Chapter 19: Who's that Girl?

2413 Words
Lola's POV Isa na namang madugong araw dahil araw na ng taping. I really wanted to go to work. Sa totoo lang, mas gusto ko pang maging abala sa pagtatrabaho kaysa ang atupagin ang pinagagawa sa akin ni JD. Chariz! Nagpapakipot lang ako pero ang totoo, grabe ang kilig ko. Para akong sinilihan sa pwet no'ng makita ko ang text message niya sa akin kagabi. Literal na pagulong-gulong ako sa kama no'n. Kahit sobrang sakit na ng panga ko sa kangingiti sa harap ng papa niya sa restaurant ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Sino ba naman ang hindi kikiligin? By the way, I didn't get to say this earlier but you look so beautiful tonight. Shuta! Kahit sinong babae, masisilihan ang pwet sa sobrang saya kapag may nabasang ganyan. Hay nako! Alam na alam talaga ni JD ang kahinaan ko. Nyeta! Bakit ba ang rupok ko lately? I just shook my head. Pilit kong tinatanggal sa isipan ko ang naturang bagay. Stop it, Lola. Hindi ka pwedeng masanay na kiligin dahil lang sa simpleng text message. Kahit ano pa ang gawin niya, hindi ka dapat ma-fall! Mahirap na at baka maparusahan ka pa, paalala ko naman sa aking sarili. Nagsimula na kami sa shoot. Sa bungad pa lang ng taping spot ay may tumabi na kaagad sa akin. Naramdaman ko na lang na may isang kamay ang pinagsalikop ito sa akin. Pagkaangat ko ng tingin ay si JD lang pala. He smiled at me warmly. At syempre, ang Lola n'yo, tulala! Hindi ako makahuma. Kanina ko lang kasi siya pilit na tinatanggal sa isipan ko. Nang magtagumpay naman ako ay siya namang paglitaw niya sa tabi ko. Idagdag pa ang panginginit ng dalawang pisngi ko. Pero mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa. He gave me a peck on my lips. On my freaking lips! It was a quick peck that was surely caught by the fans and other staff members. Sa dami ng tao na nakatutok sa amin, imposible na hindi nila iyon nakita. Tila may sampung bansa na nagdigmaan sa loob ng dibdib ko. Sobra ang kaba ko. Mas lalo tuloy akong pinamulahan ng pisngi. Pustahan talaga! Muntanga na ako nitong tingnan sa harapan niya. Pero heto siya at hindi tinatanggal ang ngiti sa labi niya. Parang nanunukso lalo sa akin. Kinginuh! "Hi, babe! Did you sleep well last night?" tanong niya. Sa wakas ay siya na ang unang nag-iwas ng tingin pero ang boses niya ay medyo may kalakasan. Halata namang ginagawa niya ito dahil maraming nakatingin. He's taking advantage of this moment dahil alam niyang bantay-sarado na kami ng papa niya. Napakurap ako at ipinilig ang aking ulo. Focus, Lola! Smack lang 'yun. 'Wag pabebe! "Umm... y-yeah?" It was a question rather than a statement. Hindi naman kasi ako sigurado sa isasagot ko. 'Di ko alam kung aamin ba ako na alas tres na ng madaling araw ako nakatulog sa sobrang kilig ko sa text message niya o magsisinungaling na lang para hindi humaba ang diskusyon. "You're not so sure, are you? Bakit? Napuyat ka kakaisip sa akin?" panunudyo niya sa akin. I scoffed. "Ay wow naman! Confident?" Natutop ko ang aking bibig nang mapagtanto ko kung ano ang nasabi ko. I saw JD's alarmed face na tanging ako lang ang nakakaintindi. After realizing my mistake, I laughed to hide away my shamefulness. "I-I mean... c-confident ka talaga, ha?" Napahampas ako sa balikat niya at umaktong kinikilig. "Alam na alam mo talaga kung anong iniisip ko. Syempre, ikaw lang naman ang hindi nagpapatulog sa akin. That's so sweet of you to give me a gift! Thanks, babe!" I also leaned forward and gave him a quick peck on his lips. Doon ay may narinig na kaming ungot at sipol sa paligid. Saka sila ng palakpakan. Kinikilig ang mga fans namin nang dahil sa sweet moments namin ni JD. At syempre, hindi rin nakaligtas sa aking mga mata ang tingin ni Gaia sa aming direksyon. I saw her frowning while her eyebrow formed an arch. Nakahalukipkip pa siya at minsan pang mag-iiwas ng tingin kapag magagawi ang tingin ko sa kanya. A smirk came forming on my lips as an idea suddenly popped up into my mind. Mas lalo kong dinikitan si JD at nagkunyapit sa kanyang braso. Habang naka-role ang camera ay siniguro ko na makikita ng lahat ang sweetness namin ni JD sa isa't isa. Nakita ko ang tila pag-usok ng kanyang ilong at tenga sa galit. Bleh! Mamatay ka sa inggit, please! palihim kong turan sa aking isipan. Nagsimula na ang taping. Lahat ay nakaantabay sa gilid. Ako naman at si JD ay nakatayo sa magkabilang dulo ng kalsada. May fake rain naman na nasa gilid ko na magbubukas oras na isigaw na ni Direk Bim ang salitang, "Action!" The camera already rolled at nagsimula na ang eksena. Ang eksena ay isang madramang tagpo. And since drama scene ang kinukuhan, kailangang mugto na kaagad ang mga mata ko sa kaiiyak. Kailangan kasi sa eksena ang natural kong pag-iyak. Ayaw kasi ni Direk Bim na gumamit ang mga artista niya ng camera effects sa pagluha. Ang eksenang ito ay tungkol sa pakikipaghiwalay ni Jenny, ang character ko, kay Franz, ang character naman ni JD. Tumakbo ako at napatigil sa may gilid ng rain machine. I was already soaked wet under the fake rain. Doon ako humagulgol ng iyak habang si JD naman ay nakasunod sa aking likuran. "I don't understand..." pagsisimula ni JD. "Bakit tayo nagkakaganito? Bakit mo sinasabi sa akin lahat ng ito, Jenny? Ano bang nagawa kong kasalanan sa'yo?" umiiyak na tanong niya sa akin. Napahawak siya sa kanyang dibdib at sinuntok iyon. "Sobrang sakit, Jenny. Sobrang sakit! Bakit kailangan nating magkaganito? Ano bang kasalanan ko sa'yo!" Napaharap ako sa kanya at binigyan siya ng isang galit na tingin. "Alin ba sa sinabi ko ang hindi mo naintindihan, Franz? Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin? Pagod na ako, Franz! Pagod na pagod na akong intindihin ang sitwasyon mo. Pagod na pagod na akong sumunod sa tira-tirang atensyon mo. Pagod na pagod na akong manlimos!" sigaw ko sa kanya na may kasamang pagluha. "Nawawalan na ng saysay ang sarili ko, alam mo ba 'yun? Nang dahil sa'yo, nawawalan na ako ng bilib sa sarili ko. Araw-araw akong kinakain ng pag-aalala at pagdurusa. Na-realize ko, bakit kailangan kong ipilit ang sarili ko sa tulad mo? Marami naman akong pangarap sa buhay. Mahal ko ang trabaho ko. Mahal ko ang buhay ko. Pero sinayang ko lang lahat ng oras at pag-ibig ko sa isang tulad mo. Pagod na ako, Franz. Ayoko nang makaramdam ng sakit. Ayoko nang matali sa ganitong arrangement. Tama na!" pinal na sabi ko habang umiiyak pa rin. "Pwede pa naman nating ayusin 'to, 'di ba? Bakit kailangan mong gawin 'to? Jenny, I love you! Ipinaglaban kita kahit na alam kong pareho tayong mahihirapang dalawa. 'Wag naman ganito, Jenny. Huwag mo naman akong biglain. Sobrang sakit, e. Sobrang sakit na iiwan mo na ako..." Napalabi siya habang tumutulo ang luha ni JD habang kaeksena niya ako. "Maawa ka naman... Kaya pa natin 'to. Bigyan mo lang ako ng panahon. Please..." pagsusumamo pa niya. "Alam mo kung anong na-realize ko ngayon?" tanong ko. "Na-realize ko na ilusyon lang itong nararamdaman natin para sa isa't isa. Sorry, ha? Hindi ko kayang mag-stay sa isang relasyon na puno ng kaguluhan. Tama na lahat ng naranasan ko sa mga magulang mo. Sorry, kasi hindi ko na kayang pabayaan ang sarili ko. I'm sorry. It's really over between us..." pinal na sabi ko sabay unti-unti akong tumalikod mula sa kanya. "Cut!" Direk Bim finally said after shooting the whole scene perfectly. Nagpunas ako ng luha at nagulat nang marinig ko ang palakpakan ng halos lahat ng tao sa set, except for Gaia na hanggang ngayon ay mamatay-matay na sa inggit. Lumapit naman sa akin si JD. Hindi ako kaagad nakagalaw nang maramdaman ang panyo na pinunas niya sa mga luha ko. Sobrang lapit niya tuloy sa mukha ko. Hindi ko tuloy maiwasan na kabisaduhin ang bawat detalye ng mukha niya. Halata pa ang bakas ng luha sa mga mata niya. Mamula-mula pa ang kanyang mata pero nakangiti sa akin. Kung hindi ko nga lang napapaalalahanan ang sarili ko tungkol sa kontrata namin ay baka makalimutan kong nagpapanggap lang kaming sweet sa harap ng mga tao. But who cares? Hindi ako hipokrita para hindi aminin sa sarili ko na nagugustuhan ko ang pagpapanggap na ito. Gusto ko ang pakiramdam ko ngayong malaya ko siyang napagmamasdan sa malapitan. It felt as though he's showing me his affection toward me. Gusto kong maniwala sa ganito. Gustong-gusto ko. "Done memorizing my face, babe?" Doon lang ako natauhan sa pagtatanong niya. Medyo nagulat ako. Hindi kasi malakas ang pagkakatanong niyang iyon sa akin. Ang ibang staff ay abala sa pagsasaayos ng mga gamit. Malayo sila sa amin ni JD at imposible na marinig nila ang ganoon kahinang boses niya. Hindi ko tuloy maiwasang pamulahan ng pisngi. If this wasn't a show, then is it real? Gosh! Ayokong umasa. Ayaw kong bigyan ang sarili ko ng alalahanin. Tulad ng character ko sa pelikula na si Jenny, mas pipiliin ko pa ang sarili ko kaysa ang laging umasa. Nakakatakot umasa lalo na kung ang itataya ko ay ang puso ko. "Come. Let's go to the tent muna. Mamaya pa naman ang 2nd taping..." bigla ay pagyayaya ni JD. Walang ano-ano at bigla niya akong hinila papunta sa kanyang tent. Nang masiguro niyang wala nang tao ay saka niya ako malakas na itinulak. I heard him sigh and massage his temples. Mabuti na lang at pader na ang nasa likuran ko kung hindi ay baka nalagyan na ng lupa ang damit ko oras na mabuwal ako sa lapag. Napasimangot ako. 'Yun na 'yun? Nakakaloka! Napairap na lang ako sa kanya. "Aray ko naman, ha?" padabog kong protesta. "Whatever!" He rolled his eyes and began to do his breathing exercise. "Muntik ka pang madulas kanina. Paano kung nabuko tayo, ha? 'Di mo ba agad alam na maraming taong nakatingin? Napasimangot ako at napayuko. "Sorry... na-carried away lang naman ako kanina..." pagrarason ko naman. "Next time, be careful!" He hissed, then got to his bench. Pagkatapos niyon ay hindi na niya ako pinansin. Napakabwisit talaga ng lalaking 'to! Pagkatapos niya akong bitinin sa sweetness niya, magsusungit pa! Nakakainis! Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa sarili kong tent. Pagkatapos ng saglit na pahinga ay nagpatuloy ang taping namin. Mabilis lang ang pangalawang scene dahil separate cameras ang kinakailangan dito. During in the taping, balik papansin mode ulit kaming dalawa ni JD. Binalik niya ang pagiging sweet niya sa akin pero this time, ayaw ko nang magpadala sa emosyon. Natapos ang taping na naging masaya si Direk Bim sa resulta ng cinematography. Abala sila sa paglalapat ng ilang detalye roon. Ako naman ay binibigyan ng re-touch ng make-up artist ko. Maya-maya ay nakita ko si JD na papalapit sa akin. Hindi siya masyadong nakangiti. Napakunot-noo naman ako at hinintay siya na makalapit sa akin. "Babe, hindi na kita masasamahan pag-uwi," pagpapaalam niya sa akin na ikinakunot lalo ng noo ko. "Bakit? May problema ba?" I asked in a worried tone. "There's someone I need to meet. Kaya mauna ka na munang umuwi. I'll just text you, okay?" He abruptly gave me a peck on my lips and then walked out on me. Ni hindi man lang niya ako hinintay na makapagsalita. Nabitin pa sa ere ang kamay ko na nag-attempt na hawak siya pero hindi ko na nagawa. Ibinaba ko na lang iyon nang dahan-dahan. Nakakainis! Sino ba iyong katatagpuin niya at kung makapagpaalam ayaw naman papigil? Napabuntong-hininga ako dahil doon. Maya-maya ay may lumapit sa akin. "Hi, Lola!" Pagkaangat ko ng tingin ay si Jaxx lang pala. Malawak ang ngiti niya habang kumakaway sa harapan ko na parang excited na bata sa kanyang kalaro. Hay, buti pa si Jaxx masaya na makita ako. Samantalang iyong isa, nagpapanggap lang na sweet! "Hi, Jaxx! Nandito ka pala. Akala ko bukas pa ang scene mo?" tanong ko sa kanya pagkatapos ko siyang batiin. "Ah, bukas pa talaga ang taping ko. Gusto lang kitang makita, that's all..." Katahimikan. Considering the last time na encounter naming dalawa ni Jaxx, talagang maiilang na kami sa isa't isa pagkaraang maalala ang araw na iyon. I heard him clear his throat nad looked at me. "Seryoso na ba talaga kayo? Nagkabalikan na kayo?" bigla ay tanong niya. Nahihimigan ko ang kalungkutan sa kanyang boses. Napatango na lang ako pero hindi ko nagawang ngumiti. "Yeah..." "What kind of answer is that? Hindi ka ba masaya?" Napatawa naman ako. "Hmm... Masaya naman. Bakit naman hindi, 'di ba?" "May problema ba? Care to share?" "Ewan ko. I just feel suffocated ngayon. Can I be honest with you?" "Sure!" "Alam mo bang gusto ko siyang sundan ngayon?" Napataas naman ang kilay niya sa sinabi ko. "Bakit? May problema ba kayo?" nag-aalalang tanong niya. "Hindi ko alam. Sa tingin mo, hindi ba siya magagalit kung susundan ko siya?" Napatawa siya. "Bakit mo ba tinatanong 'yan? Karapatan mo siyang sundan lalo kung 'di naman siya maayos na nagpaalam sa'yo!" Bigla siyang tumayo at hinawakan ako sa palapulsuhan mo. Hinila niya ako mula sa pagkakaupo. "T-teka... saan tayo?" He smiled at me. "May susundan tayong taksil. Arat na!" Iyon lang at agad na niya akong hinila papalabas ng set. Sumakay kami sa kotse niya at pinaharurot iyon papalayo. Binuksan ko ang cellphone ko at pinindot ang location finder app ko. "So, alam mo ba kung saan siya papunta?" tanong ni Jaxx sa akin. "Yup!" Ipinakita ko sa kanya ang exact location ngayon ni JD sa cellphone ko. "Girl scout yata 'to!" Nakarating kami sa isang private na building na ginawang maliit na resthouse. Doon kami dinala ng location app. Matang-lawin na kaagad kong namataan ang kotse ni JD sa di-kalayuan. Bingo! Ano kayang ginagawa ng kumag na 'to sa lugar na 'to? Wala akong nagawa si Lola kundi ang maghintay dahil mahigpit ang security ng resthouse. Nasa harapan kami ng gate na nakikita pa rin ang loob ng resthouse. Agad akong napatingala dahil sa pangalawang palapag ko napansin ang ilaw. Doon ay nakita ko sa 2nd floor ng building ang bulto ng isang katawan. Isa iyong sexy na babae. Humahagulgol siya sa iyak. Ang sunod na eksena ang di ko inaasahan. Naroon si JD at niyakap ang hindi kilalang babae. Napanganga ako habang sapo ang dibdib na ngayon ay pumuputok sa sakit. Sobrang sakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD