Hindi sinundo si Reslyn dahil may maagang appointment si Railey kasama ang kanyang ina sa doctor. Kaya nagpahatid na lamang s'ya sa kanyang ama papasok ng UP Diliman. "Thank you, daddy." Pasalamat ni Reslyn sa kanyang ama bago ito lumabas ng sasakyan. "Teka, thank you lang ba ang para kay daddy? Wala na akong yakap at halik man lang," reklamo nito. "Daddy naman eh?" nakangiting lumapit sa kanyang ama. "Ang daddy ko nagtatampo agad, sorry na love you, dad." "Hay nako! Nagka-boyfriend ka lang hindi na ako love at priority mo." Natawa si Reslyn sa drama effect ng kanyang ama pero nagbibiro lang naman ito kaya hinayaan na lamang n'ya at lumabas na ng sasakyan pagkatapos nitong yakapin at halikan ito sa pisngi. "Bye, daddy! Ingat sa pagmamaneho," kumaway pa s'ya sa kanyang daddy bago nit

