“Mom,” Keon look at the girl beside me. Hinalikan pa nito ito sa pisngi bago lumingon sa akin. “Luisa,” tawag niya rin sa akin. Nanatili akong nakatayo sa kinatatayuan ko at naalis na lamang ang tingin ko roon sa babae nang marinig kong tawagin niya ang pangalan ko. Puno nang pagtataka ang nasa mukha ko nang salitan ko silang tinignan at doon ko lamang napagtantong magkamukha sila na dahilan para mas magulat ako at matawa naman si Keon. Mom? Ibigsabihin… “She’s my mom,” nakangiting pagpapakilala ni Keon sa Mommy niya. Mas lalong nanlaki ang mata ko nang sabihin niya ‘yon habang ang Mommy niya naman ay matamis na nakangiti sa akin. Hindi ako nakapagsalita, hindi pa rin makapaniwala. Napakaliit nga naman ng mundo na sa kinadami-dami ng mahihiraman ko ng napkin eh ang Mommy pa ni Ke

