005
Y A K I R A
Naalimpungatan ako sa ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto ko. Napahawak ako sa ulo ko nang bigla itong kumirot. Aish! Mukhang napadami na naman yata ako ng inom. Ni hindi ko na nga alam kung sino ang nag hatid sa akin dito sa bahay. Ang huling naaalala ko lang may nakausap akong lalaki tapos binigyan niya ako ng panyo pero bukod dun wala na akong maalala. Hindi naman masakit ang katawan ko kaya sigurado naman akong walang nangyaring masama sa akin. Bumangon ako kahit parang umiikot pa yung paningin ko.
"Kira lumabas ka dyan! Mag usap tayo!"
"Hija, huminahon ka.. Ako na ang kakausap sa kanya."
Nag salubong ang kilay ko nang marinig ko ang boses ni Alianna at ni nanay. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at nagulat na lang ako nang bigla akong salubungin ng isang malakas na sampal ni Alianna. Napahawak ako sa parte ng pisnge ko na sinampal niya. Nag init kaagad ang dugo ko sa ginawa niya kaya mabilis ko siyang ginantihan. Binigyan ko din siya ng isang malakas na sampal. Agad na pumagitna sa amin ang nanay.
"How dare you b***h?!" Sabi ko habang sapusapo niya ang pisnge niya.
"Malandi ka talaga! Pati ba naman kami ni Stephen balak mong sirain?" Aniya na parang galit na galit.
"What the fvck?!"
"Wag kanang mag akila! May nakakita sa inyo kagabi! Wala ka na ba talagang delakadesa? Pati ba naman ang boyfriend ko aahasin mo?"
"What the fvck are you talking about?"
"Kira, tinuring kitang kaibigan! Bakit kailangan mong gawin ito? Akala mo hindi ko alam ang ginawa mong pang aahas sa boyfriend ni Kim at ngayon naman sa boyfriend ko? Ano pa Kira? Sino pa ang isusunod mo? Yung nanliligaw kay Louise? Bakit kailangan mong gawin samin ito? Ano bang kasalanan namin sayo at pinapasakitan mo kami ng ganito? Naiinggit ka ba dahil masaya kami at ikaw miserable? Yun ba yun ha Kira?"
Tumikom ang palad ko sa sinabi niyang yun. Pinigilan kong may pumatak na luha mula sa mga mata ko. Alam kong sobrang miserable ng buhay ko pero hindi ko alam na mas masakit palang marinig ang salitang iyon sa ibang tao. Alam kong hindi na ako kagaya ng dati pero hindi ko naman yata kayang guluhin ang matatag na relasyon nilang dalawa ni Stephen. Yung boyfriend ni Kim nagawa kong ahasin dahil alam ko namang hindi iyon seryoso kay Kim pero si Stephen? Hinding hindi ko magagawang agawin siya kay Liah.. Kaibigan siya ni Zach at mahal na mahal siya ni Liah.
"Wala akong alam sa sinasabi mo. Makakaalis ka na."
"Yakira!" Agad na suway sa akin ni nanay.
"Hindi mo alam? Hindi mo na ngayon alam? Hindi mo na alam na inagaw mo ang boyfriend ni Kim? At hindi mo alam na nilandi mo si Stephen sa bar kagabi?" Naluluhang sabi ni Liah. Napailing iling na lang.
"Hindi ko na yun problema kung ayaw mong maniwala. Pwede ba? Bago ka sumugod sa akin kausapin mo muna yang boyfriend mo! Hindi yung sugod ka kagad mukha kang tanga." Sabi ko na balak na sana siyang talikuran pero mabilis akong nahawakan ni nanay sa braso at mabilis na binigyan ng isang malakas na sampal sa pisnge. Gulat na napahawak ako sa pisnge kong sinampal ni nanay. Mas malakas pa iyon sa sampal na natanggap ko kay Liah at di hamak na mas masakit ang dinulot nuon sa akin.
She's my mother, anak niya ako pero hindi siya sa akin naniniwala.
"Hindi kita tinuruang maging bastos Yakira!" Aniya. Inis na tinalikuran ko siya at padabog na sinaraduhan ng pinto.
Bwisit! Bwisit sila! Kung ayaw nila akong paniwalaan, edi wag! Bahala sila sa mga buhay nila! Lagi na lang ba ako yung masama dito? Palagi na lang ba ako yung sisisihin nila sa lahat? Palibhasa balewala lang sa kanila ang pagkawala ni Zachary. Palibhasa hindi sila ang nasaktan ng sobra nang mawala si Zach dahil hindi naman sila ang napangakuan at hindi naitupad. Ayoko na! Ayoko na talaga! Mag sama sama silang lahat kahit mag kampihan pa sila..
Biglang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Kinuha ko ang phone ko, balak ko sanang tawagan si Sander pero bigla kong naisip na tinaboy ko na nga pala siya. Lalo akong naiyak. Pakiramdam ko mag isa na lang talaga ako ngayon. Pakiramdam ko wala nang makakaintindi pa sa akin. Si Sander lang naman ang hindi napagod umintindi sa akin eh pero ngayong wala na pati siya mukhang ako na nga lang talaga mag isa.. Napahagulgol ako ng iyak habang nakaupo ako sa kama ko at yakap yakap ang aking mga tuhod.
"Yakira mag usap nga tayo." Sabi ni nanay nang lumabas ako sa kwarto ko.
"Masakit ang ulo ko, nay. Wag ngayon."
"Wala ka na ba talagang galang bata ka!" Galit na sigaw niya at hinawakan ng mahigpit ang braso ko.
"Nay masakit!" Sabi ko dahil totoo naman talagang mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Bakit ka ba nag kakaganyan ha Yakira? Hindi kita pinalaking ganyan kabastos! Alam kong nasaktan ka ng mawala si Zachary pero hindi naman yata tamang idamay mo ang mga kaibigan mo sa pag luluksa mo! Limang taon nang patay si Zachary! Tama na! Patihimikin mo na siya! Wag mong sirain ang buhay mo para sa taong hinding hindi na babalik sayo!"
"Bawiin niyo ang sinabi niyo nay. Hindi pa patay si Zach! Walang bangkay na nag patunay na patay na siya!" Parang otomatikong tumulo yung luha ko nang marinig ko ang pangalan ni Zachary.
"Kailan ka ba magigising sa katotohanan Yakira? Kung buhay pa si Zachary bakit hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik?"
"Bakit kayo ganyan?"
"Dapat ikaw ang mag tanong niyan sa sarili mo Kira. Bakit ka ganyan?! Paano mo nasikmurang ahasin ang kasintahan ng mga kaibigan mo? Bakit kailangan mong manira ng ibang tao? Sa tingin mo ba sa ginagawa mo maibabalik mo si Zachary? Hindi Kira! Alam kong mahirap tanggapin pero iyon ang katotohanan at kailangan mo yun tanggapin!"
"Napaka dali para sayong sabihin niyan dahil hindi mo ko naiiintindihan."
"Mali ka Kira. Naiiintindihan kita. Naging malapit din sa akin ang batang yun dahil simula nang mga bata pa kayo ay ako na ang nag alaga sa batang iyon kung tutuusin para ko na din siyang anak pero wala na siya eh. Wala na akong magagawa kaya tinaggap ko na lang."
Bakit ganun? Bakit lahat sila tanggap na samantalang ako naiwang nag luluksa. Umaasang babalik pa siya at tutuparin niya yung pangako niyang pakakasalan ako. Umiiyak na tumakbo ako pabalik sa kwarto ko. Sumalampak ako habang patuloy na umiiyak. Bakit ganito? Bakit ang sakit sakit pa din? Bakit ako lang yung nag kakaganitoooo? Bakit?! Ang hirap hirap mong pakawalan... Ang hirap hirap mong isuko pero baka nga tama silang lahat... Baka nga dapat tumigil na akong umasa dahil mas lalo lang akong masasaktan at hindi matatahimik kung aasa pa din akong babalik ka at tutuparin ang pangako mo sa akin. Pero kaya ko ba talaga? Kaya ba kitang kalimutan?
Pag kinalimutan ba kita? Magiging masaya ka na? Pag pinalaya ba kita matutuwa ka na? Palalayain mo din ba ako sa sakit? Patawarin mo ako kung hindi ko na matutupad yung pangako ko sayong hihintayin kita.. Kasi naman Zach eh. Ang sakit sakit na.. Sobrang sakit na. Hirap na hirap na ako. Gusto ko ng sumaya.. Gusto ko na ulit maramdaman yung maging masaya kasi parang nakalimutan ko na yung pakiramdam nun.
Nag punta ako sa party ni Stella kahit na wala akong kadate. Gusto ko lang talagang malibang. Nakapag desisyon na ako na hindi na ako aasa na babalik pa si Zach. Palalayain ko na siya at palalayain ko na din ang sarili ko sa sakit. Kailangan kong maging matatag. Hindi yun matutuwa kung magiging malungkot ako palagi kaya gagawin ko din ito para sa kanya. Hindi ko naman siguro siya kailangang makalimutan para maging masaya. Dahil imposible ko na siyang makalimutan pero ang mas tama kong gawin ay ang tanggapin sa puso ko ng maluwag na wala na siya at hindi na talaga babalik.
Nahinto ako sa pag iisip nang lumapit sa pwesto ko si Stella habang nakakawit ang kamay niya sa braso ni Sander. Biglang may kumirot sa may bandang dibdib ko nang makita ko silang magkasama. Bagay na bagay sila. Mukhang si Sander ang kinuha ni Stella na maging date ngayon sa sarili niyang partner. Bigla ko tuloy naisip. Ako dapat yan eh. Ako dapat ang kadate ni Sander.. pero bakit nga ba ako maiinggit eh ako naman ang tumaboy sa kanya palayo.
"Hello Yakira. Mabuti naman at nakapunta ka." Plastik na ngiting sabi ni Stella. Nginitian ko lang siya. Ewan ko ba. Wala ako sa mood makipag usap sa kanya parang nabubwisit ako sa kanya. Matagal naman na akong bwisit sa kanya peri parang mas lumala lang ngayon.
"Sandy baby pwede bang ihatid mo ko sa kwarto. Mag papalit lang ako ng shoes dahil medyo di ako komportble dito." malanding sabi niya kay Sander.
"Sure." Sagot naman nito. Talandi din naman pala. Bwisit.
Nang tatalikod na sila ay mabilis na humawak ako sa braso ni Sander. Pareho silang napatingin sa akin sa gulat. Gigil na tinanggal ko ang maduming kamay ni Stella sa braso ni Sander. Alam kong wala akong karapatang gawin yun pero hindi ako mag papaka hipokrita na hahayaan silang dalawa na mag landian kahit na nasasaktan na ako. Hindi ako martyr sorry siya.
"The fvck is your problem?!" Inis na sabi ni Stella.
"Taking what's really mine?" Patanong na sabi ko sabay tingin kay Sander ng seryoso. Tinaasan ko siya ng kilay nang hindi man lang siya nag salita at pinanuod niya lang akong makipag sagutan kay Stella.
"Ang kapal naman ng mukha mo b***h. Balita ko mula nang mamatay si Zach kung kanikanino ka na dumidikit para lang malunasayan yang kati mo pero buti na lang hindi pumapatol sa makakati itong si Sandy. Right Sandy?" aniya sabay pulupot ulit ng kamay sa braso ni Sander. Marahas ko uling tinanggal iyon.
"Isa pang lingkis mo dyan, puputulin ko na yang kamay mo!" Seryosong sabi ko. Sinamaan ko ng tingin si Sander nang makita kong ngumiti siya.
"Anong nginingiti ngiti mo dyan?!" Inis na sabi ko. Gustong gusto pa niya ang pag dikit ng linta na ito sa kanya.
"You b***h! Get out of my party!! Bakit ba may skwater na naimbitahan dito."
"At akala mo naman kawalan 'tong party mo. Muntik na nga akong mag padasal sa sobrang boring." Sabi ko at tinaasan siya ng kilay. Bakit naman ako mag papatalo sa bruhang 'to? Kung ganda lang ang basehan talo na siya dahil wala siya nun.
"This might be your party but this man here is fvcking mine. Got it? Let's go Sander!" Inis na hinila ko si Sander palabas ng party dahil kanina pa ako nabubwisit sa kanya na wala man lang siyang sinasabi at hinahayaan niya lang akong makipag away dun. Gusto niya yata yung babaeng yun eh. Pag labas namin sa venue ng party ni Stella ay binitawan ko na siya at padabog na tinalikuran siya nang mag salita siya.
"Oh lalayo ka nanaman?" Tanong niya nang seryoso muli akong humarap sa kanya.
"Bakit nandito ka? Bakit kayo ang magkadate ni Stella? Alam mong pupunta din ako dito bakit ka pumayag na maging date ni Stella? You know how much I hate that b***h!"
"To make you jealous." Seryosong sagot niya. Natigilan ako sandali sa sinabi niyang yun parang hindi maproseso ng utak ko yung sinabi niya.
"Ngayon Yakira, sabihin mo sa akin. Nag tagumpay ba ako sa plano ko? Nag seselos ka na ba ngayon?" Seryos pa ding tanong niya. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at hinila siya sa kuwelyo palapit sa akin. Dinampian ko ng isang halik ang kanyang labi bago ko sinagot ang tanong niya.
"Sobra." Maikling sinagot ko. Sandali siyang hindi nakaimik sa sinagot ko pero nang makabawi ay agad niya akong hinapit sa bewang at mariing siniil ng halik sa mga labi. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya habang patuloy kaming nag hahalikan.
Siguro nga tama silang lahat. Kung papalayain ko si Zachary sa puso ko magagawa ko ding makalaya sa kalungkutan. Gusto ko ng sumaya at alam kong si Sander lang ang makapag papasa sa akin mgayon. Siya lang. Hindi ko man maibigay sa kanya ang pag mamahal na ibinigay ko nuon kay Zach pero pinapangako ko na magiging tapat ako sa kanya at mamahalin ko siya ng tama gaya ng pag mamahal niya sa akin. Nag hiwalay ang mga labi namin ngunit magkadikit pa din ang mga ilong namin sa isat isa. Ngumiti siya kaya hindi ko na din naiwasang ngumiti. Kitang kita ko sa mga mata niya ngayon kung gaano siya kasaya at ganun din naman ako. Sa wakas naging malaya na din ang puso ko.