006
S A M U E L
"Mahal." Biglang may brasong pumulupot sa katawan ko habang nag luluto ako. Napangiti ako at agad na humarap sa napaka lambing kong girlfriend. Hinawakan ko ang pisnge niya at inangat upang mahalikan ko siya sa kanyang mga labi.
"Kamusta mahal?" Tanong ko pagkatapos ko siyang halikan. Agad na namula ang pisnge niya sa ginawa kong pag halik sa kanya. Ito kasi ang unang beses na hindi kami nagkita ng isang lingo. Galing kasi siyang maynila at may inasikaso siyang papeles duon para matuloy na ang pag papakasal naming dalawa. Hindi ko naman siya masamahan dahil kailangan kong bantayan si nanay dito. Baka kasi kung anong mangyari sa kanya kapag iniwan ko siyang mag isa kaya naisipan ni Kristine na siya na lang ang mag ayos ng papeles namin.
Apat na taon na kami ni Kristine pero hanggang ngayon ay nahihiya pa din siya kapag hinahalikan ko siya sa labi niya. Ewan ko ba. Pakiramdam ko isang normal na bagay lamang iyon na ginagawa ng magkasintahan pero dito kasi sa probinsya namin sobrang konserbatibo ng mga babae. Kaya wala din akong magawa kundi ang igalang ang paniniwala nilang kasal muna bago ang pagtatalik. Kaya nga gusto ko na ding madaliin ang kasal namin ni Kristine. Ewan ko ba. Siguro dahil lalaki lang ako na may pangangailangan din at hindi ko na din kasi minsan mapigilan ang sarili ko kapag hinahalikan ko siya.
Wala na din naman akong ibang babaeng gustong pakasalan kung hindi si Kristine kaya bakit hindi pa kami mag pakasal di ba? Mahal na mahal ko si Kristine higit pa sa buhay ko kaya alam kong siya na nga talaga hanggang sa huli. Itinaas ko ang mukha niya nang tumungo siya dahil sa pagkailang. Kahit ilang beses ko na siyang nahalikan ay hanggang ngayon hindi pa din siya nasasanay at naiilang pa din siya. Ito ang bagay na nagustuhan ko sa kanya yung pagiging inosente niya sa lahat ng bagay.
"Mag papakasal na tayo pero hanggang ngayon naiilang ka pa din? Baka mamaya hindi mo na ako mabigyan ng anak niyan." Pabirong sabi ko. Mahina niyang sinuntok ang dibdib ko at tyka muling yumakap ng mahigpit.
"Ikaw talaga!"
"Matutuloy na ang kasal natin." Sabi ko habang nakasubsob ang mukha niya sa dibdib ko.
"Hindi na ako makapag hintay na ikasal sayo."
"Talaga?"
Tumango siya habang nakasubsob pa din ang mukha sa dibdib ko.
"Edi mag advance na lang tayo?"
"Huh?" Takang tanong niya.
"I-advance na natin yung honeymoon. Pwede ba?" Hirit ko pero agad naman niya akong kinurot sa tagiliran.
"Ikaw talaga, napaka pilyo mo. Hindi pa pwede. Magagalit si inay sakin." Aniya.
"Sino ba may sabing sasabihin natin sa kanya."
Biglang sumeryoso yung mukha niya at tumingin sa akin ng diretsyo.
"Gusto mo na ba talaga?" Tanong niya ng may seryosong tingin.
Yumakap ako sa kanya.
"Kung mag papakatotoo ako sayo ngayon, gusto ko talaga pero alam kong hindi ka pa handa kaya rerespetuhin ko ang desisyon mo. Mahal na mahal kita at iyon ang mas importante sa akin ngayon." Sabi ko sabay dampi ng halik sa kanyang nuo.
"Mahal na mahal din kita." Sabi niya.
Humigpit ang yakap ko sa kanya nang biglang may kumirot sa ulo ko. Agad siyang humiwalay sa pagkakayakap ko at tinitigan ako na para bang sinusuri kung anong nangyari sa akin. Naramdaman niya din siguro na may nararamdaman ako. Hindi ko na natiis ang sakit at napahawak na ako sa ulo ko. Mahigpit akong napasabunot sa buhok ko nang hindi matanggal ang sakit na nararamdaman ko. Agad na nataranta si Kristine. Hinawakan niya ako sa kamay.
"Mahal? Mahal ayos ka lang ba?" Tanong niya. Hindi ko na magawang sagutin ang tanong niya dahil sa tindi ng nararamdaman kong sakit sa ulo ko. Napaluhod na ako sa sahig habang hawak hawak ang aking sintido.
"Mahal!" Napatili siya nang bumagsak ako sa sahig. Nag madali siyang tawagin si nanay hanggang sa unti unti nang nag dilim ang paningin ko.
"Ilang araw ka mawawala?" Tanong sa akin ng isang magandang babae na hindi ko kilala. Bigla ko siyang niyakap mula sa likod at hinalikan sa pisnge. Nakasimangot siya kaya pinaharap ko siya sa akin para halikan siya sa labi.
"Babalik din ako. Pangako." Sabi ko pagkatapos ko siyang halikan sa labi ng ilang segundo. Unti unti na siyang ngumiti at yumakap sa bewang ko.
"I'll miss you." Aniya habang nakayakap sa akin at nakasubsob ang mukha sa dibdib ko.
"Wag ka namang ganyan baka hindi na ako makaalis nyan kapag ganyan ka." Sabi ko.
"Babalik ka ha? Wag na wag kang mag bababae dun!" Sabi niya nang nakanguso habang hindi ko naman napigilan ang mapangiti sa pagiging selosa niya.
"Pag balik ko ba pag bibigyan mo na ako?" Pilyong sabi ko. Kinurot niya ako sa tenga at pabirong sinuntok sa dibdib.
"Ikaw talaga. Napaka pilyo mo. Sabing kasal muna di ba?"
"Oo na po. Alam ko naman po yun." hinatak ko ulit siya palapit sa akin at hinalikan siya sa labi.
"I love you."
"I love you too."
Nag dilat ako ng mata at ang una kong nasilayan ay ang kisame ng aming bahay. Sandali kong pinag adjust ang mga mata ko sa liwanag bago ko iginala ang paningin ko. Una kong nakita si nanay na nasa tabi ko at nasa likod naman niya si Kristine at parehong nag aalala ang hitsura ng mga mukha nila.
"Anak! Jusko salamat sa dyos nagising ka na din."
"Mahal, Kamusta na ang pakiramdam mo? Sumasakit pa din ba ang ulo mo?" Tanong ni Kristine. Iling lang ang naisagot ko.
Hindi ko matandaan kung para saan yung napanaginipan kong yun kanina. Sino ang babaeng iyon? Bakit ako nag sabi ng I love you sa kanya at bakit parang mahal na mahal ko siya sa panaginip ko. Madalas na ako managinip nuon pero hindi iyon ganun kalinaw. Ngayon malinaw na malinaw na ang bawat pangyayari at kitang kita ko na ang mukha ng babaeng laman ng mga panaginip ko at sigurado akong hindi si Kristine ang babaeng yun pero sino siya?
Y A K I R A
"Sandy gising naaaa." Marahan ko siyang tinapik sa braso pero ang loko tulog na tulog pa din. Isang beses ko pa siyang tinapik pero hindi pa din umubra. Mukhang puyat na puyat ang loko ah. Kanina ko pa siya ginigising pero hanggang ngayon tulog mantika pa din. Hindi ko napigilang mapatitig sa mukha niya habang payapang payapa siyang natutulog. Ang gwapo gwapo talaga nitong si Sander bakit ba hindi ko agad napansin yun? Hmm. Kaya madaming nalolokong babae eh. Tsk! Subukan niya lang gawin sa akin yung mga ginagawa niya sa mga babae niya naku! Malilintikan talaga siya sa akin. Dumapa ako sa tabi niya at hindi nakatiis na dinampian siya ng isang mabilis na halik sa labi pero laking gulat ko nang maramdaman kong gumalaw ang labi niya. Hihiwalay na sana ako pero agad niyang nahawakan ang batok ko at mas diniin pa lalo ang halik. Wala sa sariling sinabayan ko na lang din ang halik niya hanggang sa pareho kaming maubusan nang hininga. Nag hiwalay ang mga labi namin at tumitig lang siya sa akin.
"I love you." Aniya. I smiled as I held his face.
"I love you too."
Hinatak niya ako sa tabi niya at binalot ako ng yakap. Napatili ako nang bahagya niyang kilitiin ang tagiliran ko.
"Kanina pa kita ginigising." Naka labing sabi ko.
"Nag luto ako ng almusal natin pero ayaw mo naman gumising. Baka lumamig na yun." Sabi ko pa pero mas lalo lamang niya akong niyakap ng mahigpit. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya.
"Sorry. Ngayon lang ako nag babawi ng tulog. Hindi ako nakatulog ng maayos nitong mga huling araw." Sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko. Tumingala ako sa kanya.
"Bakit naman?"
"Do you really want to know why?"
"Dahil sa akin?"
Ngumiti lang siya at hinalikan ako sa ilong. Niyakap ko siya ng mahigpit nang makaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Lagi ko na lang siyang sinasaktan at pinapahirapan pero nandito pa din siya sa tabi ko at hindi ako iniiwan.
"Sorry.." Mahinang sabi ko.
Tumawa siya na ikinakunot ng nuo ko. Wala naman kasing nakakatawa.
"Bakit ka tumatawa dyan?"
"Nothing." Aniya habang umiiling.
"Ang weird mo."
"I know."
"Halika na kumain na nga tayo! Hindi kita magets dyan." Sabi ko at aamba na sanang bumangon nang hilahin niya ulit ako pahiga at muling balutin ng yakap.
"Where do you think you're going miss?"
"Kakain po. Gutom na ako eh." Lumabi ako.
"Sige pero kiss mo muna ako."
"Smack lang ah."
"Yes." Ngumiti ako at binigyan siya ng isang mabilis na halik sa labi bago siya hinila palabas ng kwarto niya papunta sa kusina.
"Hmm ambango naman." Agad na sabi niya pag dating namin sa kusina.
"Kunwari ka pa. Bolero." Sabi ko habang umuupo siya. Sabay kaming kumain at pagkatapos ay hinatid na niya ako sa bahay namin dahil may pasok pa siya sa trabaho niya. Late na nga siya pero dahil siya naman ang boss kaya okay lang. Hindi din naman nagagalit sila nanay pag hinahatid ako ni Sander sa bahay ng umaga dahil nasanay na din naman sila na kay Sander ako natutulog ng madalas. Nung una palagi kaming pinag sasabihan ni nanay dahil panget daw tignan na nakikitulog ako sa condo ni Sander pero dahil matigas ang ulo ko wala na lang nagawa si nanay.
Si Sander yung tipo ng tao na hindi ka lang basta ihahatid sa inyo at aalis na agad. Siya yung lalaki na babati muna sa mga kasama mo sa bahay bago mag paalam. Kaya nga siya nagustuhan agad ni nanay. Ewan ko kung anong nangyari sa lalaking ito. Bigla na lang naging mabait. Dati naman napaka sama ng ugali nito. Hmmm.
"Good morning po tita." Nag mano siya kay nanay nang maabutan namin ito sa sala.
"Oh Sander hijo, kumain ka na ba?" Agad na tanong ni nanay.
"Tapos na po tita. Pinag luto ho ako ni Kira."
Lumipat ang tingin ni nanay sa akin at nag pabalik balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Sander nang mapansing magkahawak kamay kami.
"Kayo bang dalawa ay mag kasintahan na?" Tanong ni nanay. Lumapad ang ngiti ni Sander at mas humigpit ang hawak sa kamay ko.
"Opo tita. Finally." Natatawang sabi ni Sander.
"Congratulation dude!" Nagulat kami nang biglang sumingit si kuya Caleb sa usapan.
"Salamat man!" Ani Sander.
"Finally natauhan din tong kapatid ko." Sabi ni Caleb sabay pitik sa nuo ko.
"Aray!" Inis na sabi ko.
"Hoy ikaw, tumino ka na ah." Sabi pa niya. Inirapan ko lang siya at humarap kay Sander.
"Di ba may pasok ka pa? Pumasok ka na baka malate ka pa." Sabi ko. Tumango siya at nag paalam na kela nanay at kuya bago ko siya sinamahan sa may labas ng bahay.
Nag paalam na siya sa akin at humiling pa ng isang kiss bago tuluyang umalis. Tsk. Napangiti na lang ako habang pinag mamasdan ang sasakyan niyang unti unting nag lalaho sa paningin ko.