Inip na inip si Railey na naghihintay kay Reslyn sa may parking lot. Nag-alala na rin ito dahil di man lang nag-text o tumawag sa kanya. Kaya ng makita niya itong naglalakad papalapit sa kanya, ay hindi niya maiwasan ang sumimangot at mainis. Ngunit isang matamis na ngiti lamang ang iginanti sa kanya. "Hindi mo man lang ba ako naalala? Ano ba ang ginagawa mo at ang tagal mong lumabas?" inis na tanong ni Railey. "Hi, hon! Huwag ka ng magalit, kasi—" "Kasi, ano?!" he asked again. "Eh, kasi natagalan kami sa pag-uusap ni Mia Joy sa lobby kanina. Medyo napasarap ang kwentuhan namin about her problem with Shaun," pilit na ngumiti para pagaanin ang pakiramdam ni Railey. "So, you're interested in their issue, rather than telling me your whereabouts? Sana nag-text ka man lang sa akin para hin

