Paniguradong gulat ako sa litrato dahil hindi man lang niya ako pinag-ready upang kuhanan ng litrato. Basta na lang niya akong pinicturan! “Keon!” tawag ko rito. “I'm not ready yet!” Aabutin ko na sana ang camera na hawak niya nang hindi ko 'yon nagawa dahil kaagad niyang nilayo mula sa akin. Lumapad ang ngiti niya habang nakaangat ang kamay niya kung saan niya hawak ang camera, mukhang tuwang-tuwa pa sa pang-aasar niya. “No,” Keon said, still chuckling. “Hindi mo man lang ako sinabihan!” reklamo ko habang pilit na inaabot ang camera na pilit niya ring inilalayo. Kailangan ko pang tumalon upang abutin 'yon dahil sa katangkaran niya ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga magawang makuha. Habang inaabot ko ang camera, tinatawanan niya ako. Tumingkayad pa siya upang lalong h

