Pagkatapos ng kanilang klase ay sabay na silang umuwi at dumiretso na sila sa bahay ni Railey. Sinamahan na lamang ni Reslyn ang kanyang kasintahan para maipaliwanag nang maayos sa mommy nito ang nangyari sa kanya. "H'wag ka ng mag-alala ako nang bahala magpaliwanag kay ninang kaya samahan na kita pauwi." "Thank you, hon. Kaya ko naman ipaliwanag iyon kay mommy pero nag-alala pa rin ako sa magiging reaction niya." "Iyan kasi, hindi ka nag-iisip bago gumawa ng kabulastugan eh. Kaya ulitin mo pa iyan, ako na talaga ang babasag sa bungo mo!" "Oo naman hon, hindi ko lang napigilan ang sarili kong hindi magalit sa kanya. Tsaka hindi na iyon mauulit pa, ang takot ko lang sayo!" "Hayaan muna tapos na ang nangyari kaya sana naman hon h'wag mo ng ulitin iyon." "Yes, boss!" nakatinging saad n

