“Topher, apo, ano ang balak mong kunin na strand sa senior high?” tanong ni Manang Istrela habang nag-aayos at naglilinis ng mesa habang kami naman ni Keon ay nakaupo sa maliit ngunit malinis nilang sala. Gawa lamang sa kawayan ang bahay nila. Nasa unahan ito ng main entrance ng flower farm ngunit kahit wala pa ang bahay nila sa mismong farm, punong-puno na ito ng iba’t-ibang klase ng bulaklak. Napalingon ako kay Keon, na kasalukuyan kong katabi, nang itanong iyon ni Manang. “Wala pa po, Manang,” sagot nito. “Hindi ba’t gusto mo maging aktor, apo? May strand bang may kaugnayan doon?” “Istrela, iyong niluluto mo.” Sasagot na sana si Keon nang lumabas si Manong Grentu upang tawagin ang asawa dahilan para hindi na matuloy ni Keon ang sasabihin. “Ay, hala! Saglit lang mga apo.” Natat

