Chapter 15: Jaxx's Confession

2079 Words
Lola's POV Marahas akong napabangon mula sa aking higaan at muli na namang nagpapadyak habang nagmamaktol na parang bata. 3 AM na pero hindi pa rin ako makatulog. Punyeta! Ano bang ginawa mo sa akin, JD?! 11 PM na ako nakauwi kagabi dahil hirap na hirap kaming ilagan lahat ng mga fan niya. At dahil siya naman ang may kasalanan kung bakit ako na-stuck sa lugar na iyon, pinilit ko siya na ihatid ako sa bahay nila Mommy at Daddy. Wala na akong pakialam pagkatapos niyon. Gusto ko lang kasi talagang makawala mula sa kanya. I scoffed when I recalled the things he said to me. "Ang kapal ng mukha niya na halikan ako kahit na nakapirma rin siya sa contract. Ano bang akala niya sa akin, super rupok na magpapahalik lang sa kanya?" Pinalo-palo ko pa ang sarili ko nang maalala ko iyon. "Ang landi mo rin kasing babae ka, e! Bakit hindi ka kasi umilag kagabi?!" I frustratedly scolded myself. Pinukpok ko pa ang ulo ko sa sobrang inis. ***** Kinabukasan, another set of taping na naman ang gagawin namin. I tried to study the scripts of the movie na kasama ko si JD pero nang makasakay na ako sa kotse na kasama si Tita Jet, she looked at me in a weird way. Nakakunot ang noo niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "What the hell happened to you? Hindi ba uso sa'yo ang mag-make-up? Bakit ganyan hitsura mo?" nagtataka niyang tanong sa akin. I probably look like a corpse. Nakita ko ang sarili ko sa salamin kanina. Sobrang lalim ng eyebags ko. Nangangalumata at tila may sakit na hindi maintindihan ang hitsura ko. 16 hours lang naman akong dilat magmula kahapon at nakatulog lang ako ng isang oras. Wala na rin akong panahon para mag-make-up pa. Sa tuwing makikita ko ang sarili ko sa salamin, parang ayoko na lang tumuloy sa taping. Kung hindi nga lang sa tawag ni Tita Jet ay hindi naman ako mapipilitan na pumunta. Wala na nga akong choice dahil talagang sinundo pa nila ako para pumunta sa taping. Mahina akong napangiti sa kanya at bumalik sa pagbabasa ng script. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Michelle. Napailing pa siya at humarap kay Tita Jet. "Ma'am, 'wag na po kayong magtaka. Stressed po 'yan dahil sa kumakalat na balita na hiwalay na sila ni JD. Hayaan n'yo na. Ako nang bahala sa kagandahan ng alaga mo, ma'am!" masiglang turan niya. Napapailing naman si Tita Jet. "Hay nako! Siguraduhin mo lang na hindi sasakit ang ulo ko sa'yo ngayong araw, Lolita. Kung hindi, malilintikan ka talaga sa akin!" pagbabanta niya. Napaangat na naman ako ng tingin at binigyan siya ng mahinang tawa. Again, I didn't say a word at ibinalik muli sa script ang mga mata ko. Ayoko na munang magsalita. Pakiramdam ko kasi ay mas lalo akong mawawalan ng gana sa trabaho. ***** Natapos na si Michelle sa pagme-make-up sa akin at nagsusukat na lang ako ng outfit na susuotin ko para sa taping ngayon. Maya-maya ay may kumatok sa may pinto at awtomatikong napalingon ako. Nakita ko ang plastic na ngiti ni Gaia sa akin. I heaved a sigh and rolled my eyes. Ano na naman kaya ang problema ng babaeng 'to? Wala akong nagawa kundi ang maglakad patungo sa kanya. Pinamaywangan ko siya. "Anong ginagawa mo rito?" She gave me a smirk and leaned against the doorway. "'Wag kang masyadong maging masaya nang dahil lang sa ipinagtanggol ka ni JD kahapon. I'm sure he just did that to save you from much shame. At pagkatapos niyon, babalik na ang lahat sa normal. Hindi ko nga maintindihan kung ano ang nangyari at bigla ka na niyang pinagtatanggol. Why? Pinagbantaan mo ba si JD? Hawak mo ba siya sa leeg? Ano bang alas mo sa kanya? At ano bang gusto mong ma-achieve mula sa kanya?" sunod-sunod niyang tanong sa akin. "Ah... I completely forgot. Social climber ka nga pala. Isang desperadang social climber na kumakapit sa mga sikat na artista. Leech!" she uttered insults while gritting her teeth at me. I just smiled at her. "And you think you're any different from me?" Nakita ko ang pagkurap ng mga mata niya dahil sa sinabi ko. Napalitan ito ng gulat. "W-what did you say?" "I'm just saying, ano bang problema natin? Ako ba ang unang lumapit sa'yo at nakipag-away? Kung tutuusin, pinag-aaway lang tayo ng mga netizens nang dahil sa mga magulang natin. But is that how we should live? Alam mo, Gaia, pagod akong makipag-argumento. Kailangan ko pa bang patunayan ang sarili ko sa'yo?" I laughed wickedly and arched my brows at her. "You can say all you want to say, Gaia pero hindi kita papatulan kahit na ang dapat na nakakatanggap ng bashes ngayon ay ikaw nang dahil sa pananakit mo sa akin..." ***** "Hi, Lola! How are you?" Jaxx greeted my with his energetic smile. Nakakaway pa ang kamay niya sa akin nang lapitan niya ako. Kami kasi ang may eksena ngayong araw. I haven't seen JD around ever since I arrived in the set. Nasa ibang set sila ngayon kasama ang ibang artista. Si Gaia naman ay nasa ibang parte ng set kung saan may kaeksena rin siya. Napangiti ako kay Jaxx. "I'm fine. Thanks for asking. Are you ready for the taping?" He nodded and grabbed my hand. Nagulat man ay hinayaan ko siya na gagapin ang kamay ko. I saw his calm and angelic smile. I really like his traits. Noong baguhan pa lang ako sa industriya, si Jaxx na ang unang hinangaan kong artista. Hindi man siya kasing sikat ni JD ay isa siya sa pinakamabait na tao na nakilala ko. Kung sa ibang pagkakataon ay hinayaan ko rin ang sarili ko na makipagmabutihan sa kanya. Kung hindi lang dahil sa agreement ko kay JD ay siguradong si Jaxx na ang next target ko. "Pwede ba kitang yayain mamaya?" he suddenly asked. I froze in my position and blinked my eyes twice. "Yayain? Saan?" Nagkibit-balikat siya at ngumiti. "Nothing. Gusto ko lang na masolo ka ng kausap. Hindi na kasi kita nakakausap. Naging busy ka na. At saka... I want to comfort you dahil hindi ko iyon nagawa kahapon..." pag-amin niya. I blushed at his words. Napababa lang ako ng tingin at napangiti. My smile muscles quivered a little. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil tinawag na kami ng assistant director para sa blocking. I just focused myself on the scene. Ang scene na ito ay ang nakatuon sa pakikipagmabutihan ng character ni Jaxx sa character ko na si Jenny. Ang eksena ay sa bridge. Ang bridge na ito ay malapit sa ospital na pinagshu-shooting-an namin. Just like earlier, Jaxx's character held my hand in a loving manner. His dimples become visible. It felt like it's not his character that is smiling at me right now kundi siya mismo. Kahit na bumaba ang pagiging high-spirited person ko ngayong araw, nakatulong naman ang mga ngiti niya na mapawi ang ilang pagod at pangamba na nararamdaman ko. I am dead worried about what would people view me after what happened yesterday. Kahit gaano pa man ako katapang, hindi ko maiaalis sa sarili ko ang panghihina. May panahon din na hindi ko na kayang lumaban. Pero ngayon, kahit nakakatawa mang pakinggan pero dama ko ang emosyon ng character ko ngayon. Tulad ni Jenny, napapawi rin ang pagod niya nang dahil sa ngiti na ito ni Jaxx. "Salamat at pinagbigyan mo ako, Jenny. I waited for this day to happen. Masaya ako na pinaunlakan mo ako. Sobrang saya ko ngayon..." pag-amin ni Peter, ang character ni Jaxx sa movie. Tumugon naman ako ng isang malumanay na ngiti sa kanya. "Ako ang dapat na magpasalamat sa'yo, Peter. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan. Kung hindi dahil sa'yo ay baka hindi ko na maaabutan pang buhay ang mama ko..." Tumulo ang luha ko pagkasabi niyon. Inalala ko lang ang mga bagay na gusto kong iiyak ngayon lalo na ang panghahamak sa akin ng mga tao pagkatapos ng nangyari kahapon. "Hey... don't cry!" Jaxx abruptly moved closer and wiped away the tears that started to stream down my face. "Hindi ko kaya na nakikita kang nasasaktan. Parang nadudurog ang puso ko sa tuwing nakikita kitang umiiyak. Tapos na ang nangyari kung kaya, magpakatatag ka sana. Alam ko na kaya mo 'yan. Let's just hope na magiging maayos ang