007
Y A K I R A
Naisipan kong dalhan ng pagkain si Sander sa office niya since kanina pa naman ako nababagot dito sa bahay. Siguro dapat tanggapin ko na yung trabahong inaalok ni dad sa akin dahil wala naman nang point para mag rebelde pa ako. Unti unti ko ng tinatanggap na wala na si Zachary. Siguro hindi pa ganun ko siya kalimot pero alam kong dadating din yung panahon na tuluyan ko nang matatanggap ang pagkawala niya. Hindi ko naman siya kailangan kalimutan dahil may mga bagay talaga sa mundo na hinding hindi mo na mabubura sa isip mo pero ang kailangan kong gawin ay ang tanggapin ng lubusan ang katotohanang ang mga yun ay hindi ko na ulit maibabalik. Isa na lamang iyong ala-ala. Isang napaka gandang ala-ala. Napangiti ako at inilabas ang phone ko kung saan naka save ang lahat ng mga litrato namin ni Zach. Sandali ko iyong pinag masdan bago ko maisipang isa isa iyong burahin. Ayokong pag nakita pa yun ni Sander ay masaktan ko nanaman siya. Ayoko ng mag dagdag ng kasalanan sa kanya. He's a good man at dapat maging mabuting girlfriend din ako sa kanya.
Naligo lang ako sandali bago naisipang mag grab na lang. Baka kasi sumabay na lang ako kay Sander sa pag uwi kaya ayokong mag dala ng sasakyan tyka nasanay na din naman akong kapag sa kanya ako pupunta ay hindi talaga ako nag dadala ng sasakyan.
Napangiti ako habang nasa biyahe. I'm sure matutuwa yun pag nakita ako. Naiimagine ko na agad yung hitsura niya. Siguro magugulat yun dahil hindi ko naman talaga gawaing pumunta sa opisina niya. Hindi ko siya sinabihang pupunta ako dahil gusto ko sanang isurprise siya. Pag dating sa building ng company nila ay agad akong binati ng mga taong nasa lobby nginitian ko lang sila. Nagulat pa nga yung iba kasi kapag pumupunta ako dito paminsan minsan tinatarayan ko talaga sila or ini-snob. Dumiretsyo ako sa 7th floor kung nasaan ang opisina niya. Agad napatayo ang sekretarya niya pagkakita sa akin.
"Ma'am Yakira!" Gulat na bulalas nito. Ngumiti ako at sumignal na wag siyang maingay dahil baka marinig siya ni Sander na nasa loob ng kanyang opisina. Nasa may labas lang ng opisina niya ang table ng sekretarya niya kaya pwede nya talaga itong marinig.
Dahan dahan kong pinihit ang doorknob at nakangiting tinulak iyon pabukas. Agad nawala ang ngiti sa mga labi ko at na nabitawan ko ang dala dala kong paper bag na may lamang pagkain para kay Sander. Sabay na napatingin sa akin si Sander at ang kahalikan niyang babae. Mabilis na itinulak ni Sander si Stella palayo sa kanya.
"You b***h!" Dali dali akong lumapit sa pwesto nila at walang pasabing hinila ang buhok ng malanding babae.
Kung akala niya mag wawalkout ako at hahayaan silang dalawa nag kakamali siyang bruha siya! Saksakan siya ng landi! Lahat talaga gagawin niya para lang maakit si Sander pwes hinding hindi ako papayag na mangyari yun. Malakas na isinubsob ko siya sa table ni Sander habang si Sander naman ay pinipigilan ako sa ginagawa ko sa babae niya.
Humarap ako sa kanya habang hawak hawak padin ang buhok ng gaga na nakasubsob ngayon sa table ni Sander.
"Subukan mong makialam Sander!" Banta ko sa kanya. Agad siyang napaatras sa sinabi ko.
"Let me-- ahhh! Goo!"
"Ikaw babae, pipili ka ng kakantiin mo ah dahil pag ako tuluyang napikon sayo hindi lang yan ang aabutin mo!" Inis na binitawan ko siya at ang gaga nag mamadaling lumabas ng opisina ni Sander na may gulo gulong buhok. Nakita kong sumilip ang sekretarya ni Samder mula sa nakabukas na pinto kaya agad kong binalingan si Sander.
"Close the damn door!" Sigaw ko sa inis na inis na tono. Dali daling kumilos naman si Sander upang isarado ang pinto na halatang takot na takot sa maari kong gawin sa kanya once na hindi siya nakinig sa sinabi ko.
"Explain!" Iritang sabi ko. Napaigtad siya nang hampasin ko ang table niya. Lumapit siya sa akin na halatang kabadong kabado pa pero agad ko siyang pinigilan.
"Oopps! Wag na wag kang lalapit sa akin hanggat hindi ako na sasatisfied sa explanation mo." Agad naman siyang huminto. Gusto kong matawa dahil para siyang batang musmos na takot mapalo pero nabubwisit ako kapag naalala ko yung naabutan ko kanina. Magkadikit lang naman yung labi nila kanina sinong hindi mag iinit ang ulo di ba?
Naupo ako sa table niya at tinaasan siya ng kilay.
"Anong hinihintay mo? Explain!"
Napakamot siya sa batok niya na halatang kinakabahan. Kilala ko si Sander mula nung highschool at talagang kilala siya sa pagiging playboy pero mula nang maging malapit kami sa isat isa hindi ko na ulit siya nakitang nakipag landian sa kung sino sinong babae kaya alam kong wala naman talaga siyang kasalanan sa naabutan ko kanina kaya lang nag iinit talaga ang ulo ko pag naalala ko ang nakita ko kanina kaya kahit alam kong wala siyang kasalanan ay nabubwisit ako sa kanya.
"What now Sander Castillo?"
"Babe.." Hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag yung naabutan ko kanina kaya mas lalo akong nainis. Binato ko sa kanya ang mga papel na nasa lamesa niya. Wala na akong pake kung importante pa yun. Nabubwisit talaga ako dito sa lalaking ito.
"Babe!" Nagulat siya sa ginawa ko at mabilis na lumapit sa pwesto ko para pigilan ako sa ginagawa ko. Mahigpit niya akong niyakap upang pakalmahin ako at sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na lamang akong napahikbi. Naiinis ako! Naiinis ako ng sobra dahil wala man lang siyang masabing rason sa akin. Nakakainis siya!
"Bwisit ka! Sinungaling ka! Akala ko pa naman nag bago ka na! Niloloko mo na agad ako bwisit ka!" Humihikbing sabi ko habang nakayakap pa din siya sa akin.
"Babe that's not true.. I will never do that to you. Maniwala ka sa akin dahil ikaw lang ang mahal ko and there had never been any woman other than you Kira. Ikaw lang ang gusto ko mula pa nuon at alam mo yun hindi ba? Ikaw lang Kira walang iba, mula nuon hanggang ngayon."
Dahan dahang humupa ang inis sa dibdib ko. Dahan dahan akong nag angat ng tingin kay Sander. I held his face as I wrapped my arms around his waist.
"You sure?" I said pouting that made him smile.
"Damn woman you're making me crazy.." Sabi niya bago niya ilapit ang mukha niya sa akin upang bigyan ako ng isang napakatamis na halik. Pinulupot ko ang mga braso ko sa batok niya habang hinahalikan niya ako. Sinagot ko ang mga matatamis na halik niya ng may parehong intensidad.
Bakit kapag hinahalikan ako ni Sander ay nawawala na ako ng kontrol sa sarili ko. Siguro nga malalim na din ang nararamdaman ko sa kanya hindi ko lang agad naamin sa sarili ko dahil nabulag ako sa sobrang pag mamahal kay Zach. Bakit hindi ko kaagad nakita na nandito lang si Sander? Hindi na sana kami parehong nasaktan ng matagal na panahon.
"Sir tapos--" Natigilan sa pag pasok ang sekretarya ni Sander nang madatnan kaming nag hahalikan ni Sander. Agad kong naisubsob ang mukha ko sa dibdib ni Sander sa sobrang pagkapahiya.
"I'm sorry sir." Agad na sabi ng sekretarya niya.
"It's okay. Tawagin na lang kita mamaya." Sabi ni Sander. Hindi ko na narinig na sumagot ang sekretarya niya at ang tanging narinig ko na lang ay ang pag sara ng pinto ng office ni Sander.
Agad kong pinalo sa dibdib niya si Sander.
"Ouch! Para saan yun?" Tanong niya. Inirapan ko siya at bumaba na sa table niya para maupo ng maayos sa kanyang sofa.
"Bakit ang ganda ng secretary mo?" Pairap na tanong ko. Agad na natawa siya nang tanongin ko yun.
"I don't know."
"Tsk! Kunwari ka pa. Siguradong pumili ka talaga ng maganda! Ikaw pa ba! Kala mo yata hindi ko alam kung gaano ka kababaero nuong high school eh. Remember sa rooftop mo pa nga dinadala yung mga babae mo!"
"What? Nuon yun. Tapos na yun."
"Kahit na! Isang beses ko pang mahuling may ibang babae dito sa opisina mo malilintikan ka talaga sa akin Sander."
"Babe naman paano kung mga investor yung madatnan mo? Bawal pa din?"
"Pag iisipan ko."
"Babe naman!" Lumapit siya sa akin sa sofa at naupo sa tabi ko. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at dinala ang kamay ko sa kanyang labi. Binigyan niya iyon ng maliliit na halik.
"Ah basta! Ayokong mauulit yung naabutan ko kanina." Tumango siya at umayos nang pagkakaupo.
"I promise." Sabi niya habang nakataas ang isang kamay.
"Bakit ka nga pala napadaan dito? Miss mo na agad ako?" Pang aasar na tanong niya. Sinimangutan ko siya at napatingin sa paper bag na bitbit ko kanina na nasa lapag padin. Nabitawan ko nga pala yun nung maabutan ko silang nag hahalikan nung bruha. Napatingin din siya duon.
"Naisipan kong ipag luto ka ng lunch pero nasayang lang dahil dun sa babae mo." Sabi ko hanang nakanguso pa din.
"Really?" Tumayo siya sa kinauupuan niya at kinuha ang paper bag na nasa sahig. Inilapag niya iyon sa table at chineck kung maayos pa.
"Look, hindi naman natapon eh." Ngiting ngiting sabi niya habang itinataas pa ang tupperware na hawak.
Sinimulan na niyang buksan ang mga dala kong pagkain. Pinagsaluhan namin ang mga niluto ko at sandali muna kaming nag kwentuhan pagkatapos kumain. Iniligpit ko na ang mga pinagkainan namin habang siya naman ay bumalik na sa kanyang trabaho. Nag stay ako sa opisina niya dahil napag desisyonan naming sabay na umuwi para makapag dinner din kami sa labas bago niya ako ihatid sa bahay.
S A M U E L
"Y-Yaki.. Yakila? Ya-Yakira.." pilit kong inaalala ang pangalan ng babaeng palaging nasa panaginip ko.
Hindi ako sigurado kung yun nga ba talaga ang pangalan niya dahil pag nagigising ako bigla na lang nagiging malabo sa memorya ko yung mga napanaginipan ko. Hindi ko alam kung bakit patuloy akong nagkakaruon ng ganung panaginip. Sinubukan ko ng tanongin sila nanay pero ang sabi nila baka daw epekto lang yun nang pagakakabagok ng ulo ko nuon. Nag karuon kasi ako ng aksidente nuon at napuruhan ang ulo ko kaya hirap akong makaalala. Miski nga sila nanay at tatay ay nakalimutan ko. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung sino nga ba talaga ako nuong bago ako maaksidente. Para kasing may mali sa pagkatao ko.. pakiramdam ko hindi ako ito. Hindi ko alam pero mula nang magising ako mula sa aksidente wala na akong maalala sa nakaraan ko at palagi na akong nakakapanaginip ng kung ano anong bagay na nakakalimutan ko din naman kapag nagigising ako. Naisip ko nun na baka yun yung mga nabura kong ala-ala pero bakit parang ibang tao ako sa mga panaginip na yun?
"Ano?" Nakangiting lumapit sa akin si Kristine.
"Huh?"
"May sinasabi ka. Yakira ba yun?"
"Wala yun." Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nilapitan siya. Hinapit ko siya sa bewang at hinalikan sa nuo.
"May surpresa ako sayo." Nakangiting sabi ko.
"Talaga ano yun?" Namumula ang pisngeng tanong niya. Hinawakan ko ang mukha niya at hinaplos iyon.
"Nakaipon na ako ng sapat na pera at pwede na tayong pumasyal sa maynila."
Biglang nag bago ang expression ng mukha niya sa binalita ko kaya agad na kumunot ang nuo ko.
"Bakit? Hindi ka ba masaya?" Takang tanong ko.
"Hindi sa ganun."
"Eh bakit parang hindi ka natuwa sa balita ko?"
"Iniisip ko lang kasi masyadong malaking halaga ang kailangan natin sa pagpapakasal at hindi din biro ang pamasahe pamaynila. Kailangan pa nating sumakay ng barko para lang makarating duon at napaka mahal ng pamasahe sa barko."
"Alam ko yun mahal ko pero minsan lang naman ito eh. Minsan lang kita maipapasyal sa maynila. Tyka pinag ipunan ko talaga ito dahil gusto kong maidate ka naman sa maynila hindi yung palagi na lang tayong nag dadate sa karindirya ni Aleng Iskang. Mahal ko, wag kang manghinayang sa pera dahil pera lang yan ang mahalaga sa akin ay ang mapasaya ka. Yun lang at masaya na ako."
Unti unting sumilay ang isang napaka tamis na ngiti sa kanyang mga labi. Ang mga ngiting minahal ko sa kanya.