Chapter 23

1664 Words

Nanigas ako sa kinakatayuan ko nang marinig ko iyon kay Kuya Luis na nakatayo sa glass wall at nag-aayos ng tie niya. Kumunot ang noo ko. Iiwan ako ni Momma? Bakit? “Am I right—” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang lumingon sa gawi ko at ako ang nakita. Mabilis akong ngumiti at kagaya kanina, inangat kong muli ang hawak kong box ng cupcake, umaakto na tila walang narinig mula sa kanya. “Nagdala po ako ng cupcakes!” Kagaya ng naging reaksyon ko, natigilan rin si Kuya Luis. Pati ang kamay niyang inaayos ang necktie niya ay tumigil rin nang makita ako. “Hindi ka nagsabing pupunta ka rito? Dapat sana pinasundo kita kay Thwer,” rinig kong sambit ni Ate Lara kaya naman nilingon ko siya. “Aish, don’t worry. Kaya ko namang mag-commute,” tugon ko. “I’ll just prepare the cupcakes.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD