“Bakit ganyan po ang mga mukha niyo?” nakangiti ngunit nagtataka kong tanong sa kanila. Humakbang pa ako ng ilang hakbang hanggang sa tumabi ako kay Momma kaya naman ay nakaharap na rin ako sa babae at kay Farra na halatang kabado. Labis akong nagtaka roon. Ngayon ko lang yata nakita si Farra ng ganoon. Salitan akong tumingin kay Momma at doon sa babaeng nakita ko nitong mga nakaraang araw. Kahit saang anggulo talaga titignan ay magkamukha talaga kaming dalawa at ni... Farra. Hindi ko alam kung namamalikmata ako ngunit base sa nakikita ko, ‘yon ang nasisilayan at nakikita ng mga mata ko. Pinagmasdan ko silang dalawa at doon natukoy ang isa pang kamukha ng babae na hindi ko matukot noon na ngayon ay nalaman ko na at iyon ay walang iba kung hindi si Farra. Sa ilang taon naming magka

