Chapter 4

1993 Words
004 Y A K I R A Nung araw na yun nag isip akong mabuti sa sinabi ni Caleb. Gawin ko ang tama.. Hindi ko kayang kalimutan si Zachary kaya siguro mas tama kung iiwas muna ako kay Sander hanggat hindi ko pa lubos na natatanggap ang nangyari kay Zach, hanggat si Zach pa din ang hinahanap ko hinding hindi ko matutugunan ang pag mamahal na binibigay sa akin ni Sander. Nakipag kita ako kay Sander sa paborito naming coffee shop. Ito yung madalas naming kainan nung college na kinalaunan ay naging paborito na naming meeting place. Inagahan ko ang punta sa shop dahil ayokong mauna si Sander. Ewan ko. Ayoko lang na mag hintay nanaman siya sa akin. Ayokong may masayang na naman siyang oras dahil sa akin. Wala akong kwentang tao para pag sayangan niya ng oras. Maya maya lang ay dumating na din naman agad si Sander. Nag taka pa nga siya nang makitang nauna pa ako sa kanya dito sa shop. Kiming ngumiti ako sa kanya. Umorder na muna kami ng makakain bago ko sabihin ang sasabihin ko. "Ano bang sasabihin mo? Kung tungkol sa party ni Stella sige pumapayag na akong maging date mo. Basta makipag hiwalay ka na sa mga lalaki mo. Sinabi ko na sayo--" "Sander.." Mahinang tawag ko sa pangalan niya para matigil siya sa pag sasalita. "Bakit ganyan ang mukha mo? May sakit ka ba?" Tanong niya sabay damdam sa nuo at leeg ko. Umiling ako. "Sander, I'm sorry." "Huh?" Naguguluhang tanong niya. Hindi ko na natigilan at bumagsak na lang ang mga luha mula sa mga mata ko. "I'm sorry, hindi ko pa kayang kalimutan si Zachary. Mahal kita pero hindi yun sapat dahil alam ko sa puso ko si Zachary pa din ang nangingibabaw. Pasensya ka na ha. Ginawa ko naman lahat eh. Ginawa ko lahat ng makakaya ko makalimutan lang siya pero hindi ko talaga kaya. Kahit anong gawin ko siya ang naiisip ko. Kahit nga pumikit ako siya pa din ang nakikita ko. Hindi ko talaga siya magawang kalimutan at ayokong maging selfish. Kung mag sstay ako sa tabi mo mas lalo lang kitang masasaktan at ayoko ng saktan ka--" "Hindi naman ako nag rereklamo." Singit niya pero agad akong umiling. "Hindi naman porket hindi ka nag rereklamo ay hindi ka na nasasaktan. Ayoko ng saktan ka. Hindi ko na kaya." "So lalayo ka? Iiwan mo ko?" Dahan dahan akong tumango. "Kung yun lang ang paraan para hindi ka na masaktan." Tumawa siya ng mapait para pigilan ang pag tulo ng mga luha sa mga mata niya. "Bakit ka ganyan Kira? Akala mo ba madali 'to para sa akin? Oo nasasaktan ako pero mas okay na yun. Mas okay nang ako kaysa ikaw! Hindi ko kayang mawala ka sa tabi ko! Nasanay na ako sa sakit kaya wag mo ng isipin yun, wala na sa akin yun. Ang mahalaga may mag aalaga sayo, ang mahalaga may titingin sayo. Kira, ito yung gusto ko. Ako ang pumili nito at kaya kong panindigan 'to." "Tama na Sander. Wag mo ng pahirapan ang sarili mo. Pangako magiging ayos ako. Patawarin mo ko." "Wag mo namang gawin sakin 'to Kira." Unti unting nagsibagsakan ang mga luha sa mga mata niya. "Ano pa bang kulang Kira? Lahat gagawin ko. Basta mag stay ka lang sa tabi ko. Please." "Ano ba Sander! Naririnig mo ba ang sarili mo? Hindi ikaw to! Hindi nag mamakaawa ang isang Sander Castillo sa isang babae. Wala akong kwenta. Kalimutan mo na ako!" Tumayo ako sa upuan ko pero mabilis na nahawakan niya ang kamay ko. "Pakiusap naman Yakira oh. Nag mamakaawa ako. Wag mo kong iwan.. Hindi ko kaya." Mas lalong lumakas ang pag tulo ng mga luha sa mga mata ko na halos lumabo na ang paningin ko. Sa isip isip ko ay ayoko din naman talagang iwan siya pero ano pa nga bang choice ko? Ayoko ng saktan siya. Ayokong maging selfish. Patuloy ko lang siyang masasaktan kung hahayaan kong manatili ako sa tabi niya. "Kira naman.. Wag mo namang gawin sakin to. Ayoko please." Tinanggal ko ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa kamay ko. "I'm so sorry." Nang tatalikod na sana ako para umalis mabilis na niyakap niya ako mula sa likod upang pigilan ako. "Wag please. Wag Kira." Ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya habang yakap yakap ako. Gusto kong bawiin yung sinabi ko pero alam ko din namang pag ginawa ko yun mas lalo lang siyang masasaktan. Pinigilan ko ang sarili kong yakapin siya pabalik. Mabuti na lang at unti pa lang ang tao sa loob ng coffee shop pero siguro kahit maraming tao ngayon dito hindi ko na mararamdaman yung hiya dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko. Parang dinudurog yung puso ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Ang sakit sakit. Sobrang sakit. "Tama na Sander.." "Bakit ba napaka hirap sayong mahalin ako? Bakit ba kahit anong gawin ko siya pa din yung gusto mo? Hindi mo ba talaga kayang pilitin yung sarili mong mahalin ako? Kung hindi mo naman kaya okay lang. Okay lang sa akin Kira. Wag mo lang akong iiwan.. Wag.." "Tama na please." Pilit kong kinakalas yung pag kakayakap niya sa akin pero mas lalo lamang niya iyong hinihigpitan. Napahagulgol na ako sa sobrang hindi ko na kaya. Kahit na pinag titinginan na kami ng mga tao ay wala na akong pake. Ang sakit sakit eh. Sobrang sakit. "Please Kira." "I'm so sorry.." "Hindi mo ba ako minahal? Kahit konti lang? Hindi ba talaga? Kaibigan lang ba talaga?" "Kapag sinagot ko ba lahat yan, pakakawalan mo na ako?" Naramdaman ko ang pag tango niya habang nakayakap sa akin. "Mahal kita pero bilang isang kaibigan lang talaga. Sorry.." Pinigilan ko ang sarili kong pumiyok habang sinasagot ang tanong niya. Mahal ko siya at alam kong hindi na iyon bilang kaibigan lang pero gaya nga ng sinabi ko hindi pa sapat yun para tuluyan kong makalimutan si Zachary. Dahan dahang lumuwag ang pagkakayakap sa akin ni Sander. Humarap ako sa kanya at mahigpit siyang hinagkan bago mabilis na umalis ng shop. I'm so sorry Sander. Agad akong pumara ng taxi at pag pasok ko sa loob ay agad akong napahagulgol. Sana balang araw mapatawad ako ni Sander. Ang sakit sakit.. Sobrang sakut. Kung may pag pipilian lang ako mas pipiliin kong manatili siya sa tabi ko pero ayoko ng isipin ang sarili ko. Tama na yung sakit na naramdaman niya. Ayoko ng dagdagan pa iyon. S T E P H E N Matamang nakatitig lamang ako sa pinaka magandang babaeng nakilala ko sa balat ng lupa. Hindi ako makapaniwala na akin na ang babaeng ito na dati ko lang na pinag mamasdan sa malayo. Hindi ko akalain na dadating pa itong araw na ito na mapapasaakin na din siya ng buong buo. Hindi man umayon sa amin ang tadhana nuong mga bata pa kami at least sa akin pa din siya bumagsak. Naputol ang panunuod ko sa performance ni Liah nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad akong lumabas ng studio para sagutin ang tawag na galing kay Kira. "Hello Stephen?" "Kira? Napatawag ka?" Takang tanong ko. Nakakapag tataka lang kasi na bigla siyang tumawag sa akin. Hindi na talaga kasi kami halos nag uusap nitong si Kira dahil masyado na kaming busy pareho sa kanya kanya naming buhay. "Ah w-wala. Aayain lang sana kita dito. Wala kasi akong kasama." Aniya mula sa kabilang linya. Pansin kong parang ang ingay sa kabilang linya at parang medyo lasing na din siya dahil sa boses niya. "Ano? Nandito kasi ako sa recording ng bagong album ni Liah. Si Sander?" Madalas kasing silang dalawa na ni Sander ang mag kasama kaya nakapag tataka na hindi nita kasama si Sander ngayon. "Dibale na lang. S-Salamat Stephen." "Wait wait! Nasan ka ba ngayon. Wala ka talagang kasama? Nasan ka para mapuntahan kita." "H-hindi na. Salamat na lang." "No Kira. It's okay. Send me your location papunta na ako agad dyan." Nag madali kong kinuha ang susi ng motor ko sa bulsa ko. Hindi na ako nakapag paalam pa kay Liah dahil masyado siyang busy para istorbohin ko siya at isa pa hindi naman ako mag tatagal. Babalikan ko din naman agad siya. Baka lang kasi may mangyaring masama kay Kira kung hahayaan ko siyang mag isa dun. Mukhang lasing pa naman na siya. Nasaan ba si Sander? Kung ano ano ng ginagawa ni Yakira sa sarili niya. Ibang iba na siya sa dating Yakira na minsan kong minahal. Tuluyan na siyang nag bago nang mamatay si Zachary. Kinain ng lungkot yung puso niya hanggang sa unti unti na itong nag rerebelde. Wala naman kaming magawa para ibalik siya sa dati dahil si Sander lang talaga ang nakakatiis sa ugali niya. Minsan naawa na din kami kay Sander dahil alam naman namin na mahal niya talaga si Kira mula pa nuon. Ayaw na lang namin mag salita. Hindi naman kasi mahirap mahalin si Kira nuon. Halos lahat na yata ng lalaki pangarap ang isang babaeng tulad niya na kayang protektahan ang sarili. Kayang tumayo sa sariling paa at mabuting tao. Pero ngayon ibang iba na talaga siya. Malayong malayo sa Kira na nakilala namin. Pinuntahan ko ang location na tinext ni Kira at mabuti na lang at mabilis ko siyang nahanap sa gitna ng maraming tao sa dance floor. Mukhang lasing na nga talaga siya dahil hindi na niya pinapansin ang mga lalaking pasimpleng humahawak sa katawan niya. Agad akong lumapit sa kanya at hinila siya paalis ng dance floor. "S-Sander?" Aniya. "Si Stephen 'to." Sabi ko. "S-Sabi ko na nga ba hindi mo kayang wala ako eh.." Nakangiting sabi niya. Akala pa din yata niya ako si Sander. Yumakap siya sa akin ng mahigpit at ilang sandali lang ay bigla na siyang umiyak. Humagulgol siya habang nakayakap sa akin. "Patawarin mo ko Sander... Hindi ko gustong saktan ka. Ayoko ng nasasaktan ka.. Ayoko ng nahihirapan ka kaya naisip ko mas mabuti kung lalayo na lang ako sayo para kahit papano hindi na kita masaktan.. I'm so sorry Sander..." Niyakap ko siya pabalik at tinapik ang likod niya. Hindi na si Zachary ang iniiyakan niya ngayon. Si Sander na. Hindi ko alam kung magandang senyales ba iyon dahil mukhang napapamahal na din talaga siya kay Sander. Sa aming mag kakaibigan mas mabuti kung kay Sander na lang siya mapupunta dahil ito naman talaga ang mas nararapat para sa kanya. Nasaksihan namin ang pag babago ni Sander mula nang maging mag kaibigan sila ni Kira. Nasaksihan namin kung paano niya pinag silbihan at inalagaan ang tinuturing na prinsesa ng buong barkada. "Shhh. Ihahatid na kita sa inyo." Sabi ko pero mas humigpit ang yakap niya sa akin. "A-Ayoko.. Dito ka lang please.." Aniya habang umiiyak pa din. Ano bang nangyayari sayo Yakira? Inaalala ko si Liah baka hanapin ako nun kapag hindi ako makabalik agad sa studio. Tawagan ko na lang kaya siya. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko pero napamura ako ng makitang nakapatay na ito. Bwisit ngayon pa ako nalobat. Bwisit talaga. Hindi ko naman pupwedeng hayaan itong babaeng to dito baka kung ano pang mangyari sa kanya. Pinabayaan ko na muna siyang umiyak sa dibdib ko hanggang sa maramdaman kong nagiging panatag na ang pag hinga niya. "Kira.." Binuhat ko siya dahil mukhang nakatulog na nga talaga siya kakaiyak. "Come on princess, let's get you home." Bulong ko sa tainga niya at binuhat siya hanggang sa sasakyan ko. Mainggat na inihiga ko siya sa back seat. Sandali akong napatitig sa mukha niya. Minsan ko na ding minahal ang babaeng 'to... Hindi ko akalain na mabilis na mag babago siya dahil lang sa pagkawala ni Zachary. Hindi na siya ang babaeng hinangaan ko nuon.. Mahal ko si Liah. As in sobrang mahal ko ang girlfriend ko pero kahit papano ay hindi ko pa din maiwasang mag alala sa babaeng ito. Siya na ang prinsesa ng tropa at nangako kami sa isat isa na aalagaan namin si Kira mula nang mawala si Zachary pero ang totoo mukhang si Sander lang ang nakatupad ng pangakong yun. Masyado kaming naging busy sa sarili naming buhay hanggang sa di na namin namalayan na nag bago na palang tuluyan si Kira. Napabuntong hininga na lang ako at pumwesto na sa harapan para mag maneho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD