18: Baka Sakali

1573 Words
SIGURO ay hindi na masama na mangarap na kaniya ngayong gabi si Knight-- ulit. Siguro rin ay hindi naman masama na pangarapin. Sabi nga nila, walang masama sa pangarap. 'Yong pakiramdam kasi na hindi sila bagay nito, na ang kapal ng mukha niya na kumarga rito noong nakaraang gabi ay bigla na lang naglaho at hindi na niya mahanap ngayon. Ngayon na parang hindi kakayanin ng kabalyero na alisan siya ng tingin habang nasa loob sila ng elevator at parang tanga nitong ginagaya ang p'westo nila noong kapitan ng baby spider ang damit niya. Oo, para rin silang tanga na nagngingitian sa isa't-isa, walang salita na namamayani sa bawat isa sa kanila, basta nang sumara ang elevator ay tinnalo pa nila ang mga teenager na nagkatitigan lang ay tila nagkaunawaan na naglapit sila. Hinapit siya sa bewang nito at kinulong sa mga bisig nito. Trapped siya sa matitipunong bisig nito at 'yon ang pagkakakulong na hinding-hindi siya magrereklamo. Wala siyang lakas na magreklamo dahil nakakapanghina ang mga matitiim na titig ng kabalyero. "Ano kaya kung ipahinto ko 'tong elevator?" Mahina niyang tinapik ang pisngi nito. "Siraulo ka po ba? Kasama mo na 'ko sa bahay ah..." ganting biro niya. Pagak na natawa 'to. "Sabagay, but not now." "Po?" Nakangiting tanong niya pakunwari. Sinasakyan niya lang ang mga sinasabi nito. At sa lahat ng sinakyan niyang biro, ito na yata ang pinakamaharot pero naroon ang pakiramdam na makiki-ride siya kahit saan pa sila makarating sa byaheng 'yon. Ah, nagiging makata na siya. Gano'n pala ang effect ng Knight Winters sa kaniya? Nang masuyong haplusin nito ang pisngi niya ay napapikit na lang siya. Ang epekto na kanina ay tinutukoy niya ay unti-unti nang dumaloy tuloy sa sistema niya. "I want you to rest pag-uwi natin..." "Hmn..." "Alam kong napagod ka sa trip-trip date natin." Napadilat siya at napabungisngis na naiyakap niya ang mga braso sa batok nito. Nang mas hapitin siya't sabayan nito ang bungisngis niya, parang 'yon na ang pinakanatural na tawa na pinakawalan nila sa buong buhay nila. Paano naman kasi, ginawa na nitong running joke ang sinabi niya kaninang 'yon! Joke na sila lang ang nakakaalam at kung maririnig ng iba ay baka masabihan pa sila na nasisiraan na. Sa totoo lang, wala naman talagang espesyal sa date nila. Pagkatapos nilang kumain ng balut, pagkatapos niyang pagtawanan ang pagngiwi nito sa pagkain niyon ay naglakad-lakad lang sila at mas kinilala ang isa't-isa sa paglalakad na 'yon. Ah, bakit nga ba niya nasabi na walang espesyal, gayong magkahawak kamay sila nito na naglalakad. HIndi man 'yon ang unang beses na naranasan niya 'yon, sigurado naman siyang 'yon ang unang beses na naramdaman niyang espesyal ang gano'n kasimpleng... sige na nga, date na kung date. "Matulog ka na, huwag nang mag-phone. Just sleep, okay?" pukaw sa kaniya ni Knight nang marating na nila ang pinto ng k'warto niya nang hindi niya na namalayan. "Ay, ba't ang strict mo po bigla?" Nakangusong kunwari ay reklamo niya. Kinurot nito ang ilong niya. "Pupuntahan mo 'ko bukas sa shop bukas, miss." "Ha? Seryoso ba 'yan?" "Uh-huh." KInuha nito ang palad niya at hinaplos ang palasingsingan niya kung saan naroon ang singsing-- ang singsing na naging rason ng pagkakakilala nila at rason kung bakit sila nito narito sa sitwasyon na 'to. Kung bakit niya nakalimutan ang singsing at ang kaakibat niyon, ang agreement nila, ang pekeng kasal, ang value ng singsing na 'yon dito ay hindi niya alam ang sagot. Hindi rin niya alam kung naitago niya ba ang biglaang kalungkutan sa pagkakaalala niya ng mga 'yon. Bakit naman kasi kung kailan ang saya nila nito ay saka pa pinaalala ang singsing na 'yon? Bakit kung kailan nagsisimula pa lamang sila at nasa stage pa lang na go with the flow? "Ipapaalis na kasi natin ang singsing na 'to kay Arkin." "Ah." "Hindi naman kasi sa 'yo ang singsing na 'to, miss." Oo nga naman. "Ahm, so, pa'no? Mauna na 'ko." Naghihikab niyang ani rito. "Okay. Goodnight." Napapikit na lang siya nang dumampi ang labi ng kabalyero sa bridge ng ilong niya. Ano ba 'yan, sa isang iglap ay ang saya niya, magtatapos din pala sa pagsampal sa kaniya ng katotohanan na ang lahat ng kanila ni Knight ay kunwari lang. KNIGHT in Shining Glamour... Napangiti na lang si Alondra nang muli niyang pagmasdan ang malaking pangalan na 'yon ng jewelry shop ni Knight Winters. Nagising siya na iniwanan siya ng kabalyero, hind lang ng makakain para sa almusal. Nag-iwan din 'to ng mensahe sa kaniya na sumunod siya sa shop nito. Gaya nga ng sabi nito ay aalisin na nila ngayon ang singsing na nananatiling nakasuot sa daliri niya. Kung may magtatanong sa kaniya kung ano ang nararamdaman niya ngayon sa kaalaman na malapit nang mawalay ang singsing na 'yon sa kaniya, aaminin niyang medyo malungkot siya. Hindi nga ba at ang agreement nila ni Knight ay magtatapos sa pagkakatanggal ng singsing na 'yon sa daliri niya? Kung ipapatanggal na nito 'yon ngayon, ibig bang sabihin ay dapat na nilang pag-usapan ng kabalyero ang agreement nila tungkol kay Gayle? Si Gayle na parang iniiwasan siya, buhat kasi no'ng insidente sa pool area ay hindi na niya 'to nakasalubong man lang sa condo. Napabuntonghininga siya. Dapat niya rin namang aminin sa kaniyang sarili na umaasa siyang hindi na muling bubuksan ni Knight ang tungkol sa agreement nila at ang tungkol kay Gayle dahil sa mga nangyari na sa pagitan nila 'to. Pero dapat niya rin na aminin higit sa lahat, na ang lungkot niya ngayon ay malaki ang kinalaman sa feelings niya na ginulo na nito. Oo na, naguguluhan na siya. At nakakatakot 'yon para sa kaniya dahil ngayon lang naman siya naguluhan nang gano'n nang dahil sa isang lalaki. "Ms. Alondra?" untag sa naglalakbay niyang diwa ng kung sino. Si Ailah ang nalingunan niyang palabas sa jewelry shop. Ito ang sales clerk ni Knight na nakasama niya sa pag-attempt sa pag-alis no'n ng singsing sa daliri niya. "Uy, Ailah, long time no see," bati niya. Malapad 'tong ngumiti, nilapaitan siya at hinila sa isang sulok dahil nasa gitna sila ng entrance ng shop. "Natutuwa ako na nakita kita ulit, Ms. Alondra," Niyuko nito ang daliri niya, pagkuwa'y natawa. "nakasuot pa rin pala sa inyo ang singsing." "Ah, oo nga e. Pero aalisin na ngayon kaya nga ako pinapunta ng boss mo rito." "Kuuu, sino ang mag-aalis? Wala pa naman si Boss Arkin, may kinasangkutan na problema." "Huh?" "E, 'yon ang tsismis ngayon. Na kaya wala pa si Boss Arkin ay may inaayos na problema sa asawa niya." "M—May asawa na siya?" "Nagulat nga rin kami na meron pala. Nuknukan pa naman 'yon ng babaero. Hay, ano ba 'yan, ngayon lang tayo nagkita ay may tsismis na naman akong naibalita." Humahagikgik nitong turan sa kaniya na kinangiti lang niya. "Mas mahalaga ang tsismis sa 'yo, sa inyo ni Sir Knight," ani 'to sa himig na nanunukso. Nagkibit lang siya ng mga balikat. Dahil ano naman ang sasabihin niya? Ni hindi niya alam kung ano ang stand niya sa kung anong mayroon sa kanila ng kabalyero na boss nito. "Ms. Alondra, in fairness, buhat nang mabalita na napangasawa mo si Sir Knight, naging mabait siya. Hindi na gano'n ka- hardcore ang pagsusungit." "Ows?" "Oo! Nakakatuwa nga, kako e, sana magkita tayo, tanong ko sa 'yo kung ano ang secret mo." Natawa siya sa pambubuska nito. "Ikaw talaga. Pero gusto ko ang tsismis na 'yan." Napabungisngis na naman 'to. "Alin? Hindi 'yon tsismis 'no! Totoo na napabago mo ang mood ng boss namin. Napabago ng pag-ibig mo." "Awtsu," tugon niya, hindi man siya makapaniwala sa mga naririnig ay deep inside nama'y pumapalakpak na ang mga tainga niya. "Oo nga! Kaya nga ang saya ko para sa inyo. Akalain mo, nang dahil sa singsing na 'yan nasilo mo ang boss namin. Narinig ko pa nga sila ni Boss Arkin, sabi niya, broken hearted no more na raw siya." Okay, hindi niya napaghandaan 'yon. Hindi rin niya napaghandaan ang parang kung anong humaplos sa puso niya nang dahil sa huling sinabi sa kaniya ng kausap. "O, siya, pasok ka na ro'n. Siguradong hinihintay ka na ng Knight mo, Ms. Ally— ay teka, last na tsismis, sa 'yo pala pinangalan ang latest na ilalabas namin na alahas, Ally ang name niya. Gawa sa gemstone na Angelite na ang meaning ay calming and soothing. Narinig ko rin sina Boss Arkin at Sir Knight na kasi raw calming and soothing si Alondra." Hayun na naman ang hagikgik nito sa pagtatapos ng panunukso. Calming and soothing... Required ba na tumanga pagkatapos ng mga narinig niya? Nakakatanga naman kasi na isipin kung saan banda siya naging calming at soothing sa kabalyero... 'Pag gano'n ba ay puwede nang umasa na baka sakaling may feelings na rin siya nagugulo sa kabalyero? "Kanina pa kita nakikita na nakatayo rito, wala ka yatang balak na pumasok sa loob?" "Knight!" Oo, ang subject ng utak niya ay naroon na nga sa harapan niya. Nang lingunin niya si Ailah ay wala na 'to, hindi man lang niya napuna na nakaalis na ang pilyang sales clerk. "Wala si Arkin, and since nandito ka na rin lang, samahan mo na lang ako na mag-early lunch bago ka umuwi." Inakay na siya nito, makakatanggi pa ba naman siya? Saka 'calming' and 'soothing' naman na makulong sa bisig nito kaya kahit saan man siya hilahin at akayin nito, go lang. Harot, Alondra ah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD