Dahil sa sinabi niya, natigilan ako at biglang nawala ang inis na sa hindi malamang dahilan ay automatikong uminit ang pisngi ko. Nanatili ang tingin ko sa kanya na nagkukulikot ng mga pictures sa camera ko. Hindi rin nawawala ang ngiti niya habang naroon ang pansin. Napalunok ako at sinubukang ibalik sa wisyo ang sarili. Anong ibig niyang sabihin sa tinuran niya? At bakit tila namula ako sa sinabi niya? Hindi pwede ‘to! “Psst, baby girl and baby boy, it’s time for breakfast.” Sabay kaming napalingon ni Keon sa sliding door sa likod namin nang marinig ang boses ni Sir Carlo na ngayon ay mayroong malapad na ngiti sa labi, mukhang natutuwa sa nakikita n’ya. Tumayo na ako nang tumalikod si Sir Carlo upang pumasok ulit sa loob kaya naman sumunod na rin ako rito. Ganoon rin si Keon na siy

