Nang marinig ang sinabi ni Manang Tesa, mas lalong nagsalubong ang kilay ko. I felt worried and angier at the same time. Me and Momma taking care for each other for almost 15 years. At sa loob ng labinglimang taon na ‘yon ngayon lamang si Momma nagsinungaling sa akin maliban sa pagtago niya ng katotohanang kailangan ko namang malaman. Tumango-tango ako kay Manang Tesa bilang pagsang-ayon. Hindi ko binanggit na wala akong alam sa sinasabi niya. Hindi na ako nagtanong muli. “Sige po. Maraming salamat po,” paalam ko rito bago ako tumalikod at mabilis na naglakad palabas ng street at magtungo sa paradahan para mag-commute. Ramdam na ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko dahil sa pag-aalala at pag-iisip kung nasaan si Momma. Hindi basta-bastang aalis si Momma sa bahay nang hindi ako s

