Chapter 60

4995 Words

Tinaas ko pa ang isa kong paa habang nanatiling nasa tv ang atensyon. “Anong magandang panoorin?” Lumingon ako sa kanya na ngayon ay nakasandal ang ulo sa couch habang nakatuon ang pansin sa ginagawa ko, mukhang inaantok na. “Are you sleepy?” Dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya, nanatiling nakasandal pa rin ang ulo sa couch, hanggang sa nagtama ang paningin naming dalawa. Tinaasan ko pa siya ng dalawang kilay, naghihintay sa sagot niya. Saglit niya pa akong tinitigan na akala mo'y mayroong dumi sa mukha ko bago niya ako sinagot na may nakaukit na mga ngiti sa labi ngunit halata sa mata ang antok. “I'm not,” he answered, still staring at me. Ngisian ko siya. “Masyado ka na naman yatang nasilay sa kagandahan ko, pare?” seryosong biro ko na mas lalong ikinalaki ng ngiti niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD