“Oh, andito na pala kayo. Kanina pa kami naghihintay rito,” bungad sa amin ni Sir Carlo nang makarating kami. “Wow, matchy na naman ang ating mga babies,” pansin sa amin ni Ate Shane. Salitan pa nitong tinignan ang suot namin ni Keon na ipinagtaka ko at dahilan para lingunin ko si Keon upang kompirmahin. Nang sinundan ko ang tingin ni Ate Shane nang na kay Keon ang mata niya, doon ko lamang napagtantong itim ang suot nitong short habang ako naman ay itim ang one piece na suot. “Ate Shane, we're not babies anymore po,” malumanay na paalala ni Keon kay Ate Shane. “Shane, huwag mo na ngang i-baby ang mga 'yan. Mabuti't maligo na lang tayo,” suway ni Kuya Jojy sa gitna nang usapan ng dalawa. Ate Shane rolled her eyes at Kuya Jojy. Hindi na rin siya nagsalita pa at tumayo na lang din kag

