*Raf's POV* 10 15 20 25 Minutes. Jesus, ano na ba ang nangyayari kay Gabrielle? Para akong hindi madumi na pusa sa kakaikot sa lobby ng hospital kung saan ko dinala si Gabrielle. Sumunod sa amin dito sa Ospital ang sinasabing Tita daw ni Gabbie, si Tita Lui, kasama niya ngayon si Ami sa maliit na chapel sa loob ng ospital na iyon. I breathe out a frustrated sigh while waiting. Nakamamatay maghintay. Parang hindi ko kakayanin pa. Naninikip ang dibdib ko habang hinihintay ang kung anumang resulta ng nangyari kay Gabrielle. Sana hindi ako nahuli ng pagdating. Mataman kong pinagmasdan ang mga gamot na ibinigay ng Tiyahin ni Gabbie sa akin pero sabi nito may isa daw gamot si Gabbie na hindi pamilyar sa kanya. Nakalagay naman siya sa lalagyanan ng vitamins pero ang capsule ng mga gam

