“Tanga, hindi tayo talo, Semenes.” Tumawa ako at kumuha ng isang piraso sa binili namang crackers ni Andrei at kinain iyon. Kumuha pa ako ng tissue para punasan ang dumikit na cheese na siyang flavor ng kinakain namin. “Bakit hindi? Ayaw mo bang magka-boyfriend ng gwapo?” tanong niya kaya naman napalingon ako sa kanya at tinignan siya na tila ba nandidiri ako sa sinabi niya. “Kung magbo-boyfriend lang din naman ako, huwag ka na. Sawa na ako sa pagmumukha mo,” tugon ko rito na kinasama ng tingin niya sa akin sabay na ngumuso dahil sa naging response ko. “Ang sama mo sa 'kin. Mabait naman ako ah.” “Noong hindi pa uso ang mga tao?” “Luisa!” parang bata niyang sigaw sabay na tumingin sa akin ng masama na kaunti na lang ay susugurin na niya ako. Tumawa ako ng malakas dahil sa naging

