Chapter 17 heart ache

1959 Words
Isabel Dumating ang araw ng Lunes,, ang araw na magkikita kami muli ni EnZo. Kinakabahan ako at excited na Hindi ko malaman. Kung sakali mang Wala pa itong ibang minamahal ako mismo ang manliligaw dito tutal ako naman nakipag Hiwalay Eh. Kahit konti hindi nagbago ang pag mamahal ko sakanya. Siya pA din ang lalaking gusto kong pakasalan. Nang makapasok sa building ng LES MUEBLES ay dumiretso agad ako sa floor kung saan ang office ko noon pero pag dating ko doon Wala ng gamit sa loob. Wala din ang sekretarya ni EnZo sa pwesto niya. “Nandito na kaya si EnZo? Saan kaya ang bago kong office.. kakatok ba ako o Hindi..?” Kausap ko sarili ko. Napag desisyunan kong kumatok na lang. Nang walang sumagot ay binuksan ko ang pinto. Nakita ko si EnZo na naka upo sa swivel chair niya at nakatingin sa laptop niya Hindi man lang ako nilingon. “Ah.. good morning EnZo” bati ko “Call me Sir not EnZo” Malamig na Sagot nito at Hindi pA din ako ni lingon nito. Medyo nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil sa sinabi nito. “Ah.. sorry sir.. tatanong ko Lang po Sir saan po ba ako mag office?” “ diyan sa lamesa sa harap ng office ko” Sagot nito habang busy sa laptop Ang bastos Lang.. Hindi man Lang ako tignan kinakausap ko siya. “Eh Hindi po ba secretary niyo po ang nakapwesto diyan?” Tanong ko “Yeah.. but she’s on emergency leave so ikaw muna diyan ikaw din ang gagawa ng trabaho niya habang Wala siya?” Muli ay Hindi pA din ako nilingon nito “Ho? Wala naman po sa kontrata yun ha?” Reklamo ko. Inangat na nito ang kanyang muka at tinignan ako. “Sh*t ang gwapo niya pa din.. walang Kupas” sigaw ng utak ko “Ms. Mendez isang taon mong inabanduna ang trabaho mo may narinig ka ba saakin tapos ngayon ikaw pa May ganang mag reklamo?” Masungit na saad nito Napangiwi ako sa Sagot nito at sa tawag niya saakin. “Ms. Mendez talaga? Eh ano naman expect mo babe? Matapos mong hiwalayan” para kong baliw na kausap ko sarili ko. “Kung Wala ka ng tanong maari ka ng lumabas at pumunta sa pwesto mo. I have a lot of work to do at Wala akong panahon aksayahin ang Ora’s ko sa walang kwentang bagay” Malamig na saad nito “Ako ba yung sinsabihan niyang walang kwenta”? Konti nalang EnZo maiiyak na ako” lumabas na ako at naupo sa pwesto ko. Nagbuntung hininga ako dahil Hindi ko expect na ganito ang ang magiging pakitungo ni EnZo saakin. “Kaya mo yan Isabel Laban lang ikaw pA ba” pag pA palakas ko sa loob ko. Nagsimula akong mag drawing pero Hindi ako makapag concentrate dahil maya maya ang tawag ni EnZo sa intercom Kung ano anong inuutos. “Ms Mendez” muli ay tawag nito saakin. “Ano nanaman kaya ang gusto nito!!” “Yes Sir..” “Order me lunch dito na ako kakain sa office ko” “Ano po gusto niyo Sir”? Tanong ko “Ikaw.” Nanlaki mata ko sa sinabi nito “Ang ibig Kong sabihin ikaw na bahala.. Hindi mo na kailangan pang itanong yan!! Lunch Lang Hindi mo pa alam?”Masungit na Sagot nito. “Hindi po sa Hindi alam baka Lang ho may gusto kayong ipabili” masungit ko din Sagot “Sinasagot mo ba ako Ms. Mendez”? “Bakit Nanliligaw ho ba kayo? Bakit ko ho kayo sasagutin?”Nakita kong namula ito at Iniwas ang mga mata nito. Lumabas na ako at nag tungo sa canteen. Nag order na Lang ako ng adobong manok rice at mix veggies. Sinamahan ko na din ng water. . “Tag dalawang order po ha yung isa kay Sir EnZo yung isa saakin po babayaran ko.” Kumatok muna ako ng Tatlong beses bago ako pumasok. “Sir eto na po ang lunch niyo” ibinaba ko ito sa lamesa niya at lumabas na. “Wala man Lang thank you” Inis kong bulong ako man ay kumain na Lang din sa lamesa ko. Nang matapos akong kumain ay niligpit ko ang kalat sa lamesa ko. Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa Likod ko habang nakatuwad ako. “Pag katapos mo diyan yung office ko ang Linisin mo. Pag balik ko gusto ko malinis na” saad nito “ Opo sir” Sagot ko Nang pumasok ako sa office niya nan Laki mata ko dahil ang Daming kalat. Ang linis lang nito kanina ngayon puro nilamukos na papel ang nasa sahig. May mag chips din at ang pinag kainan nito kalat kalat. “Kailan pa ito naging balahura.. eh napaka linis nito.” Sinimulan ko ng pulutun ang mga basura sa sahig pati pinag kainan nito ay kalat kalat nakakainis!! “Isabel?” Napatigil ako sa ginagawa kong pag pulot ng nga basura sa sahig ng marinig ko na May tumawag saakin. “Isabel ikaw nga.. what are you doing here anong ginagawa mo diyan sa sahig?” Takang tanong ni Ram “Ah.. nililinis ko yung opisina ni Sir Enzo?” Nahihiya kong sagot. “What? I don’t understand” “She’s working here Ram as my temporary secretary..” nagulat pa kami at biglang sumulpot ito “Kasama ba sa trabaho niya ang pag lilinis ng kalat mo Kuya Enzo?” Seryosong tanong n Ram “What are you doing here I expect your dad not you” “He can’t come May emergency kaya ako pinapunta niya.” Sagot ni Ram habang nakakatitig saakin at patuloy Lang sa paglilinis. “Ms. Mendez mamaya mo na ituloy yan.. May business meeting kami ni Ram.. ang bagal mo kasi kumilos” “Kuya Enzo!!!” Awat ni Ram “No it’s ok Ram.. lalabas na ako” nanginginig kong sagot dahil napahiya ako Kay Ram sa sinabi ni Enzo. Kung tratuhin niya ako para niya kong Alipin. Hindi ko na napigilan umiyak nang makarating sa pwesto ko. “Kaya pA ba Isabel? First day mo palang mukang suko kana ha” kausap ko sarili ko. Pinunasan ko luha ko dahil ayokong makita nila kong umiiyak lalo na ni Enzo dahil alam ko ito ang gusto niyang makita alam ko gumaganti ito saakin sa ginawa ko sakanya. Pero Kung makaasta siya parang siya Lang ang nasaktan. Siya Lang naman ang iniisip ko ng mga panahon na yun Kung selfish Lang ako Hindi ko siya I lelet go. Mayamaya pa nga ay lumabas na si Ram. Hinawakan nito ang pisngi ko.. “Are you ok?” Pag aalala nito Tumango Lang ako.. ayokong magsalita dahil baka maiyak lang ako. Umupo ito sa harap ko. “Are you sure.. you know you don’t need to stay here right?” “Kung magliligawan kayo Huwag sa Oras ng trabaho! Kaya Hindi mo matapos tapos trabaho mo Ms. Mendez dahil inuuna ming lumandi.” Mariin na saad ni EnZo “Kuya Enzo are you serious? Kailan ka pA naging bastos sa babae?” Galit na tanong ni Ram “Mga mahigit isang taon na.. nung May pumatay sa dating Enzo sa dating ako” sabay tingin saakin at lakad palayo Hindi ko na napigilan umiyak ng makalayo ito. “Let’s go Isabel ihahatid na kita sa sasakyan mo umuwi kana Hindi mo kailangan mag tiis dito” Pinunasan ko ang luha ko at inayos ang sarili. “No it’s ok Ram.. tatapusin ko Lang trabaho ko tapos uuwi na din ako.. sige na kaya ko na ito” Nang makaalis si Ram ay pinag patuloy ko ang pag lilinis ng opisina ni Enzo habang naiyak ako. Narinig kong May pumasok sa opisina kaya Pinunasan ko ang luha ko. “You’re still cleaning”? Sarkastikong tanong ni Enzo Akala ko naman umuwi na ito Babalik papala. “Ahh.. patapos na po sir sorry po” Hindi ko ito nililingon dahil makikita niya na umiiyak ako. “Pakibilisan please ayokong May ibang tao sa opisina ko Habang nag tatrabaho ako.. paki abot mo nga yang mineral water ko” Utos nito Kinuha ko ang mineral water at inilapag sa lamesa niya. “Sige po sir tapos na po ako lalabas na po ako.” Nang tinignan ko ito ay nagtama ang aming mga mata. Biglang umamo ang masungit nitong muka ng makita ang aking muka. Iniwas ko ang tingin ko at tumalikod dahil alam Kong namumula ang mga mata ko kakaiyak. Nang makalabas ay niligpit ko ang gamit ko at nilisan ang LES MUEBLES. Enzo Nang magtama ang aming mata kitang kita kong galing ito sa pag iyak dahil mugto pa ang mata nito. NakAramdam ako ng kirot sa puso ko ng makita kong malungkot ang mga mata nito. Lumabas ako ng opisina para tignan Kung umiiyak pA ito pero Wala na ito umalis na . Bakit ganoon ako yata ang nasasaktan sa ginagawa ko Kay Eli. Bakit imbes na galit ang maramdaman ko Tuwing nakikita ko siya Napapalitan ng pananabik na mayakap siyang muli. “Hindi .. Hindi na ako ang dating Enzo Hindi na ko magpapa dala sa damdamin ko.. Hindi mo na ako masasaktan Eli.” Sigaw ng utak ko habang sapo sapo ko ang ulo ko. Kinabukasan Hindi nag bago ang pakitungo ko Kay Eli.. lagi ko pA din itong pinahihirapan at sinusungitan. “Ms. Mendez kape Lang tatanga tanga kapa? Diba May coffee shop kayo Bakit ganito ang lasa ng kape mo?” “Sorry po sir.. gagawa na Lang po ako ulit” nakayukong sagot nito Wala naman talagang mali sa kape. Actually sobrang sarap nga. Pinahihirapan ko Lang siya. Ang Hindi ko maintindihan Bakit Hindi siya sumasagot saakin. Bakit tinatanggap na Lang niya lahat ng pag papa hirap ko. “Huwag ka na gumawa sigurado palpak nanaman yan.. siya nga pala dadating ang girlfriend ko mamaya pag dating niya walang mang iistorbi saamin walang papasok sa opisina ko” Malamig kong saad dito Nakita kong inangat nito ang muka at tinignan ako. Iniwas ko ang tingin ko sakanya dahil kita ko ang Malungkot na mata nito. “Opo sir” Sagot nito sabay labas Isabel “Hi.. is my babe inside?” Tanong ng isang babae na ang suot ay halos kita na ang kaluluwa. Kailan pA na hilig si Enzo sa ganitong babae kahit si Christine na malandi disente pa din manamit. “Ah yes he is inside..” Sagot ko “Tell him his girlfriend is here” Utos nito Kumatok muna ako “ ahh. Sir nandito na po girlfriend niyo” nakayuko kong saad “Hi babe” bati ng babae habang naglalakad papasok Sinalubong naman ito ni Enzo. “Hi babe I miss you” sabay halikan nila nakita ko pa itong nakatingin saakin. “Oh ano Ms. Mendez tatayo kana Lang ba diyan at panonoorin mo kami Hindi kapa ba lalabas?” Sarkastikong tanong ni Enzo “Sorry po” ni lock ko pinto nila at lumabas na ako Muli akong umiyak ng umiyak. Sobrang sakit pala makita ang lalaking mahal mo na May iba na. Parang sinaksak ako ng paulit ulit. “Dapat ako Yung babe na tinawag niya eh. Dapat ako Yung kahalikan niya eh” sisi ko sa sarili ko. Napa subsob nalang ako sa table ko at nagpatuloy sa pag iyak. Hindi ko namalayan nakatulog ako sa Table ko sa kakaiyak. Nagising na Lang ako ng maramdaman kong May humawi ng buhok ko at Hinaplos ang pisngi ko.. “Enzo.. babe ikaw ba yan”? Matapos ay nakaramadam ako ng Hilo at nawalan ng malay muli..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD