Chapter 18: Drowned in His Words

2237 Words
Lola's POV "Hindi ka ba natu-turn off sa anak ko, Lola?" Tito Ronald suddenly asked. Narito pa rin kami sa restaurant kung saan kami nag-dinner ni JD kasama ang papa niya. Hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako. Kahit na ang kanyang ama ay isang l***q+ member, hindi ko magawang mag-relax. Nakakakaba ang bawat sandali. Gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa para matapos na ang kahibangan na ito pero tila nananadya ang oras at mas lalong binabagalan ang pag-andar nito. Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang harapan. "P-po?" "He dated a lot of women. May isa pa ngang nadala sa ospital dahil sa vhajayna lock! This man is fooling around 24/7. Halos mabingi na ako sa kaliwa't kanan na sumbong sa akin ng assistant ko—" "Dad!" JD butted in. He seemed too embarrassed in front of his dad. This is the first time I saw a James Dean Ferrer too embarrassed in flesh. Lagi niyang ipinapakita sa akin ang masungit at confident niyang mukha kapag kaming dalawa na lang. O 'di naman kaya ay ngingitian niya ako nang nakakaloko at paglalawayin sa abs at kagwapuhan niya! But today, he seemed like a normal person in front of his father when the one he's dating found out about his weakness. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o matatawa sa hitsura niya. Priceless. It seemed like I'm beginning to appreciate him more and more. Ang isang James Dean Ferrer pala ay isa ring anak na nahihiya. "Oh, sorry, son! Isn't that too embarrassing to tell her? Hindi mo pa ba ito sinasabi sa kanya?" his dad sarcastically asked him. "Hindi mo pa ba alam, dear?" tanong niya naman sa akin. Ayaw ko mang tumawa pero napabulanghit talaga ako ng tawa sa harap niya. "Oh, my gosh, Tito! I love you na talaga!" I complimented him again with matching palo sa hangin pa. "Well... Everyone makes mistakes. That's given. Hindi pwede na gwapo na nga, santo pa! Besides, I already forgave him naman dahil doon. Good thing buhay pa 'yung girl after that unfortunate incident. And I believe, he's trying to be good and perfect in front of me. That's why he proposed to me..." paliwanag ko naman. Ang huling sinabi ko ay ang original na lines na nakalagay sa kodigo na binigay sa akin ni JD kanina. Buti na lang at marunong akong sumegwey! Napaismid naman si Tito Ronald at tinapos na ang kanyang pagkain. "Kung gano'n, he's really ready to marry you?" I nodded and hummed my yes at him. "We weren't doing anything yet after that shocking proposal, Tito. Gusto po kasi niya na pormal niya akong maipakilala sa inyo before we start the planning..." pagsisinungaling ko ulit. Nakailang minus na kaya ako sa langit? "Talaga? Oh, well, noe that you've met me, I guess it's okay to start it, right? Kahit na next month na ang kasal, he's really willing to do it, right?" Nanlaki ang mga mata ko. ""Next month?"" Sabay pa kaming napasigaw ni JD. Kahit siya ay gulat na gulat din sa sinabi ng papa niya. Shuta! Seryoso siya? Next month ang kasal? Wait. Wait. Hindi ito ang usapan namin ni JD! Ang unang paliwanag niya sa akin ay malayo pa ang kasal and by the time of the engagement, maghihiwalay kami para may alibi siya na ayaw nang magpakasal dahil sa pagiging brokenhearted. Tito Ronald nodded with his unfazed expression. "Uhuh. Nai-prepare ko naman na ang ibang details. Ang design na lang ng gown na pwede kong ipamadali ang gagawin since I can already picture out the design I want you to wear," he said while pointing at me. His eyes started to become dreamy. He must be imagining his son waiting for me to come to the aisle and exchange our vows. Gosh! Ano ba itong pinasok ko? "But, Dad... Don't you think it's too early for that? Hectic pa ang schedule naming dalawa ni Lola. May taping kaming pareho. We can't rush our wedding yet. It would be burdensome to all of us," singit na naman ni JD. Halata na sa hilatsa ng mukha niya ang isang pusa na na-corner at walang kawala sa hawla. Hindi rin niya inaasahan ang sinabi ng papa niya. Nakakaloka! Next month na kaagad ang kasal? Kailangan lang naman namin paniwalain ang papa niya na may seryosong karelasyon siya with a marriage in mind. Pero wala naman sa usapan na talagang magpapakasal kami! "Why not? I've waited for 8 years already. Okay na ako doon sa paghihintay na iyon. 'Wag mong paabutin ng isang dekada at baka wala na namang mangyari," mariing tanggi ni Tito sa kanya. "Don't make me wait any longer, James Dean. I'm too old to wait for 2 years more. Kaya hindi na kita hihintayin na mag-decide ng date. Ako na ang bahala sa lahat. You just have to meet the wedding gown and suit designer. Ako ang mag-aasikaso ng lahat para masiguro na hindi mo ako maloloko..." Matalas ang tingin na ipinukol ni Tito kay JD. Tila may kahulugan iyon na hindi ko mawari. Nangyari na ba itong eksena na ito kay JD? Does that mean na may dati siyang bride pero hindi natuloy ang kasal? Napasinghap na lang ako habang nagtatalo ang mag-ama. Information overload! ***** After that dinner, I excused myself at kaagad na pumunta ng comfort room. Doon na ako naghimutok sa loob at tinitingnan ang maganda kong mukha sa harap ng mahabang salamin. Mabuti naman at wala pang tao kaya nakakapag-emote pa ako. I grunted like a kid habang nagpapadyak pa ako ng heels ko sa tiled floor. "Anong gagawin ko? Hindi pwede na maikasal ako sa kanya. Hello! Wala sa usapan ang ikakasal ako. Social climber lang ako pero hindi ko pinangarap na maikasal. Ayoko no'n! Lalong lalo na kung sa isang tulad niya ako maikakasal." Napailing ako. "Hindi. Hindi ako papayag na matuloy siya. Kahit na anong mangyari, gagawa ako ng paraan para hindi iyon matuloy. "Kaya mo 'to, Lola. Papa niya lang 'yun. Maganda ka! Paniwalaan mo ang kagandahan mo. Hindi kayo maikakasal!" pilit kong itinatatak sa sarili ko. I just heaved a sigh and and closed my eyes momentarily. Nang bahagyang nawala ang kaba ko ay saka ako nagmulat ng mata at nag-retouch ng make-up. Bahala na bukas. I'll just have to go with the flow. At kapag nakakita na ako ng opportunity, saka na ako aatras sa kasal. Matapos kong mag-CR ay bumalik na ako sa table. After some little chitchat, nagyaya na si Tito Ronald na umuwi. Kanina ko pa sinisenyasan si JD na sumama sa papa niya para mapayapa ako sa pag-uwi ko. Ayaw ko muna siyang makausap pero ilang beses namang nagsabi ang papa niya na ako dapat ang ihatid niya at hindi ang papa niya. Palihim na lang akong napakagat-labi. Kumaway na lang ako sa papaalis na sasakyan ni Tito hanggang sa kaming dalawa na lang ni JD ang naroon. Napabuntong-hininga pa ako bago ko naramdaman na may humila sa aking braso. Pagkamulat ko ay si JD lang pala at nagsisimula nang maglakad patungo sa kanyang sasakyan. He opened the passenger's seat at iginiya ako na pumasok. I obliged and silently waited for him to get in on the other side. Matapos niyang lumipot ay binuhay na niya ang makina. "Wala ka bang tatanungin man lang?" he demanded, a bit disappointed that I was silent the whole time. Napairap na lang ako at napabuga ng hangin. "Ano bang gusto mong sabihin ko? Naghihintay lang naman ako ng explanation na manggagaling sa'yo, e," katwiran ko naman. "Just ask away, at least. I can't explain everything to you kung ako lang din ang makakaintindi..." Katahimikan. I sighed frustratingly. "Fine!" I resigned. "Bakit hindi mo sinabi sa akin that your dad is an l***q+ member? I would've acted normally kung sinabi mo noong una pa lang, 'di ba? Hindi mo alam kung gaano ako nagulat kanina," seryosong tanong ko sa kanya. Pinaandar na niya ang sasakyan at nasa highway na kami nang sagutin niya ang tanong ko. "I was just scared..." pag-amin niya na ikinalingon ko sa kanyang direksyon. I never dared to say a word. I was so caught off-guard by his reply. At kita ko nga sa mga mata niya ang kislap ng takot na sinasabi niya. May kung anong sumikdo sa dibdib ko na hindi ko mawari. "You may judge me. Nahihiya ako na ipakilala sa marami na siya ang dad ko. I'm not perfect after all..." He smiled wryly. "Natakot lang ako na baka makarinig ako ng hindi magandang salita galing sa'yo. I don't mind if you judge me by how I act. I've heard tons of negative stuff about me. But not about my dad. Kung para sa iba ay hindi ako mabuting anak para ikahiya ko siya, for me, I was just protecting him from all the bashes. He doesn't deserve to be treated that way," mahaba niyang paliwanag sa akin. Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin at magpatuloy lang sa pagmamaneho. Right at that moment, I just feel like I wanted to hug him right now. Gusto kong iparamdam sa kanya na I feel him and I won't judge him but I was taken aback. Hindi ko pala siya dapat bigyan ng affection because it was stated in our contract. Off-cam, we're just nothing but a weird venture. "Next question..." pag-iiba naman niya. Nakahinga naman ako nang maluwag at iniwaksi ang isipan ko. "Ano nang plano mo ngayon? I don't think you already know that this was going to happen. Tell me, paano natin 'to malulusutan?" I was referring to what his dad told us earlier. Next month na ang planong wedding which makes us in a hurry with all the preparations in a span of 4 weeks! Anong klaseng magic naman kaya ang gagawin ng papa ni JD para makumpleto ang lahat? JD sighed. "Nagulat din ako kanina. Pero wala na tayong magagawa. I've known how my dad works. Kapag may gusto siyang kunin, nakukuha niya iyon kaagad kahit gaano man kahirap. He never fails. It's just me who was stubborn..." He trailed off his sentence at may nahihimigan akong bitterness na nakapalaman sa mga salita niya. "May isa pa akong tanong..." "What is it?" "Hindi lang ito ang unang beses na pinilit ka sa kasal, ano?" panghuhuli ko sa kanya. Narinig ko ang mahinang halakhak niya. I saw his entertained laughter traced on his lips. "Let me rephrase that for you. Pangalawang beses mo na ba itong ikakasal ka? That's the right question..." Napasinghap ako sa sinabi niya. Literal na napaharap ako sa kanya habang nakanganga ang bibig ko sa sobrang gulat. "Y-you mean, kasal ka na dati pa? P-pero paano nangyari 'yun? Wala namang divorce sa Pilipinas!" Oh, gosh! Am I dealing with a married man already? Lalo siyang napatawa nang dahil sa sinabi ko. Gosh! Bakit ang pogi niyang tingnan kahit saang anggulo? Kahit iyong mabilis na shadows sanhi ng mga sasakyan sa labas na dumaraan sa gwapo niyang mukha ay naa-appreciate ko nang husto. Ngayon ko lang din napansin na may kaunting biloy na nabubuo kapag malawak na ngiti ang ginagawad niya. He seemed too happy that I couldn't even know if he's trying to tease me or just plain happy about his own history. Parang gusto kong mainggit sa unang babae na pinakasalan niya. Ang masasabi ko lang sa naging ex niya: SANA ALL! "No personal questions, please..." bigla ay banat niya sa akin na ikinalaglag ng panga ko. "T-talagang seryoso ka at ginagamit mo pa ang kontrata ngayon, ha?" Bwisit naman, e! Kung kailan gusto ko nang malaman ang totoo saka pa ginamit ang contract terms! He shrugged and slowly put the car to a full stop. Ngayon ko lang napansin na nasa harap na pala kami ng condominium kung saan ako nagi-stay. Napalabi na lang ako at padabog na kinuha ang bag ko at isinukbit sa kanan na balikat ko. Akmang iibis na ako ng kotse nang bigla siyang magsalita. "Thank you for saving me back there, Lola..." he suddenly said. Gulat man ay napalingon ako sa kanya. Nakita ko ang malumanay niyang ngiti na nagdulot ng mainit na haplos sa puso ko. "And thank you for not judging my dad..." dagdag pa niya. Napangiti ako sa kanya. "What I said back there was true. I found him amazing and he can never be judged by that fact. So, don't make him feel that you are ashamed of having him, okay? He's a nice person, JD." "I know..." he replied. "Bueno, hindi na kita maihahatid sa loob. Ever since that night, feeling ko laging may nakasunod sa atin na mga fans. It's best to keep it low for now..." he reasoned out na ikinahinga ko naman nang maluwag. After I bid goodbye to him, I just watched him drove away. Nang mawala na sa paningin ko ang sasakyan niya, saka pa ako napabuntong-hininga. "Hay... Ano bang gagawin ko sa'yo, JD? Paano ba ako makakaalis sa sitwasyon na 'to?" tanong ko sa aking sarili. Nagpasya na akong pumasok sa loob at naghanda na para sa pagtulog. Maya-maya ay narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Doon ko nakita ang isang message na hindi ko inaasahan. By the way, I didn't get to say this earlier but you look so beautiful tonight. :) - James Dean Hay nako, JD. Dahan-dahan, baka madulas na talaga ako at mahulog sa'yo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD