Chapter 56

2453 Words

Naningkit ang mga mata ko habang pinapanood sila mula sa malayo. Nanigas ako sa kinakatayuan ko na tila ba'y hindi ko magawang ihakbang ang paa ko dahil sa nakita at sa mga katanungang sa isip ko. I was about to step forward to cross the street when I heard Ate Lara's voice. “Isa, let's go!” Napalingon ako sa likod kung saan nanggagaling ang boses at hindi nga ako nagkamali nang bumungad sa akin si Ate Lara. Nakatayo siya sa harap ng isang van na nakaparada sa tapat ng gusali, hinihintay ako. Ilang distansya lamang ang pagitan namin kaya naman rinig ko kaagad ang boses niya. Muli kong binaling ang tingin sa coffee shop kung saan ko nakita si Momma at Tita Sheena ngunit nang tumingin ako sa pwesto nila kanina, kahit isa sa kanila ay wala na roon. Automatikong nagsalubong ang kilay ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD