Chapter 16: Preparations

2096 Words
Lola's POV The next day, the doorbell rang at my unit. And yes, literal na gusto kong magsisi na pinagbuksan ko ang taong iyon. Ang nakakalokong ngiti ni JD kaagad ang nabungaran ko. Nakasuot siya ng cotton black shirt at pants habang nakapamulsa na natingin sa akin. He also wears dark sunglasses and a mask. Sa wakas naman at nag-disguise! "J-JD? Anong ginagawa mo rito?" naalarmang tanong ko. Palinga-linga naman ako sa labas at sinipat kung may mga tao na makakapansin sa kanya. Para sa akin ay obvious pa rin ang disguise ni JD at isang tingin ko pa lang ay halata ko nang siya ang nasa harapan ko. How could he be so dumb? Bumaling ako sa kanya at walang kaabog-abog na hinila siya papasok ng unit ko. I slammed the door behind him and I turned to him afterward. Nakapamaywang pa ako sa kanya. "Bakit ka nagpunta rito nang hindi man lang ako sinasabihan?!" asik ko sa kanya. "Akala ko ba nakasaad 'to sa terms natin sa kontrata? Walang sinuman sa ating dalawa ang gagawa ng hakbang nang hindi kumukunsulta sa isa't isa. Nakalimutan mo na ba 'yun, ha?" naghuhuramentado kong saad sa kanya. Ang aga-aga naman kasi at nangangatok pa. Ni hindi pa nga ako nakakatulog nang maayos dahil sa mga sinabi sa akin ni Jaxx kagabi. Tapos ngayon ay magpapakita naman itong lalaking 'to para bwisitin ako. Ayaw ba talaga niya akong patahimikin?! Imbes na makatikim ako ng pagdadahilan niya ay napatigil ako nang mapansin na umiiwas siya ng tingin at biglang nagpakita ng pagkairita sa kanyang mukha. "Teka, bakit wala kang sinasabi man lang? Hindi ka ba magpapaliwanag kung bakit ka nandito, ha? Ano ba kasing kailangan mo?" pag-uulit ko. "I-I came here shorthanded. We need to practice everything right now..." he revealed, still not looking at me. Halata sa mukha niya na iwas na iwas siya sa akin. Anong problema ng isang 'to? Teka, mabaho ba ako? I tried to smell myself pero hindi naman ako mabaho. Sagana ako sa scented lotions at perfume kaya walang makakapagsabi na mabaho ako! "A-ano?" nasabi ko na lang. "But first... can you please take a look at yourself in the mirror and at least change your clothes?" dagdag niya. Lalong nangunot ang noo ko nang dahil doon. Wala sa loob na napatingin ako sa aking kanan at nakita ang human-size mirror. Doon nanlaki ang mga mata ko at awtomatikong napayakap sa sarili ko. Shuta! Bakat na bakat ang u***g ko! Bwisit! Gusto ko na lang lamunin ako ng lupa. Kung bakit naman kasi bigla-biglang susulpot ang lalaking 'to! Sinipat ko siya at sinamaan ng tingin. Pagkatapos ay napatili sa sobrang inis at awtomatikong nagmartsa patungo sa CR ko. After changing into my comfy shirt and pants, I reluctantly got out of my comfort room and faced the oddly irritated figure of JD Ferrer. Oo na. Kahit na naiirita siya ngayon sa katagalan ko ay ang gwapo pa rin niya. Baliw na lang marahil ang hindi tatablan sa kapogian niya. At kahit na masamang magsinungaling, mananatili pa rin ako sa stand ko na hindi ako maaapektuhan sa presensya niya. Kaya mo 'to, Lola. Pogi lang siya. Maganda ka. Mas mahalaga na maganda ka! salansa ko sa aking sarili. Matapos niyon ay nagpatuloy na ako sa paglalakad at naupo sa sofa. Si JD naman ay nagpalakad-lakad lang sa harapan ng sofa at saka tumigil nang mapansin ako. "Akala ko matutulog ka na sa loob ng CR. Bakit ang tagal mo?" naiiritang tanong niya sa akin sabay umupo sa may kabilang dulo ng sofa na aking inuupuan. Napairap naman ako at naghalukipkip. "Anong paki mo? Mamaya pa ang taping ko at gusto ko pang matulog kaya pwede kong bagalan ang kilos ko," sagot ko naman. "I already postponed the taping. Magkaeksena naman tayo kaya ginawan ko na ng paraan," aniya na ikinalingon ko sa kanya. Pinandilatan ko siya. "Anong sabi mo? Pina-postpone mo ang taping?!" I scoffed. "At sino namang nagsabi sa'yo na i-postpone mo nang hindi ako sinasabihan? Nagba-violate ka na kaagad sa contract. Ang lakas mong gumawa ng kontrata pero hindi mo naman sinusunod!" "According to the rule, kung may emergency acts tayo as a couple, we need to compromise things. That includes work. So kahit na hindi ako magpaalam ay gagawin ko pa rin ang dapat para sa pagpapanggap nating dalawa," pagdadahilan niya. "And what are we supposed to do pala?" "My dad is in the country. Kagabi lang niya ako tinawagan. He's asking me to take you to dinner later. Kaya kailangan nating aralin ang info ng bawat isa!" "T-talagang mamayant gabi na ba talaga 'yan? Wala nang atrasan, ganern?" Mariin akong napailing matapos ko iyong tanungin bilang pagtanggi ko. "Nope. No. Uh-uh. I won't do that. Busy ako. Nakalimutan ko pala na may hiking ako with Tita Jet. You can ask someone to do that. Bye!" Akma akong tatayo at aalis mula sa kanyang tabi nang bigla niya akong hinila at pinaupong muli. "Do you think gusto ko ang arrangement na ito, Lola? Think again. If it wasn't because of your stunt on my birthday, I wouldn't do this right now!" pangongonsensya naman niya na ikinasimangot ko. Kailangan ba talagang i-remind 'yun? pairap na sabi ko sa aking sarili. I cleared my throat afterward. "Sige. Call. Ano bang kailangan kong malaman tungkol sa'yo? Sanggano ka ba? Dating macho dancer sa club? Tindero ng buko juice sa kanto? Ano?" iniisa-isa kong tanong sa kanya. Imbes na sumagot ay may inilapag siyang makapal na papel sa lap ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung gaano iyon kakapal. "Study that. You'll see the info you need to memorize right now. Naka-highlight sila kaya hindi ka mahihirapan," instruksyon nila. Binuklat ko ang nilalaman niyon at doon nawala ang ekspresyon ng mukha ko. Maya-maya ay napataas na ang kilay ko. Lahat halos ng nakasulat doon ay naka-highlight. Kakarampot lang ang sentences at salita na walang nilagyan na yellow highlight marker. Napapikit ako at humingang malalim. Kaya mo 'tong tiisin, Lola. Kayang-kaya mo 'to. Napatawa ako nang sarkastiko at saka siya hinarap. "You think kaya ko 'tong kabisaduhin hanggang gabi? Pinagloloko mo ba ako, James Dean Ferrer?" Nagkibit-balikat siya at walang emosyon na tiningnan ako. "Shall I tell the media that you dragged me into this instead?" He threatened me. "It's your choice. It's either you take this or we tell them the truth." Akma siyang tatayo at ako naman ang nanghila sa kanya pabalik sa kanyang kinauupuan. "T-teka sandali!" pagpigil ko sa kanya. I looked at his cool face, waiting for my answer while looking away. Napayuko ako at nag-isip nang ilang beses hanggang sa umungot ako at nagpasyang tumango. "Sige na! Sige na! Papayag na ako. But I can't promise you to memorize all of these. Hindi ako top ace sa High School at College sa tests na may enumeration at fill in the blanks. Kaya asahan mo na hindi lahat makakabisado ko. Besides... I've made a little research about you kaya I can manage," pinal na pasya ko. Nakita ko ang matagumpay na ngiti na sumilay sa kanyang labi nang lingunin niya ako. Hay nako! Kung hindi ka lang talaga pogi, matagal na kitang pinakulam, hayp ka! "Aasahan ko 'yan. Anyway. I won't make much of your time. Later at 3 PM, may susundo sa'yo rito. No need to put make-ups on or have a hard time looking for the perfect dress. I've prepared everything so ang pagkakabisa na lang ang dapat mong gawin. Understood?" "Oo na! Oo na! Ano, may iba ka pa bang kailangan, ha? Paidlipin mo naman ako kahit mga 30 minutes lang," pantataboy ko sa kanya. "You don't have time to sleep. Marami-rami ang kakabisaduhin mo. Hindi ka pwedeng mag-relax lang!" I rolled my eyes and started to push JD to the door. "Whatever, JD! I can handle myself. Umalis ka na para naman makapag-concentrate ako!" Napatigil ako sa pagtulak sa kanya at wala sa loob na napakagat-labi. Huli na nang ma-realize ko na hindi ko na mababawi ang huling sinabi ko. Tulad ng inaasahan ay ang nakalolokong ngiti ni JD ang nabungaran ko. He then advanced toward me while I slowly flinched. "Ah, so you're saying that I'm distracting you?" he naughtily asked me. "Ah... H-hindi ako makapag-concentrate kasi ang ingay mo kaya! Paano ko naman makakabisa ang mga 'to kung nandito ka?" pagsisinungaling ko. Alangan namang umamin ako na distracted na distracted ako sa pagmumukha niya! Tama nga si Jonaxx sa mga sinusulat niya na nakakatigil ng pag-inog ng mundo ang pag-igting ng panga ng isang tulad niya. Nakita ko ang paglungkot ng mukha niya at saka tumango. "Alright. I'll see you later then..." Iyon lang kaagad na siyang lumabas ng kwarto. Napakunot-noo naman ako. "May nasabi ba akong mali na naman?" Nagkibit-balikat na lang ako pagkakuwan at pinagpatuloy ang pagbabasa ng mga pointers na kailangan kong aralin tungkol kay JD. Halos lahat ng nandito ay na-research ko na right before I met him in person. The height, the weight, vital stats, favorite food, favorite drinks, place, birthdate, family background, and all. Bored ako sa part ng history niya. Masyadong prominente ang pinanggalingan niyang pamilya. It's not too controversial. Hindi rin siya masyadong matunog. But James Dean Ferrer is the only legitimate son and the next heir to JF Group. Mostly, they focus on construction plans. Boring. Totally boring. Ibabalik ko na sana sa sofa ang mga papel nang may mahagip akong salita na nagpakunot ng noo ko. These are the hidden secrets that his dad knows about him: 1. JD hates the loud ticking sound of the clock. 2. The only subject he had lower grades was Biology. 3. He likes to be alone at Sundays 4. He has 5 charity foundations that is never broadcasted to the media. 5. He hates laundry. I rolled my eyes after reading the last entry. "Seriously? Ang dali lang naman pala ng kakabisaduhin ko. Piece if cake!" maarte ko pang turan. Pero napatigil din nang hindi mawala sa isipan ko ang entry #1. Para kasing ang babaw ng sentence. I don't know. Pakiramdam ko ay may kulang. Or baka sa mismong construction ng sentence ako naba-bother. Wala pa naman akong nakilalang tao na ayaw sa tunog ng orasan so far. It's just too childish to have this kind of dislike. But whatever it is, kailangan ko siyang kabisaduhin. I don't care about his preferences. Hindi ko naman goal na maging totoo niyang fiancee or one of his flings. Ang gusto ko lang ay ang kasikatan niya. Ang gusto ko lang ay matapos na itong gustong ipagawa sa akin ni Scarlet. Speaking of the devil... naisipan kong kunin ang cellphone ko at tinawagan siya. "OMG, b***h! Long time no video calls!" maarte niyang bati sa akin habang nakahawak ng isang baso ng martini. "Okay, so kwento-kwento ka naman d'yan, ha!" I sighed frustratingly habang naka-focus ang mukha ko sa front cam. "You wouldn't believe what just happened..." "Ah... Let me guess... Stuck ka na kay JD? Because from what I saw in the news, you are stuck. And people rarely see JD defending a woman. Peksman, b***h! I've never heard of him defend anyone. He is the controversial man na sobrang tahimik regarding issues. You rarely seen him interviews. Kaya it's either of the two: he likes you or he wants something from you. Get it?" she said in a long statement. "Yeah, tama ka sa pangalawang choice..." She gasped and shrieked. "OMG, seryoso, b***h?" I was about to tell him about the contract but I bit my tongue and cleared my throat. No. Hindi ko pwedeng sabihin kay Scarlet ang tungkol sa contract. I would be dead before I even try to expose it. Hindi ko kaya. "Well... what I mean is... nalilito ako sa purpose niya. Bigla na lang kasi siyang bumait..." pagsisinungaling ko. I even hid my fingers crossed behind my back. "Duh! So, meaning to say, he took the bait, b***h?" She gasped once more at nagtatalon sa tuwa. Ang gulo na ng video cam. Ang gulo talaga ng babaeng 'to! Mabuti na lang at kinagat niya ang dahilan ko. After that conversation, I decided to get ready. Nagbasa-basa na rin muna ako ng script hanggang sa hindi ko namalayan na malapit na pala ang naitakdang oras. Napatalon ako sa kinauupuan ko at saka nagmadaling pumasok sa CR at naligo. After preparing, I heard the doorbell and expected the deadline's promise. As soon as I opened the door, isang hindi inaasahang bisita ang nabungaran ko. "Can we talk?" Gaia asked. Teka, anong ginagawa niya rito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD