Automatiko akong napaupo pagkatapos niyang sabihin ‘yon. My eyes widened and look at him. Nanatili siyang nakatingin sa taas at seryoso lamang na pinapanood ang mga bituin na unti-unti na ring naglalaho sa langit. “What?” gulat at hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya, sinisiguradong tama ang aking narinig mula mismo sa kanya. Nagpakawala siya nang buntong hininga bago ibinaba ang ulo. Tinuon niya ang tingin niya sa mesang nasa harap namin bago tinuloy ang sinabi niya kanina lamang. “I found out that my Dad was cheating on my mom when I was ten years old. My friends invited me to hang-out and unexpectedly, I saw my dad with another girl. His ex-girlfriend. First love niya ‘yon. Magkakilala na sila since high school kaya nga high school lovers sila. Si Daddy at Mommy kasi, they met

