Chapter 05

2224 Words
"Ma'am Luisa, andito na po tayo." Napabalik ako sa realidad ng marinig ang boses ni Kuya Thwer. Kaagad akong lumingon sa labas ng bintana at doon lamang napagtantong nasa harap na kami ng lobby. Halos hindi ko na namalayan dahil sa labis na pag iisip sa babaeng nakausap ko kanina. Kahit saang anggulo tignan, we are really look alike. Tila ba'y pinagbiyak kaming bunga ngunit nagkahiwalay. Kanina, sasagutin na sana niya ang tanong ko nang dumating na si Ate Adreille, kapitbahay namin, dahilan para hindi na niya masabi. Hindi na rin ako nagtagal roon dahil umalis din kami kaagad ni Kuya Thwer. Akma na sanang lalabas si Kuya Thwer ng sasakyan, para pagbuksan, nang magsalita ako. “’Wag niyo na ho akong ihatid sa taas Kuya Thwer, alam ko naman po ang passcode. At saka, mayroong sasakyan sa likod natin, i-park mo na lang po ang kotse,” sambit ko sabay nginitian ito. Hindi ko na rin hinintay na makasagot siya dahil nauna na akong bumaba at pumasok ng lobby. “Good morning, Ma’am Luisa,” bati ng mga staff roon. Tanging malawak na ngiti lamang ang tinugon ko sa kanila at naglakad na patungong elevator. Hindi naman ito ang una kong punta rito kaya paniguradong kilala na ako ng mga taong nagtatrabaho dito. Pagpasok ko sa elevator, mayroong babaeng sa tingin ko ay nasa kinse anyos pa lamang katulad ko, may kausap ito sa phone at hindi man lang ako pinagtuunan ng pansin kaya naman kaagad akong pumasok at pinindot ang 10th floor. Akala ko ay lalabas ang babae kung saan ako pumasok pero tila ba masyado siyang abala sa kausap niya sa kabilang linya at hindi na napansing lalabas dapat siya. Nang magsasara na sana ang pinto, mayroong grupo ng lalaking pumasok na halos ka-edad ko rin at noong babae. Apat sila. Halos lahat sila ay nakasuot ng disenteng kasuotan na nababagay sa mga ekspresyon ng mga mukha nila. Iyong dalawa, iyong kulot at may hawak na gitara, mayroong pang nakadikit na kung ano sa may damit na nagiging agaw pansin. They had a name on it, like they on process of auditions. ‘Jemy, 13465’ pagbabasa ko sa isip ko mula doon sa damit ng kulot na lalaki. Nang makapasok na sila at sumara na ang pintuan ng elevator, doon ko lang nabasa ang nasa damit noong may hawak na bass guitar, dahil sa salamin noong elevator. ‘Ady, 14232’ pagbabasa kong muli. Sila lang dalawa ang meron, iyong dalawa pa, wala. Walang ni anumang ingay ang narinig sa loob hanggang sa bumukas ang pintuan at lumabas ako. It went awkward inside lalo na’t magkaka-edad lang kami. Ewan ko ba pero awkwardness ang nararamdaman ko tuwing may mga nakakasabay akong mga ka-edad ko sa isang lugar at hindi ko naman kilala. Nang makalabas ako, dumeritso na ako sa unit ni Ate Lara at nadatnan si Ate Juie, katulong dito sa condo tuwing weekends. Binati ko ito at kaagad na nagpaalam na didiretso na sa guestroom kung saan ako tumutuloy kapag nandito. Pagpasok ko sa kwarto, binagsak ko ang katawan ko sa malambot at puting kama pagkatapos kong ilapag ang bag sa mini sala dito sa loob. I stared at the ceiling for almost an hour, thinking the girl earlier. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang isa niya pang tao na nakikita kong kamukha niya ngunit kahit yata halughugin ko ang mga taong kilala ko sa utak ko, wala akong makikita. Sa ilang oras kong nakatitig sa kisame, naramdaman ko ang pagbigat ng mga talukap ng mga mata ko dahilan para hindi namalayang nakatulog na pala ako. *** Nang magising ako, una kong napansin na madilim na sa labas. Panigurado akong makakatulog talaga ako ng ganitong katagal since I didn't sleep last night. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at dumeritso ng banyo para magpalit ng pantulog. Sunod no'n, bumaba na ako at lumabas ng kwarto nang makaramdam ng gutom. Nagtungo ako sa kusina kung saan doon ko natagpuan sina Ate Juie at Ate Lara na seryosong nag-uusap. May hawak si Ate Juie na maliit na notebook at ballpen na sa tingin ko ay naglilista. "Kanina ka pa nakauwi?" singit ko dahilan para matigil sila sa pag-uusap at lingunin ako. "Oh, gising ka na pala. Umupo ka na dito, we're going to eat," utos ni Ate Lara na kaagad ko naman sinunod. Naupo ako sa bakanteng upuan kaharap niya. Inilapag rin muna ni Ate Juie panandalian ang hawak niya at nagmamadaling kumuha ng plato at nilagay sa harap ko. Tinimplahan niya rin ako ng gatas bago bumalik sa paglilista. Hindi na ako nakinig sa pinag-uusapan nilang dalawa dahil nag-focus na lang ako sa kinakain ko. "Nagpuyat ka na naman kagabi? I told you, it's not good for your health," panenermon ni Ate Lara. Kahit hindi ko siya lingunin, alam kong nakatingin siya sa akin. Uminom siya ng tubig bago ulit nagsalita. "Btw, what do you want tomorrow? Chef. Lucho will coming." Napaangat ang tingin ko. "Don't say kahit ano." Inunahan niya ako. Tinaasan niya ako ng kilay. "We'll celebrate valentine's tomorrow on Pinos. I was planning to visit Lolo in Cebu but Mom called me earlier, may hinanda daw siyang celebration para bukas kaya I have no choice," she explained. Tumango-tango ako at ibinalik ang tingin sa pagkain. "What time?" I asked. "Dinner pa naman tayo pupunta, so we can still go to mall and bought some valentine’s presents," sambit niya at ngumiti. Tinanguan ko na lamang siya bilang sagot. Wala rin naman akong ibang itatanong at sasabihin kaya naman nanahimik na lamang ako hanggang sa matapos silang mag-usap ng ipapadagdag na pagkain ni Ate Lara bukas. Sabi ni Ate Lara, inutos daw iyon ni Tita Amara kay Ate Juie na itanong ang mga gustong ipaluto kinabukasan. Kinulit pa ako ni Ate Lara kung ano raw ang gusto kong ipaluto bukas at ang ending wala din naman siyang nakuha mula sa akin. Mapili ako sa pagkain pero ni isa, wala talaga akong sinabi. Panigurado naman kasing masasarap na pagkain ang nandoon since nandoon si Chef. Lucho. After the arguments I had with Ate Lara, we watched some movies in the living room, like we always do as a cousin's bond. Pagkatapos no'n, bumalik na ako sa kwarto ko ng oras na para sa pagtulog. "'Wag ka ng magpuyat, babae. Maaga tayo bukas, understood?" She warned me. "Yes," walang gana kong sagot at kaagad na pumasok sa kwarto at sinarado ang pinto bago pa siya may sabihin na naman. But as I entered my room, as expected, I heard her outside. "Luisa Rei Adrepino, you're giving me that attitude, huh? 'Wag mo akong sasaraduhan ng pinto kung may sinasabi pa ako and can you please change that irritating mood na walang gana?! Tsk. Goodnight!" she shouted before shutting the door off. Napailing-iling na lamang ako at pinaikot ang mga mata. Dumeritso ako sa study table na nandoon at binuksan roon ang lamp na nasa gilid katabi ng maliit at pekeng halaman. I took some small papers from the cabinet below the table. Naupo ako sa swivel chair ko bago nagsimulang maglista ng mga bibilhin kinabukasan. Ilang oras pa akong nandoon at nakatulala bago makapag isip ng mga ireregalo. Pagkatapos no'n, hindi na rin ako nagpuyat at sinunod ang sinabi ni Ate Lara. *** Kinabukasan, like Ate Lara says, we woke up early. I decided to wear some black shirt croptop paired with gray loose pants and white shoes when I realized that I didn't bring joggers and sweatshirts. Bago kasi umalis si Ate Lara nitong nakaraang taon, inuwi ko ang mga damit ko sa bahay since hindi naman ako pumupunta rito kung wala si Ate Lara. Nakakahiya naman kung pupunta ako rito at wala ang may-ari. "Finish your foods," striktang utos ni Ate Lara nang mapansing hindi ko ginagalaw ang ham na nasa plato ko. Kasalukuyan kaming kumakain ng agahan habang seryoso ang tingin niya sa Ipad niya at tinuon na lamang ang pansin sa akin para sabihing ubusin ang pagkain. "You know that I don't eat hams," I protested. She rolled her eyes at me in irritation. "I just order it. Bumalik na sa Pinos si Ate Juie kagabi kaya hindi na niya tayo nalutuan ng agahan," she explained. Bumuntong hininga siya. "Just leave it there. I'll finish this first and we will go na," sambit niya at ibinalik ang tingin sa screen ng Ipad niya. Hindi rin nagtagal, natapos na ni Ate Lara ang ginagawa niya kaya naman lumabas na kami ng unit niya. "Naglista ka ba?" tanong niya na tila ba naghahamon, nang makapasok kami sa elevator. Nginisian ko siya. "Syempre, bibigyan mo 'ko ng allowance pambili 'di ba?" Nginisian niya ako pabalik at binigyan ng masamang tingin. "Tsk." Natawa na lamang ako sa naging reaksyon niya at tumahimik na lamang hanggang sa makarating kami sa lobby. "Ma'am Lara!" kahit na nandito pa lamang kami sa loob ng lobby, rinig na rinig ko na ang matinis na boses ni Ate Abbie. Nakatayo siya sa labas ng kotse at mayroong malawak na ngiti sa labi habang kumakaway-kaway ang mga kamay. Kaagad kaming lumapit roon. "Happy Valentine's Day, Ate Abbie!" maligaya ko siyang binati. Kinindatan niya ako at binigyan ng matamis na mga ngiti. "Likewise, Ma'am Luisa!" Binaling niya ang tingin kay Ate Lara. "Sa 'yo din, Ms. Lara! Kahit na hindi mo pa ako binati!" Ate Lara chuckles as she heard what Ate Abbie say. Tinarayan niya rin ito ng nakakaloko at naunang pumasok sa passenger seat kaya naman sumunod na ako. Si Ate Abbie, pumasok na rin sa shotgun seat. Kagaya ng pagbati ko kay Ate Abbie, binati ko rin si Kuya Thwer. "Happy Valentine's din po, Ma'am Luisa. Sa 'yo din po, Ms. Lara," nakangiti nitong sabi. "Happy Valentine's too," maikling tugon ni Ate Lara at tinuon na naman ang pansin sa ibinigay ni Ate Abbie na Ipad. Sa buong oras na ginugol namin patungong mall, nag-usap lamang kami ni Ate Abbie ng kung ano-anong bagay. Si Ate Lara, hayon ay magiging kamukha na ang Ipad niya. "Abbie already sent the money in your bank account. Magkita na lang tayo sa parking lot after we're done shopping, understood, Luisa Rei?" maarteng tanong ni Ate Lara. "Abbie will be with you and Thwer is with me." Nilingon niya si Ate Abbie. "Abbie, take care of Luisa. Let's go." Nauna siyang bumaba kaya naman sunod-sunod na kaming bumaba rin at pumasok sa mall. Kagaya ng sabi ni Ate Lara, naghiwalay nga kami sa loob a nagkanya-kanya. Kasama ko si Ate Abbie samantalang kasama naman ni Ate Lara si Kuya Thwer. Pinulupot ni Ate Abbie ang kamay niya sa siko ko. Maliit lang na babae si Ate Abbie at halos kasing tangkad ko lang kaya naman madali lamang niyang yakapin ang kamay ko at hinila papasok sa isang bookstore para bumili ng ireregalo ko para kay Farra. Nasabi ko kasi sa kanya kanina sa kotse ang mga gusto kong iregalo sa mga kaibigan ko. Kaya sa tingin ko, matutulungan ako ni Ate Abbie. Magaling naman siya pagdating sa ganito. "Doon sa aisle na 'yon, doon ang magagandang drawing pads. I'll go to counter, pipilian kita ng mga pens," mabilis niyang sabi at kaagad na nagtungo nga doon sa may counter at iniwan ako. Nang makalayo na siya, kaagad kong pinuntahan ang aisle ng mga iba't ibang pads at doon namili. I decided to brought some drawing materials to Farra since mahilig siyang mag-drawing. I stay on that aisle for almost 30 minutes before I finally pick the best. Sakto ring nakapili na si Ate Abbie nang pumunta ako sa counter. After kung magbayad, sumunod kaming pumunta sa isang outlet ng mga kitchen tools. Nang makapasok kami roon, kaagad kong hinanap kung saan nakalagay ang mga trays na for baking cupcakes. Ito lang kasi ang naisip kong bagay na sigurado akong magugustuhan ni Asher. "Keon, just pick what you think your sister gonna love, at least you had a presents this valentine’s," rinig kong wika ng lalaking boses sa kabilang aisle. "Tsk. I should ask mom about this." Binitawan ko ang trays na pinagpipilian ko nang marinig ang boses na iyon. Siguro dahil sa kuryosidad, naglakad ako patungo roon ngunit nang paikot na ako ay biglang dumating si Ate Abbie. Malawak ang ngiti nito na hindi naman kailanman nawawala sa kaniyang mga labi. "Ma'am Luisa! Nahanap ko na ang album na pinapahanap mo. Nandoon sa isang bookstore," sambit nito at tuwang-tuwa na tila ba'y nanalo siya sa isang patimpalak. "Babayaran ko lang po yung trays." Tumango ito bilang tugon. Kaagad akong bumalik sa kinakatayuan ko kanina at kinuha ang trays doon bago nagtungo sa counter para magbayad. Nang makabayad at lumabas, pinulupot na naman ni Ate Abbie ang kamay niya sa siko na parang bata. "Alam mo ba," pabulong nitong sambit. "May poging binata kanina sa bookstore, bagay kayo! Sayang hindi mo nakita," sambit nito na tila ba nanghihinayang. "Ate Abbie!" suway ko rito. Sabay niyang itinaas ang mga kilay niya na tila ba nagtatanong sa akin gamit 'yon sa naging reaksyon ko. "Oh? Hindi ko naman sinabing maging boyfriend mo e! Bagay lang naman ang sabi ko," depensa nito sa sarili. "Cobie 'yong name nung kasama no'ng poging binata na sinasabi ko. Search natin mamaya!" bulong nito bago ako hinila sa papuntang bookstore na naging dahilan para ikinailing-iling ko na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD