Chapter 17: His Dad

2302 Words
Lola's POV Nakahalukipkip ako at nakaiwas ng tingin kay Gaia. We are inside a restaurant. Niyaya niya kasi ako na makipag-usap. Kahit na hanggang ngayon ay nakakainis pa rin siya sa buhay ko, pinagbigyan ko siya. Nakaismid ako. I heard her sigh before she looked at me with her serious face. "I'll just cut to the chase..." pag-uumpisa niya. "Iwasan mo na si JD. You're staining his reputation already. 'Di mo ba alam na ilang taon niyang iningatan ang career niya kahit na maraming issues ang lumalabas? You even had the nerve na ipahiya siya. Wala ka ba talagang ibang makapitan na sikat? Masyado kang social climber!" I rolled my eyes. "Ano bang pinag-ugatan nito? Kung hindi ka gumawa-gawa ng eksena sa pool, hindi naman magkakaganito, 'di ba? So, basically, ikaw ang may kasalanan niyan!" sagot ko naman. "Ako? Social climber? Paano kung gano'n nga ako? Ano namang pruweba mo? Alam mo ba magkano ang networth ko? Sure ka na gano'n talaga akong tao?" Napatawa ako. "Check your facts, Gaia. Hindi 'yung basta ka na lang susugod dito para i-educate ako. For your information, hindi ako ang lumapit kay JD pagkatapos ng lahat ng pamamahiya na ginawa ninyo sa akin," pag-amin ko. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata. "Ano? Siya ang lumapit sa'yo?" She mockingly laughed at me. "Nagpapatawa ka ba? Bakit ka naman niya lalapitan pagkatapos niyon?" Nagkibit-balikat ako kasabay ng aking dalawang kamay. "Malay ko. Kailangan ko bang malaman ang lahat? All that mattered to me is that he initiated the reconciliation. Sapat na sa akin iyon. Ikaw? Kailan ka magmu-move on na hindi na ikaw ang gusto niya? Don't you think masyado ka nang feelingera para ako pa ang sabihan mo?" taas-noong tanong ko sa kanya. Nakita ko ang namumuong galit sa mga mata niya. Doon na lang ako nagulat nang kunin niya ang milktea niya na nakalagay sa baso at isinaboy sa mukha ko. Dinig na dinig ko ang malakas na pagsinghap sa paligid namin. Dama ko ang mga mata na nakatingin sa aming direksyon. Hindi ako nakagalaw at nanatili lang na nakayuko. I laughed wryly. Nagawa ko pang mahawi ang buhok ko at saka tiningala si Gaia na ngayon ay nakatayo na. Halata sa kanyang mukha ang pagkagulat sa kanyang nagawa. Kung wala lang kami sa public place, baka naubos ko na ang buhok niya ngayon. Tiisin mo 'tong lahat, Lola. Kailangang ma-maintain mo ang mabait mong image kahit na anong mangyari. Makakalbo mo rin si Gaia in the near future! salansa ko sa aking sarili. Maya-maya ay tumulo na ang luha ni Gaia. Nagsimula ang panginginig ng kanyang kalamnan. Matalim niya akong tinitigan. "JD is only mine. Kaya lumayo ka na sa kanya. And I came here to tell you that..." Iyon lang at agad na niyang kinuha ang kanyang bag at umalis. ***** Pagkatapos kong maligo ulit at mag-ayos ay saktong dumating na ang sundo ko. Dumaan muna kami sa salon at binigyan nila ako ng bagong make-over at get-up. They made my hair into a loose curl. I also wore a simple pastel dress with a coat on top of my shoulders. I looked in front of the mirror and frowned. I sighed. "Masyado naman akong mabait sa hitsura na 'to. Kailangan ba talagang ganito ako sa harap ng mga magulang niya?" Nag-pose pa ako ulit sa harap ng salamin. Hindi naman masyadong halata na gandang-ganda ako sa sarili ko, 'no! Matapos ang mahabang pag-aayos, may sumundo ulit sa akin around 6:57 PM papunta sa venue na sinabi ni JD na pupuntahan namin. Dumadagundong na ang puso ko sa sobrang kaba. Ano kayang magiging reaksyon ng papa ni JD? Hindi kaya paghiwalayin niya kami? Baka bigla niya akong abutan ng sobre at sasabihan na: "Layuan mo ang anak ko!" Napailing ako. "Hindi. Sa teleserye ko lang 'yun nangyayari. Hindi 'yun nangyayari sa totoong buhay. Hindi naman siguro ganoon ang mangyayari sa akin. At isa pa, may pera naman ako!" salansa ko sa aking sarili. Patuloy pa rin ako sa pag-iling at inayos na lang ang pagkakaupo ko sa backseat ng sasakyan. Pagkatapos ng mahabang biyahe, sa wakas ay nakarating na rin kami sa isang mamahaling restaurant. Isa ito sa mga napuntahan ko na para sa shoot ng pelikula ko noon. The dishes are really expensive. Kahit na lumaki ako sa mayaman na pamilya, hindi ko naisip na kumain sa sobrang expensive at hindi na makatarungan na presyo. Sa pagpasok ko pa lang sa loob ay wala akong ibang nakikita kundi mga waitress and waiter lang. Walang tao na kumakain. Napataas ang kilay ko. They rented the whole place just for this day? Muntik ko nang magamit ang kamay ko pantakip sa bibig ko. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko. I just cleared my throat and walked further inside hanggang sa may isang waiter na lumapit sa akin. "Excuse me, Ma'am. Are you with Mr. Ferrer who rented the restaurant for this night?" he asked. I smiled and nodded. "Yes." "You're early to come, Ma'am. Mr. Ferrer said he'll be 10 minutes late." "Ahh... It's okay. I'll just wait until they get here..." sabi ko naman. "Saan ba ang table?" "Oh, this way, ma'am. By the way, I was referring to Mr. Ronald Ferrer. Mr. James is already here," pag-amin naman ng lalaki. "Oh..." "I'm right here!" Isang boses ang naulinigan ko mula sa aking likuran. Awtomatikong napalingon ako sa direksyon na pinanggalingan ng boses na iyon. Then, slowly, my jaw dropped. I saw James Dean walking toward me looking so dashing. His hair is well-groomed and brushed up. He wore a grayish tuxedo. A napkin on its coat pocket. He wore it confidently walking his way to my direction. Pakiramdam ko ay nahulog ko ang puso ko. Pati na rin yata ang panty ko ay nahulog na rin. Gosh! Nang-aasar ka ba talaga, JD? Bakit kailangan mong ipagyabang kagwapuhan mo rito? Bwisit ka! Ikaw na yata ang tatapos sa hininga ko. Naririnig ko ang iilang ungot sa paligid ko. Lalong lalo na ang mga waitress na hindi mapigilan ang kilig nila. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakanganga sa harapan ni JD. He's already in front of me, still smiling like the sunshine. He offered to me his folded arm. "Let's go?" I blinked twice. Doon lang ako natauhan at tinanggap ang kanyang braso at doon kumapit saka kami naglakad papunta sa table namin. "Are you nervous?" he suddenly asked. And gosh! Sobrang lambing at cool ng boses niya. Nang-aakit ba siya? Hayp talaga! Baka ma-fall na ako nito nang wala sa oras! I just scoffed and rolled my eyes trying to hide away my nervousness. "Piece of cake lang 'to sa akin!" pagsisinungaling ko kahit na sa loob-loob ay halos maihi na ako sa sobrang kaba. "'Wag kang mag-alala. I'll be natural." Napatawa naman ang katabi ko pero hindi man lang nabawasan ang kagwapuhan niya. He gave me that sexy smirk at me. Ayoko na! Pwede bang totohanin na lang 'to? "You're so confident, huh? What if my Dad is a complicated man? Will you still not be nervous?" "Alam ko nang complicated siya. Ikaw na nga lang complicated na, e. Hindi na ako magtataka sa kanya," maarteng sagot ko. Nang makarating sa table ay pinaghila pa ako ni JD ng upuan. "So, anong endearment natin sa isa't isa?" I changed the subject. I put my hand under my chin and tried to be o so cute in front of him. Pero wrong move. Sa kanya ako mas na-distract. He was also looking at me with his sexy stare while leaning a little bit. He smiled at me. "Akala ko ba may endearment na tayo?" he asked. Napakunot naman ang noo ko at inisip kung may endearment na ba ako sa kanya pero wala talaga akong matandaan. "I don't think we had." "Hindi mo ba talaga natatandaan? You always call me babe when we're in front the folks. Ako nga natatandaan pero ikaw hindi. Hmm... I'm quite disappointed..." napalabi niyang tugon. Nahihimigan ko sa tono niya ang pagkadismaya. Natawa naman ako sa kanya at tinapik siya sa balikat. "Arte mo! Hindi naman kasi ako matandain sa lahat ng mga bagay. Nakakalimutan ko nga minsan ang lines ko, e. I'm sure you're more capable of forgetting. Hindi mo nga ako kilala noong una, e..." "I never forget important things, Lola. Never have I forgotten anything that's important in my life..." sagot naman niya na ikinatigil ko. His face is still serious as hell. At heto na naman ang pasaway kong puso at dumadagundong nang sobrang lakas. Bakit parang kinikilig ako sa sinabi niya? Nyeta! Tumikhim akong muli at nag-iwas ng tingin. "G-galit ka na ba agad na nakalimutan ko kung ano 'yun?" Napatawa ako. "Ang petty mo naman do'n!" "Anyway, kinabisado mo na ba ang binigay ko sa'yo?" pag-iiba niya. Hindi pa rin ngumingiti. Shuta! Galit ba siya? Seryoso? "Yeah. Kinabisado ko naman." "So, you already know how this goes, right? Hindi ko na ipapaalala pa, hindi ba?" I nodded. "Good. Dad's here..." aniya. Ako naman ay awtomatikong napatingin sa direksyon kung saan siya nakatanaw. That was when my jaw dropped again. Ang tao na papunta sa aming direksyon ay nakasuot ng boots, long tight pants, at isang orange top na may malalaking ruffles sa may dibdib. Nakasuot siya ng isang malaking sunglasses na may frame na kulay orange. Nakasuot pa siya ng malaking beach hat. Ang kanyang paglalakad ay pakendeng-kendeng hanggang sa makarating sa aming harapan. Nagbaba siya ng salamin at tinaasan ako ng kilay. "Is this her?" he asked. "Yes, Dad. She's the one..." JD abruptly answered him. This is JD's father? I asked myself, still in deep shock. Ayokong mang-judge. The truth is, I was expecting to see an old man in the same suit as JD's. I was really expecting something so stern and equally stiff just like JD. But instead, a man dressed in neon orange came in. His voice is deep but a bit soft. Looking at him, I can see a resemblance of him and JD. Pogi talaga sila! Pero shuta! Buti na lang talaga naipamana pa niya ang genes niya kay JD. I immediately smiled and erased the awkwardness inside of me. Tumayo ako. "Oh my gosh! You are so gorgeous, tito!" I exclaimed and then kissed him on his cheeks. Mabuti na lang talaga at naalala ko ang note sa papel na binigay sa akin ni JD na gusto nito ng kiss sa cheeks as a greeting. Akala ko talaga bastusin ang papa niya sa ganoong gesture. But now, I get it. Mataray pa rin ang ekspresyon ni Tito Ronald nang maupo siya. Saka lang siya ngumiti nang malumanay nang mapagawi ang tingin niya sa kanyang anak. "Oh, are you not going to greet me, son?" he asked. JD stood up and gave his dad a peck on his cheek and returned to his seat. "How's your travel? Na-enjoy mo ba ang gala?" he asked. "Oh, yes! Hindi pa talaga sana ako uuwi but suddenly I saw the news." He rolled his eyes and eyed me sharply. Bigla naman akong napatalon sa gulat. Nanlaki ang mga mata ko pero ginawa ko ang lahat para matanggal sa sistema ko ang takot. I just laughed nervously. "Oh, my gosh! Tito, I also attended last year's Gala. I had the best experience there. Super love it! I'm glad that you had fun. JD told me a lot about you, Tito. And I'm glad I finally met you!" I tried to be as cheerful as possible para mawala ang kaba ko. But I made sure that I didn't overdo it. "Ano namang ikinuwento niya? Na bakla ang kanyang daddy at maarte? Is that what he said to you?" deretsahan niyang tanong sa akin nang walang kangiti-ngiti. "P-po?" Gosh! Ang bilis ng tanungan niya. Nakakatuliro! "Of course not!" I refused. "Ang totoo niyan..." I looked at JD and saw his disappointed face looking away from his father. "Ang totoo po niyan, Tito, he always praises you in front of me. He told me how much you love him and put up with everything for his sake. He told me how you're the best dad in this world a son could ever have. "Pero magiging honest po ako sa inyo ngayon. Nagulat po ako nang makita ko kayo. Hindi dahil sa disappointed ako o naiinis. Nagulat po ako kasi kanina pa po ako natatakot. Natatakot po ako na baka may dumating na isang matandang lalaki rito at sabihan ako na layuan ang anak niya. But it turns out that you're someone I can be comfortable with. And JD's right." I heaved a sigh of relief and smiled. "I'm glad that you appear to be an amazing person. Salamat din po sa oras na binigay n'yo sa amin ni JD..." I said in a long statement. Lahat ng sinabi ko ay pawang gawa-gawa ko lang. Wala namang ikinukwento si JD sa akin tungkol sa dad niya. Hindi man lang niya ako na-inform na gulatan pala ang gusto niyang mangyari! I hope I did not say anything that might offend him. But what I said about him wad true. I really like his dad. So much! Matagal akong tinitigan ni Tito Ronald bago siya muling nagsalita. "Tell me... how much do you love my son?" he asked. Napalunok ako nang dahil sa tanong na iyon. Maya-maya ay naramdaman ko na ang kamay ni JD sa kamay ko. Doon ay napalingon ako sa kanya and saw his encouraging smile at me. I returned a smile at him. A genuine warm smile. "I love him like I never wanted to wake up without him by my side..." I finally answered, not looking away from JD. Somehow, my answer felt so real. Gosh! Ano ba 'tong nangyayari sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD