The next day, Saturday, alas singko pa lang, gising na ako— gising pa.
Hindi na yata ako nakatulong simula kagabi sa labis na pag-iisip ng mga bagay-bagay na hindi naman bumabagabag sa akin noon. Muli na naman itong pumasok sa isipan ko.
Simula noong nakita ko ang isang bagay na hindi ko inaasahan sa kwarto ni Momma, taon ang nakalipas, hindi na ito maalis sa aking isipan. It was hunting me like it has a message for me...but as usual, I keep ignoring it.
Nagpakawala ako ng buntong hininga bago bumangon mula sa pagkakahiga. Inayos ko ang kama ko na daily ko namang ginagawa. Pagkatapos no'n, kumuha ako ng damit na susuotin bago pumasok sa banyo para maligo
Habang nasa loob ng banyo, narinig ko si Momma na nasa loob ng kwarto ko. Paniguradong inaayos nito ang mga gamit na dadalhin ko ngayong weekend. Masyado yata siyang abala kagabi at ngayon niya na lang naayos.
Every weekend, kinukuha ako dito ni Ate Lara. Kung hindi sa condo niya kami nagi-istay, sa resort kami tumutuloy o 'di kaya sa ibang bansa at doon nagpapalipas ng oras.
Ngayon na lang ito ulit nangyari, since nagsimula nang pagaralin ni Tito Jester si Ate Lara tungkol sa mga bagay na konektado sa kumpanya na ipapasa sa kanya in the future.
Palipat-lipat ng bansa at kung ano-ano ang pinag aaralan. This week lang din dumating si Ate Lara, noong Lunes. Sabi niya sa akin kagabi, hindi na niya raw ako na-update dahil dumeritso na siya sa kompanya at kahapon lang natapos ang mga gawain kaya nakalabas.
I took 20 minutes inside the shower and went out wearing my outfit. A sweater paired by a jogger.
Paglabas ko, hindi nga ako nagkamaling nandoon si Momma. Kasalukuyan siyang naglalagay ng kaunting damit sa bag ko habang nakaupo sa harap ng cabinet ko.
“Kanina ka pa ba gising?” tanong nito, hindi lumingon sa akin.
“Kakagising ko lang,” pagsisinungaling ko.
Dumeritso ako sa may katabi ng closet ko, sa may drawers, saka kumuha ng medyas bago naupo sa kama para suotin 'yon. Nang masuot, sunod ko ring kinuha ang puting sapatos ko.
“Towels at dalawang t-shirts lang ang nandito, mayroon ka pa namang mga damit roon, hindi ba?” Naramdaman ko ang tingin niya sa akin kaya naman tumango na lamang ako bilang sagot.
“Hindi na ako magda-” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng marinig na tumunog ang phone na nasa tabi ko. Kinuha ko ito at tinignan.
From: Ate Lara
Got an emergency, so I can't pick you up. But Kuya Thwer gonna be there at 10AM, he's gonna fetch you to my condo. Nagpadala rin ako ng breakfast mo.
Nang mabasa ko iyon, sakto namang tumunog ang doorbell, senyales na mayroong tao sa labas.
Naramdaman kong tumayo si Mama. Nilingon ko ito na ngayon ay nakakunot ang noo, nagtataka.
“It's Kuya Thwer, I guess. Nagpadala si Ate Lara ng breakfast.”
Natahimik si Momma sa hindi malamang dahilan. Hindi ko rin mabasa ang mga bagay na iniisip niya. Hindi madaling basahin si Momma.
Simula bata pa lamang ako, kasama ko na si Momma pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin nababasa ang mga iba niyang reaksyon. Hindi lahat.
Ibinalik niya ang paningin sa bag ko at isinara ito. “Puntahan mo na, may gagawin pa ako,” sambit nito kaya naman tumango na lamang ako bago tumungo pababa.
“Good morning, Ma'am Luisa!” malakas at masiglang bati ni Ms. Abbie, Ate Lara's secretary and at the same time PA (Personal Assistant). Nasa pintuan pa lamang ako at malayo sa pagitan ng gate ngunit rinig ko na ang boses niya. Saan niya naman nakukuha ang enerhiyang palagi niyang dala-dala araw-araw?
Nagmadali akong naglakad papunta sa gate para pagbuksan ito. Tanging kone-konektado ng bakal ang gate namin kaya masisilip nila ang loob.
“Here's your breakfast, Ma’am—aray!” hindi na niya natuloy ang malakas niyang sasabihin nang binatukan ito ni Kuya Thwer, driver, na kakalapit lang kay Ate Abbie. Kaagad akong natawa.
“Ay sorry po, Ma'am,” paghihingi niya ng pasensya ni Kuya nang mapansin akong papalapit . “Ingay po kasi ni Abbie e, umagang-umaga.”
Marahang hinahaplos ni Ate Abbie ang batok niya habang nanliliksik ang mga mata na nakatuon kay Kuya Thwer na masamang tingin rin ang ibinalik. Nang ibinaling sa akin ang paningin, naglaho ang kaninang masamang tingin at napalitan ng malawak at totoong ngiti.
“Delivery hehe!” sambit niya sabay abot sa akin ng dala nila.
Nginitian ko sila at kinuha ang isang lunch box. “Thank you po! Pasok po kayo, samahan niyo na ako kumain,” anyaya ko.
Mahinhin na tumawa si Ate Abbie. “Salamat, Ma’am pero hindi na ho kami papasok. Talagang pinahatid lang yan ni Ms. Lara, kailangan na rin po naming bumalik sa office.”
Tumango ako at muli silang nginitian. “I see, sige po salamat kamo dito, pasabi na lang po,” ani ko.
They smiled back and nodded, signed in agreement.
“Ay Ma’am, Luisa baka mamayang alas diyes pa po ako babalik para sunduin kayo,” sabi ni Kuya Thwer.
“Okay po.” I smiled.
Kalaunan, hindi na rin sila nagtagal at umalis na. Nang pumasok ako inilapag ko sa mesa ang lunch box na pinadala ni Ate Lara saka nilabas ang naroon. A set of breakfast meal. Ham, egg, hotdog, french toast, milk and rice. Napangisi ako ng nakita ang kanin na nasa may ilalim. Mabuti na lamang at meron. Inilagay ko ito sa ay gilid ng mesa katabi ng mga niluto rin ni Momma. Sa ngayon, ay wala pa akong ganang kumain.
Sakto ring bumaba si Momma.
“Let’s eat?” I invited her.
She smiled at me. “Tapos na ako tska kailangan ko nang pumasok sa trabaho.” Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa may ulo. “I gotta go, mag-enjoy ka do’n, okay?”
Bilang tugon, nginitian ko siya sabay tango bago siya tuluyang lumabas ng bahay.
Pagkatapos umalis ni Momma, bumalik ako sa kwarto para magbihis. Napagdesisyunan ko na lang na magpa-araw at maglakad-lakad since matagal na rin ang huli kong labas. Tinali ko ang buhok ko into ponytail at kinuha ang susi ng bahay bago tuluyang lumabas.
Sumisikat pa lang ang haring araw at malamig pa ang hangin ng lumabas ako. Mayroon ring kaunting tao akong nakita na sa tingin ko ay kagaya ko na maglalakad-lakad o magjo-jogging din. Paglabas kasi ng street namin ay mayroong isang parke na pwe-pwedeng takbuhan, tambayan, o ‘di kaya, picnic. Kung minsan nga, pagkatapos ng klase, doon kami tumatambay magkakaibigan, pampalipas oras.
Nilakad ko lamang ang papunta roon dahil wala pa ako wisyong tumakbo. Isa pa, gusto ko lang din namang maglakad-lakad lang at makalanghap ng sariwang hangin.
“Luisa!” rinig kong tinig ng isang pamilyar na boses. Tinanggal ko ang earphones na suot ko at kaagad na hinanap kung saan nanggagaling ang boses na iyon na mabilis ko namang nahanap.
“Uy, Bryce!” tawag ko rito.
Mayroon siyang kasamang lalaki na sa tingin ko naman ay ka-edad lang namin. Malawak akong nginitian ni Bryce, katulad ng ngiting hindi nawawala sa kanyang labi. His smiled never faded, kaya siguro isa ito sa naging dahilan kung bakit siya nagustuhan ni Farra.
“We are about to eat breakfast, you wanna join?” he asked.
“Libre ni Keon!” singit ng kasama niya na lalaki na medyo may pagka-chubby.. Malawak rin ang ngiti nito katulad ng kay Bryce, mukhang good mood. “By the way, I’m Dracob, sorry for being informal.” Nilahad niya ang kamay niya na kaagad ko namang inabot at nakipag-shake hands.
“It’s fine, I’m Luisa but you can call me Isa,” pagpapakilala ko bago lumingon ulit kay Bryce na nakataas ang dalawang kilay.
“So, are you g?” tanong muli ni Bryce.
I smiled at them. “I’m sorry but may lakad pa kasi ako, I just took a short time for walking…” Napakamot ako sa batok ko, nahihiya. “Uhm…maybe next time?” dagdag ko.
Mahinang humalukipkip si Dracob. “It’s fine, Isa. No pressure. Next time na lang! Libre ko na sa susunod! Promise!” malakas na sabi niya. Ang kulit niya.
“Dracob was right, no pressure. Babalik naman kami rito sa bakasyon, so I think we all can bond together,” Bryce acknowledged.
Tumango ako at ngumiti. “Sure! G ako diyan!”
Mahinang tumawa ang dalawa. “Okay, see you soon! We gotta go, our friend is waiting for us, there.”
Nginitian ko ang dalawa sabay na kinawayan nang talikuran ako ng mga ito.
“Nice to meet you, Isa! Babye!” sigaw ni Dracob nang hinila na siya ni Bryce.
Kalaunan, nakalayo na sila sa akin ngunit nanatili pa rin ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan sila sa malayo. May iba pang mga lalaking sumalubong sakanila bago sabay-sabay na naglakad patungong restaurant. Ngunit bago pa sila makapasok, napansin ko ang isang lalaking kasama nila. He looks familiar.
Nang tuluyan na silang nawala sa paningin ko, inilagay kong muli ang earphone sa tenga ko kahit na hindi ako nag-play ng music, bago tumuloy sa paglalakad. Inikot ko rin ng dalawang beses ang buong lugar at nagpapawis bago napagdesisyunang umuwi. Saktong alas syete rin ng makarating ako sa bahay at pasikat na ang araw.
Dumeritso ako sa kwarto ko. Nagpahinga rin ako ng ilang minuto bago naligo para maghanda sa pag-alis. At habang nagpapahinga, hinanda ko na ang dadalhin kong gamit para mamaya. Kahit kasi ay inayos na ito ni Momma, chineck ko pa rin dahil baka mayroong maiwan lalo na’t sa Lunes ng umaga, diretso na ako school galing sa condo ni Ate Lara.
Sa pagpatak ng alas diyes ng umaga, mayroong bumusina na sigurado akong si Kuya Thwer na iyon. Isinukbit ko ang bag sa balikat ko at bumaba. Paglabas ko ng bahay, sinigurado ko rin munang sarado na ang main door bago tuluyang lumabas ng gate. Ngunit sa pag apak ko sa labas ng gate, napatigil ako ng mayroong babaeng nakatayo roon.
Napatitig ako sa kanya. She’s wearing a formal suit that very suit on her, kapares pa nito ang hawak niyang branded na bag at hindi gaanong mataas na heels.. Nang magtama ang paningin namin, kitang-kita ko kung paanong dumaan ang gulat sa mata niya, pati rin ako nagulat, nang mayroong maramdamang hindi ko pa nararamdaman noon. Ang gaan na agad ng loob ko. Ngunit ang mas natuon ang pansin ko sa mukha niya.
Para akong nanalamin dahil sa bawat detalye ng mukha niya ay ganoon rin ang mukha ko. Sa mga matang mayroong pagka-brown, katamtamang taas ng ilong, maliliit na labi, at kahit sa hugis ng mukha, pareho kami. At sa ilang segundo din, may isa pa akong pamilyar na nakikita sa mukha niya at hindi ko iyon matukoy kung sino.
“Ano pong maitutulong ko sa kanila?” tanong ko pagkatapos ng ilang segundong pagsusuri ko sa kanya.
Umiwas siya ng tingin at lumingon sa may loob ng bahay na tila mayroong hinahanap. “Uhm, I’m looking for Adrepino- I mean Adreille, dito ba siya nakatira?” mahinhin niyang tanong.
Nanatili pa rin ang tingin ko sa kanya. She really looks like me. Ngunit mahinhing version.
“Sa kabila po iyon.” Tinuro ko ang katabing bahay. “Doon po.”
Tumango-tango siya sabay ngumiti. “Thank you, iha,” pasasalamat nito at nagmamadaling naglakad patungo sa kapitbahay ngunit napatigil rin nang magsalita ako.
“Uhm, wait po.” Dahan-dahan siyang humarap sa akin, nagtataka ngunit bakas sa mukha ang kaba.
Kumunot ang noo ko dahil sa naging reaksyon siya. “If you don’t mind po, may I know who you are?” I asked which made her reaction nervous more.