Isabel
Nang imulat ko ang mata ko ay muli akong napapikit dahil sa pagkasilaw na nang galing sa puting ilaw sa kisame.
“Gising na po pala Kayo Ms. Mendez” bati saakin ng nurse
“Bakit po ako nasa ospital?” Taka Kong tanong
“Ah nawalan daw po kayo ng Malay sabi nung lalaki na nag hatid sainyo.. kumain na po ba Kayo?” Tanong ng nurse
Umiling ako dahil naalala ko Hindi nga pala ko nag almusal kape lang tapos nung lunch time Wala akong Ginawa Kung Hindi umiyak Lang.
“Kaya ho kayo nawalan ng Malay Nalipasan ho siguro kayo ng gutom at sa pagod.. ok naman po lahat ng test niyo mam kaya pag kaya niyo na ho pwede napo kayo umuwi” paliwanag ng nurse
Naalala ko na May humaplos sa aking muka bago ako nawalan ng Malay.
“Ah nurse sino po nagahatid saakin dito sa ospital?”
“Oh si Manong guard ng LES MUEBLES Ms. Mendez”
Hindi na ako kumibo at pinakiramdaman ko ang sarili ko Kung kaya ko na bang mag drive. Nang sa tingin ko ay Kaya Kona ay nag pa discharge na ako. Tinawagan ko si kuya Jacob dahil baka nag aalala na ito sa akin.
“Kuya sa Condo muna ko ngayon uuwi? Pero Kung may kailangan ka let me know uuwi ako agad diyan” Paalam ko Kay kuya Jacob
“ I’m fine here Isabel don’t worry about me” Sagot ni kuya Jacob.
Nang makarating ako sa condo ko ay agad akong naligo at Nagbihis ng pantulog. Nahiga ako sa kama ko at nag iisip .
“Kaya ko pa ba mag trabaho kay EnZo”? Kung pagod Lang ng katawan alam Kong kayang kaya ko pero ang sakit na dinudulot nito saakin ay yun ang Hindi ko kaya. Pero naalala ko ulit ang sinabi nito saakin na pag nag mahal ka ready kang masaktan at ready kang samahan siya sa hirap at Hindi Lang sa ginhawa. Kaya kahit anong pag papa hirap saakin ni EnZo ay tinitiis ko Hindi ko siya pinapatulan. Kasalanan ko naman eh tama siya ako ang pumatay sa dating EnZo na masayahin mabait mapagmahal kaya kailangan kong tanggapin lahat ng Parusa nito dahil Mahal na mahal ko pa din siya.
Kinabukasan pumasok pA din ako. Hinanda ko na ang sarili ko. Alam Kong Hindi magiging madali ang araw na ito.
“Good morning sir” bati ko ng dumating ito. Pero mi Hindi ako Nilingon at dire diretso Lang ito sa loob ng office niya. Nasanay na ako lagi naman siya ganoon eh.
“Ms. Mendez coffee please”
Mabilis akong gumawa ng kape at dinala ko din ang sticky note kung saan nakasulat ang schedule nito para sa araw.
“Here’s your coffee sir.. and your schedule for today” mahinahon kong saad sabay Talikod at lakad pAlabas.
Nang Hindi ito nag reklamo sa kape niya ay nakahinga ako ng malalim. Actually today he did not bother me too much. Yun nga Lang Hindi din niya ako pinapansin pero mas mabuti na yun kesa naman sigawan Lang ako. Nakita ko itong lumabas ng opisina niya ng lunch time.
“Ms. Mendez.. sa labas ako kakain ng lunch kasama girlfriend ko so don’t bother to order me lunch.”
“Ok po sir” Malungkot Kong Sagot.
“By the way don’t forget to eat your lunch too parA Hindi ka nahihimatay” saad nito habang nakatalikod saakin matapos ay mabilis na umalis.
NakAramdam ako ng konting saya dahil kahit konti ay may natitira pA din itong malasakit saakin. Pero Hindi ko maalis masaktan na ibang babae ang kasama niya mag lunch. Mabilis dumaan ang Oras Natapos ko ang aking trabaho ng mabilis dahil Hindi niya ako masyadong inutusan today. Niligpit ko ang mga gamit ko at tinungo ko na ang parking lot. Nakita ko si EnZo na nakasandal sa bumper ng sasakyan niya at May kahalikan na babAe. Napahawak ako sa dibdib ko dahil NakAramdam nanaman ako ng kirot. Iniwas ko ang pagkAkatitig ko sakanya ng magtama ang aming mga mata.
“Pwede ba Ms. Mendez Huwag mo kaming panoorin Kung uuwi kana umuwi kana” dinig kong sigaw nito saakin. Hindi ko na ito ni lingon at sumakay na ako sa Kotse ko Kinabukasan nag Uber Lang ako pApasok sa trabaho dahil ayoko na mangyari ulit yung eksena sa parking lot. Nang makita kong nakasara ang Pintuan nito ay alam Kong nauna itong dumating saakin dahil kapag ako ang unang dumating ay nakabukas ng bahagya ang pintuan. Kumatok muna ako bago ako pumasok upang ibigay ang coffee niya at schedule. Pero sumikip ang dibdib ko sa eksenang naabutan ko. Nakaupo lang naman ang babae sa kandungan nito habang nakalilis ang dress nito at naghahalikan.
“I’m sorry Hindi ko po sinasadya”
Nang lalabas na ako ay tinawag ako nito.
“Bago ka lumabas iwan mo yung kape ko at schedule ko” utos nito.
Seryoso ba siya gusto pA niya akong humarap muli at makita ang ginagawa nila. Dahan dahan akong humarap muli ng nakayuko. Pero Hindi ko maiwasan makita na patuloy Lang sila sa paghahalikan.
“Ang laki ng boobs mo babe” dinig kong saad nito
“Sh*t he used to say that to me” Bakit parang ang tagal kong makarating sa lamesa kung kailan gustong gusto ko ng maglaho sa harap nila.
Nang mailapag ko ang kape at schedule nito ay mabilis akong lumabas sa Opisina niya. Sunod sunod nanaman nag patakan ang mga luha ko .
“Iha umuulan May payong kabang dala?” Tanong ni Manong guard.
“Ay shocks wala po eh Hindi ko din dala ang kotse ko” Sagot ko
“Osige iha mauna na ako saiyo” Paalam ni Manong guard matapos ma sigurong sarado na ang main door ng building. Ako naman heto at nag aantay sa Uber ko. Naanggihan din ako ng ulan kahit nakasilong ako dahil sa lakas ng hangin. Kaya medyo nababasa ako .
“Shocks ang lamig 10 minutes away pA daw ang Uber ko.. pasundo na kaya ako Kay kuya Jacob?”
Maya maya nakita ko ang sasakyan ni EnZo binaba nito nag bintana ng Kotse niya. Ang expect ko aalukin akong sumabay na dahil basang basa nako ng ulan. Pero nakita kong lumingkis ang girlfriend nito sakanya at niyaya Na siya.
“Babe let’s go home now” Yaya ng babae sakanya
“Go home? So sa iisang bahay lang sila nakatira” sakit nanaman sa puso sh*t
Nakita ko itong tumitig saakin sabay sara ng bintana niya at humarurot ng Paandar ng sasakyan.
“Wala na talaga Isabel kailangan mo ng tanggapin na balewala ka na kay EnZo. Dahil Kung mahal ka pa niya Hinding Hindi ka hahayaan ni Enzo na mag isa at basang basa sa ulan.” Naiiyak kong kausap ang Sarili ko
“Sh*t Isabel puro ka na Lang iyak ha araw araw nalang tama na maawa ka na sa sarili mo” pag aro ko sa sarili ko
Sa awa ng Diyos at dumating din ang Uber ko. Ngunit Kinabukasan ay nagkasakit ako. Mainit ang aking katawan sa tingin ko dahil ito sa pag kakabasa ko sa ulan. Tumawag ako sa receptionist ng LES MUEBLES dahil Hindi ko naman alam number ni EnZo para ipaalam na Hindi ako makakapasok dahil May sakit ako.
EnZo
Dumating ako sa LES MUEBLES at agad akong nilapitan ng receptionists
“Ahh.. sir tumawag po si Ms. Mendez Hindi daw po siya mAkAkapasok today dahil po May sakit siya.. Hindi daw po niya alam number niyo kaya Hindi ka niya matAwagan” paliwanag ng receptionist
“What?.. ano daw sakit niya?”
“ nilalagnat daw po siya at masakit ang mga katawan”
Malakas ang hinala ko dahil ito sa pag kakabasa nito sa ulan. Hindi ko dapat siya iniwan mag isa kagabi na basang basa sa ulan. “F*ck” mura ko dahil Naiinis ako sa sarili ko dahil nag aalala ako Kay Eli mas nangingibabaw saakin ang pag aalala ngayon. I can’t even concentrate knowing she’s sick. Pumunta ako sa coffee shop nila at Nakita ko si Jacob kung titignan mo ito ay parang Hindi ito nagkasakit ng malubha.
“EnZo long time no see ha”
“Oo nga eh im glad you’re ok now Jacob my sister will be happy to see you alive” Sagot ko
“Ah EnZo Huwag mo muna sana sabihin kay Cassy gusto ko makapagtapos siya ng pag aaral Niya munA”
“Huwag kang mag alala Wala akong balak pangunahan ka sa mga desisyon mo.. Malapit na din mag graduate si Cassy at balak nitong umuwi after graduation niya.. anyway how’s Isabel?”
“Oh Hindi pa nga natawag eh busy Siguro.. doon kasi muna daw siya sa condo niya uuwi dahil Malapit yung trabaho niya doon.”
So walang alam Si Jacob na May sakit si Eli at Kung nasa condo ito ay malamang walang nag aalaga dito.
Nang lisanin ko ang coffee shop ni Jacob ay nagtatAlo ang aking utak kung pupuntahan ko ba ito oh Hindi.
“Sh*t enzo uunahin mo pa ba yang galit mo” kAstigo ko sa sarili ko kaya napag desisyunan kong puntahan ito sa condo niya.
Sinubukan ko ang passcode nito kung nagpalit ito thank god at Hindi ito nagpalit. Pag pasok ko ay nakitA ko ito sa kwarto niya at naka kumot natutulog. Nilagay ko ang kamay ko sa noo nito
“F*ck ang init niya sobra”
Agad akong nagtungo sa medicine cabinet nito ngunit wala itong thermometer or gamot man Lang.
“Eli wait for me bibili ako ng gamot ok” sabay halik ko sa noo nito.
Mabilis akong nag drive patungo sa drugstore to buy thermometer at mga gamot bumili din ako ng mga sangkap to make her a soup.
Nang makabalik ako sa condo ay agad akong nag Luto ng soup at habang nagluluto ay Pinunasan ko ito ng Malamig na tubig. Sa noo at buong katawan.
“Eli inom ka ng gamot muna” nanatiling naka pikit ang mga mata nito ibinuka ko ng Konti ang bibig nito at inilagay ang gamot at pinainom ko ng tubig. I keep checking her temperature. Malaya Kong muling napagmasdan ang muka nito siya pa din ang pinaka magandang babae sa aking paningin. Napa lingon ako sa side table nito at nakita ko na nandoon pa din ang picture namin dalawa. Napansin ko din ang singsing na bigay ko sakanya ng 18th birthday niya. Akala ko tinapon niya na yun. “Bakit Hindi ka mawala sa puso ko Eli kahit sinaktan mo na ako ng sobra mahal na mahal pA din kita na kahit ang poot na nararamdaman ko para saiyo ay napapalitan ng pagnanasa na yakapin at halikan kang muli.
Nanatili itong mahimbing sa pagkakatulog kaya Hindi na nito nakain ang soup na Niluto ko. But it’s ok atleast pag gising niya ay May kakainin siya. Nang masiguro kong Wala na itong lagnat ay hinalikan ko ang noo nito at linisan ko na ang condo niya. Ayokong magising ito at makita niya ako dahil kahit mahal na mahal ko pa siya alam Kong Hindi na kami Kailanman pwedeng magkabalikan. Kaya mas mabuti na yung Malamig ang pakitungo namin sa isat isa. Balak ko na din itong kausapin na Hindi na niyA kailangan ituloy ang kontrata. Mas makakabuti saamin pareho ang maputol ang ugnayan para pareho kaming maka pag move on.