*Raf's POV* Sobrang nagulat ako sa nangyari ngayon. Nagpatangay na lang ako sa paglabas namin ni Dionne sa labas ng bahay nila Gabrielle. Hinanap ko ang bahay na ito nila Gab at alam kong napakalaki ng kasalanan ko sa asawa ko, sa mahal ko pero kailangan ko maging ama sa anak namin ni Andrea. Hindi ko alam na mayroon pala kaming anak. Ang bilis ng pangyayari dahil kahit ang mga magulang ko ay nagtatanong na sa akin sa kung ano ang nangyayari pero hindi ko sila mabigyan ng sagot. May plano ako pero kailangan ko pang ayusin ang lahat. Si Ami. Gusto kong yakapin ang munti kong anghel kanina ngunit may kung anong pumipigil sa akin. "Hindi ka na sana nagpunta pa dito. Masaya na kami ni Gabrielle. Wala ka ng puwang sa bahay na ito." Sabi ni Dionne sa akin. Napalingon ako sa nagsalita. Isa

