Pagkatapos ng dinner, hinatid na kami ni Ate Lara sa bahay at bumalik muna sa condo niya upang kunin ang mga gamit saka ulit bumalik upang sunduin ako. “Momma, ayaw mo ba talagang sumama? Ate Lara invited you,” sambit ko habang tinutulungan si Momma na mag-impake ng mga gamit ko. Bumuntong hininga siya at lumingon sa akin. “Luisa, sabi ko naman sa ‘yo na maraming gagawin at aasikasuhin sa shop ngayon lalo na’t weekend,” tugon niya saka ibinalik ang tingin sa maletang nakapatong sa kama na may mga nakatabing iilan pang damit na isisingit pa sa loob. This past few days, masyado na siyang abala sa shop kung saan siya nagtatrabaho. Sa bake shop nagta-trabaho si Momma at na-promote lang siya nitong nakaraang taon bilang manager kaya naman halos overtime ang pasok niya dahil kailangan siya

