsing basta huwag masaktan si Alondra?!" Hindi makapaniwalang saad nito.
He scoffed. "Ano namang mali sa sinabi ko? Matalim ang cutter, hindi mo naman siguro gugustuhin na makasakit."
"Matalim nga ang cutter pero sa pagkakaalam ko naman ay matalim din ang tabas ng dila mo, na mas may pakialam ka sa diamond na tatalsik, sa expensive ring na baka magasgasan." Tumaas baba na naman ang kilay nito sa kaniya habang sinasabi 'yon sa kaniya.
Napatda man siya sa mga sinabi nito, hindi niya pinahalata na napaisip din siya nang dahil sa assesment nito.
Bakit nga ba out of the blue ay nagbago ang concern niya? Kung siya nga ang dating Knight, natural na mas may pakialam siya sa diamond ng isang expensive ring lalo kung siya pa ang bumili niyon.
Bakit nga ba tila bigla ay mas naging mahalaga para sa kaniya na baka masugatan o masaktan si Alondra?
Tumikhim siya. "Huwag na muna ngayon. I mean, next time na lang, Arkin. May lakad kasi kami mamaya ni Ally."
Isang nakakalokong malapad na ngiti lang ang itinugon sa kaniya nito. Pagak siyang natawa at pinukol na lang niya 'to ng fountain pen na naka-display sa pen holder na nasa ibabaw ng office table niya.
"Get out," pabirong pagpapaalis niya rito.
"Date ba 'yan? Marunong ka na rin mag-aya ng date ngayon?" pambubuska pa nito sa kaniya bago 'to tuluyan na lumabas ng opisina niya.
Naiwan na lang siya ro'n na nailing habang nakangiti.
Oo nga naman, kahit ang salitang date ay hindi niya inakala na lalabas sa bibig niya.
Ano ba 'tong mga ginagawa mo sa 'kin, Ally?