Dahil sa sinabi niya, automatiko akong napangiti dahilan para sumilay rin sa labi niya ang mga ngiti. “You should go inside—WAHH!” Hindi na natapos ni Keon ang sasabihin niya nang biglang mamatay ang ilaw na nasa harap ng rental house dahilan para dumilim ang paligid. Kaagad kong naramdaman ang mahigpit na paghawak niya sa braso ko at pagsiksik niya sa akin na ikinatawa ko. Wala pa namang buwan ngayon kaya naman ganoon na lamang talaga kadilim. I chuckles. “Are you afraid of dark?” natatawa kong tanong. “Baka may white lady,” tila naiiyak niyang sabi. Kahit hindi ko ito makita dahil madilim, alam kong nakapikit ito. Dahil sa sinabi niya, gustong-gustong kumawala ng tawa ko ngunit hindi ko magawa dahil mas lalo siyang sumiksik sa likod ko. Para tuloy siyang bata! Kinapa ko ang phon

