“Did you slept well last night?” rinig kong tanong ni Ate Lara habang nasa camera ko ang atensyon ko. Kasalukuyan akong nasa sala sa hotel room namin at kinukuhaan ang mga gusaling natatanaw ko rito, ng litrato. Maaga akong nagising kanina dahil sa labis na tuwa na gumising ako na nasa Singapore. Kagabi, pagkatapos kong makita sina Ate Abbie at Kuya Thwer at kuhaan ng napakaraming litrato, ginising ko rin sila para makapagpahinga sa mga kwarto nila. Baka kasi ay maabutan ni Ate Lara at magalit, bitter pa naman ang isang ‘yon. “Yes,” I answered. Binaba ko ang camera mula sa mukha ko at inikot ang tingin kay Ate Lara. She’s doing her makeup, especially her eyelashes. Kanina pa siya pabalik-balik sa kwarto niya at lalabas na naman para ayusin sa sala. “Abbie, can you help me with this?”

