Hindi ko na natapos ang binabasa ko nang marinig ko ang boses ni Momma na papasok na. “Luisa, nandito na ang Ate Lara mo,” rinig kong anunsiyo ni Momma. Mabilis kong hinablot ang bag at phone ko bago naglakad patungong labas. Nakasalubong ko pa si Momma. “Maghuhugas lang ako ng kamay.” Nagmamadali siyang pumasok ng bahay habang ako naman ay nilagay ang phone sa shoulder bag ko habang naglalakad kaya naman nasabay na rin iyong hawak kong papel. Dumeritso ako hanggang sa makalabas ako ng gate. Bumungad sa akin si Ate Lara na nasa loob ng kotse. Nakababa ang bintana nito at nakasilip naman siya. “Good morning,” bati niya nang tuluyan akong makalapit. Binuksan ko ang pinto ng passenger seat. “Magandang umaga rin,” sambit ko sabay na pumasok sa loob. Inayos ko ang upo ko doon bago isi