lagay ng mama mo sa ospital..." Napatango ako. "Talaga bang hindi ka na makakapag-stay? Gusto ko sanang ilibre ka at nang makapagbayad man lang ako sa kabaitan na binibigay mo sa akin." He chuckled and patted my head. "Sapat na itong nakita kita saglit. Gustuhin ko mang i-cancel lahat ng appointment ko, hindi pupwede. I need to be a good businessman nang sa gayon mas marami pa akong magagawa bukod sa pagtulong," imporma pa niya. "By the way, nagkausap na ba kayo ni Tita Genie?" tanong niya. Tinutukoy niya ang mama ng character ni JD. Inaasahan na malulungkot ang mukha ko pagkarinig ng pangalan na iyon. Sa eksenang ito, hindi maganda ang pakikitungo sa akin ng magulang ng character ni JD. Matapobre kasi sila at hindi nila gusto si Jenny para sa kanilang anak. Ang magulang ng character ni JD ang nagre-represent ng mga fans ni JD na lantarang sinasabi na hindi nila ako gusto para sa kanya. I know that I shouldn't be affected by this dahil fake relationship lang naman ang pinapakita namin sa madla. Pero hindi naman ako manhid para hindi masaktan sa mga paratang nila sa akin. Para sa kanila hindi ako kagandahan at hindi ako nababagay kay JD. Bobo, tanga, oportunista, at kung ano-ano pa ang tawag nila sa akin. Napailing ako bilang tugon kay Jaxx. "Hindi pa, Peter. Hindi pa ako handa..." Hindi talaga ako handang ipagtanggol ang sarili ko sa harap ng ibang tao. ***** After the taping, hindi ako nilubayan ni Jaxx. We exchanged mobile number and then he texted me the address where we should meet. Pagkarating ko roon ay nagsuot ako ng black shades at tinago ang mukha ko mula sa mga tao. Natatakot ako na mamukhaan nila ako. Hangga't maaari ay iniiwasan ko ang makipag-eye-to-eye contact sa kanila. "OMG! Is that Jaxx Ramos? Saan siya papunta? May kakatagpuin ba siyang babae?" "Gosh! Nakakakilig! Sino kaya ang maswerteng babae na iyon?" Iyon ang mga naririnig kong bulungan sa paligid. Katulad ng settings namin sa ospital kanina, ang meeting place namin ni Jaxx ay ang sikat na bridge na ito sa Maynila. Laking gulat ko na may pares ng mga sapatos ang nakatigil sa harapan ko. Napanganga ako nang makita ang nakangiting mukha ni Jaxx. "Hi!" he greeted me in his very cute gesture. Hindi ko tuloy maiwasang mag-blush. Gosh! Anong ginagawa niya at nagpapakita siya ng mukha? Nakakaloka! "A-anong ginagawa mo, Jaxx? Bakit ka nagpapakita ng mukha? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao!" nagpa-panic kong sabi sa kanya habang nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa mukha niya at sa paligid. Narinig ko siyang tumawa at walang sinasabi. Napatigil ako at at dinabugan siya. "Bakit ka ba tumatawa? Hindi ka na nababahala?" I frustratedly sighed and had no choice but drag him by his wrist at agad na umalis sa lugar na iyon. Naglakad kami hanggang sa maiwasa na namin ang maraming tao sa paligid. Napunta kami sa isang walang katao-tao na park. Iilan sa mga narito ay matatanda. I felt a sense of relief nang makita ko na hindi nila kami namumukhaan. Agad akong nagtanggal ng shades at hinarap si Jaxx. "Bakit mo ginawa 'yun, Jaxx? Paano kung pagpyestahan tayo ng mga tao? Alam mo namang..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at napapikit na lang ako para magpigil ng inis at pag-aalala. "Sorry. I'm just not afraid to walk around as I am. Normal na tao lang din naman kasi ako. That's why I did that. Sorry kung nagulat kita. Hindi na iyon mauulit. Kapag yayayain kita sa susunod, hindi na ako magpapakita ng mukha sa iba," he said reassuringly. He held my hand and smiled at me. "Alam ko na komplikado pa ang sitwasyon mo ngayon, but I just want you to know that I'm always right here to help you. Hindi ako natatakot sa sasabihin ng iba. When the time is right, I will definitely tell you what I wanted to say. Sa ngayon, I just want to be with you. Can that be possible?" aniya na ikinagulat ko. "H-ha?" Nagsimula nang magrigidon ang puso ko dahil sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD