003
Y A K I R A
Nagulat ako nang biglang may humablot ng buhok ko habang pumipili ako ng damit na susuotin ko sa party ni Stella. Agad akong napahiyaw sa sakit ng kaladkarin ako ng kung sino palabas ng boutique kung saan ako tumitingin kanina.
"Ahhh ouch!" Tili ko habang tuloy pa din sa pag sabunot sa akin ang hinayupak na babaeng 'to! Swear! Kung sino man siya mananagot siya talaga sa akin!
Binitiwan niya lang ako nang maklabas na kami ng tuluyan sa store. Inis na inis na tinitigan ko ang loka lokang babaeng gumawa sa akin nun. At mas lalong nag init ang dugo ko nang makilala ang impaktang gumawa nun.
"You b***h!" Mabilis at malakas na sinampal ko siya ng napaka lakas. Ang kapal naman pala ng mukha niyang kaladkarin ako at ipahiya sa mga tao dito sa mall.
"Ano bang problema mo ha Kim?"
"Seriously? Tinatanong mo ko kung anong problema ko? Ang kapal talaga ng mukha mo Kira! Tinuring kitang kaibigan pagkatapos ganito lang ang gagawin mo? Sa lahat ng tao ikaw pa talaga! Wala kang kwenta!"
"Hoy Kimberly! Una sa lahat hindi ako ang unang lumapit sa boyfriend mo! Ang boyfriend mo mismo ang nakipag harutan at landian sa akin! Wag kang tanga!"
"At pinatulan mo naman? What is wrong with you! Pati ba naman ako balak mong traydorin? Bakit Kira? Ano bang ginawa ko sayo para ganituhin mo ako ha?!"
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Wala. Alam mo Kim dapat nag papasalamat ka pa nga sa akin eh. Dahil kung hindi ako nakipag harutan sa jowa mo hindi mo malalaman ang tunay niyang kulay."
"Walang hiya ka! Tama nga sila! Nag bago ka na nga talaga! Bakit ako Kira ha? Bakit ako? Ano bang kasalanan ko sayo ha?!" Galit na galit na sabi niya. Inirapan ko siya.
"Bakit ikaw? Bakit ikaw Kim? Kasi naiinggit ako sayo! Kasi inggit na inggit ako sayo! Kasi ang saya saya mo! Naiinis ako sayo! Naiinis ako kasi palagi mong sinasabi na tumigil na ako sa pag iilusiyon kong babalik pa si Zach! Kasi hindi ko matanggap na sa bibig pa ng sarili kong kaibigan nang galing ang mga salitang yun! Akala ko kayo ang unang susuyo at dadamay sa akin! Akala ko kayo ang higit na iintindi sa akin pero hindi! Hindi niyo ako pinakinggan kahit isang beses! Hindi niyo ako inintindi kahit na nag makaawa ako sa inyo na intindihin niyo ako dahil hindi madaling maiwan! Hindi ganun ganun lang na mawawala yung sakit sa puso ko."
"Hindi pa din sapat na rason yun para gawin mo sa akin yun. Pinagkatiwalaan kita Kira." Aniya habang may mga luhang bumabagsak sa mga mata niya.
"Pinagkatiwalaan ko din kayo! Nag tiwala ako na pakikinggan niyo ako! Pero pinabayaan niyo lang ako! Nag karuon kayo ng kanya kanyang buhay nila Liah! Kinalimutan niyo na ako!"
"Hindi totoo yan! Kahit kailan hindi ka namin pinabayaan! Kira ikaw itong ayaw makinig sa amin! Ikaw itong sarado ang isip sa mga payo namin. Dalang dala ka sa pagkamatay ni Zach kaya hindi mo nakita na maging kami nahihirapan na din ng dahil sayo! Hindi ka nakinig sa amin Kira, yun ang totoo!"
"Dahil mali kayo! Hindi pa patay si Zach! Walang nakitang bangkay kaya alam kong buhay pa siya! Hindi niyo kasi alam kung gaano kasakit maiwan ng biglaan! Hindi niyo alam!" Nag sisigawan na kami ni Kim sa gitna ng mall. Wala na kaming pake kung marami nang nakatingin sa aming dalawa.
"Kaya ba ginagawa mo to? Para iparamdam sa amin kung gaano ka nasasaktan? Ganun ba yun ha Kira? Ganun ba yun?"
"Oo! Kasi inggit na inggit ako sa inyo. Inggit na inggit ako dahil ang sasaya niyo tignan samantalang ako ang lungkot lungkot ko. Hirap na hirap na ako pero hindi niyo yun makita.."
Umiling iling siya.
"Hindi yan totoo Kira. Kahit kailan hindi ka namin kinalimutan. Alam naming nasasaktan ka Kira pero choice mo naman yun! Nasasaktan ka dahil ayaw mong makalimot! Dahil panay pa din ang asa mo na babalik si Zach! Hindi na siya babalik Kira! Hinding hindi na babalik si zach! Matagal ng patay si Zachary! Tanggapin mo na!!!"
"Hindi!" Hindi ko na napigilang mapahagulgol. Nang hihinang napaluhod ako sa sahig habang patuloy sa pag agos ang mga luha sa mga mata ko.
Hindi. Hindi pa siya patay. Bakit sobrang sakit pakinggan ang mga sinasabi ni Kim. Bakit ang hirap tanggapin ng sinasabi nila na wala na si Zach. Bakit ang sakit sakit pa din? Hanggang kailan ako mag dudusa ng ganito? Hanggang kailan ako masasaktan at aasa? Bakit ang sakit sakit marinig na wala na siya. Parang pinipirapiraso ang dibdib ko kapag may nag sasabi sa akin na wala na si Zach. Hindi ko matanggap. Hindi man lang siya nakapg paalam sa akin kaya paano ko yun tatanggapin?
"Ayaw mo talaga makinig sa amin pero sige. Kung ito ang gusto mo bahala ka na." Tumalikod na si Kim at umalis. Naiwan akong nakaluhod sa sahig habang punong puno ng luha ang buong mukha ko. May mga kumukuha ng video sa akin pero wala na akong pake sa mga yun. Nayakap ko ang mga tuhod ko habang tuloy pa din sa pag iyak.
"Miss? Ayos ka lang ba? Ito panyo oh." May nag lapag ng panyo sa harapan ko. Nang mag angat ako ng tingin ay nakatalikod na sa akin ang lalaki at paalis na. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin nang bigla na lang bumilis ang t***k ng dibdib ko. Para akong naistatwa sa pwesto ko habang pinapanuod ang pag alis ng lalaki. Hanggang sa unti unti na itong nag laho sa paningin ko. Tumigil sa pag t***k ng mabilis ang dibdib ko. Tinignan ko ang panyong nasa harapan ko. Muling lumakas ang tahip sa dibdib ko. Nananaginip lang ba ako? Naramdaman ko siya. Naramdaman ko si Zach. Ang lalaking yun.
Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa sahig at mabilis na hinabol ang lalaking nag abot sa akin ng panyo. Hindi ako sigurado kung tama ba ako sa hinala ko. Pero nararamdaman ko si Zachary iyon! Hindi ako pwedeng mag kamali! Ang Zachary ko yun. Tumakbo ako ng mabilis para mahabol ang lalaki pero hindi ko na siya makita. Hindi ko na siya naabutan. Hindi hindi. Hindi ako pwedeng mag kamali si Zachary yun. Naramdaman ko siya. Yung boses niya.. Alam kong si Zachary yun. Si Zach lang ang kaisa isang taong nakakapag paramdam sa akin ng ganung pakiramdam. Hindi ako nag kakamali siya yun.
Napahawak ako sa ulo ko nang kahit saan ako mag punta ay hindi ko na siya mahanap. Hindi. Hindi pwede. Ahhh!
"Kira!" Tumatakbong lumapit sa pwesto ko si Sander.
"Sander! Si Zach nakita ko. Nandito siya! Nakita ko siya! Nakita ko na siya Sander." Naluluhang sabi ko.
"Sabi ko sa inyo hindi pa siya patay. Buhay pa siya Sander. Buhay pa si Zachary sabi ko naman sa inyo di ba."
"Kira..shh.." pinahidan niya ang mga luha sa mga mata ko.
"Sander hanapin natin siya. Sige na Sander hanapin na natin siya."
"Kira wala na siya. Nag kakamali ka lang. Hindi siya ang nakita mo."
"Hindi Sander! Hindi! Ibinigay niya pa sa akin ito oh." Ipinakita ko sa kanya ang hawak hawak kong panyo.
"Kira hindi si Zach yun. Kira please..."
"Parang awa mo na Sander maniwala ka sa akin. Parang awa mo na. Alam ko si Zachary yun. Naramdaman ko siya. Please maniwala ka sa akin."
"Kira please. Makinig ka naman sa akin. Wala na si Zach at imposibleng bumalik pa siya. Pakiusap tama na. Tama na Kira.."
"Pero hindi niyo naman naiintidihan eh. Hindi niyo naiintindihan. Naramdaman ko siya. Alam kong siya yun. Hindi ako pwedeng mag kamali. Sige nanaman oh. Maniwala naman kayo sa akin."
"Kira ako ba pinakinggan mo kahit isang beses? Kira wala na siya! Wala na si Zachary! Ako yung nandito! Ako yung nandito bakit ba hindi mo ko magawang tignan! Hanggang kailan ba ako mag aantay ha Kira? Dapat pa ba akong mag antay?" halatang halata sa mukha ni Sander na nasasaktan na din siya at nag pipigil ng luha. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin para lang mapawi yung sakit na nararamdaman niya. Nasasaktan siya dahil nasasaktan ako para sa ibang lalaki. Hindi ko man lang naisip ang nararamdaman niya.
"Iuuwi na kita." Aniya. Wala na akong nagawa kundi ang hayaan na lang siyang iuwi ako kahit na gustong gusto ko pang hanapin si Zachary.
Hindi naman ako bulag. Alam kong nahihirapan at nasasaktan na din siya sa mga oras na ito. Tahimik lang kami sa sasakyan ni Sander hanggang sa marating namin ang tapat ng bahay namin. Pinag bukas niya lang ako ng pinto at nag paalam na.
Usually kapag hinahatid niya ako dito sa bahay pumapasok pa siya sa loob para batiin sila nanay pero mukhang masama talaga ang loob niya at di na niya nagawa pang pumasok sa loob. Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang pati ang bestfriend ko mawawala na din sa akin dahil sa pagiging baliw ko sa isang taong mukhang malabo na ngang bumalik. Bakit ba ang hirap hirap mong kalimutan? Bakit ayaw mo pa akong palayain, Zachary? Gusto ko na sumaya pero bakit sa tuwing naiisip kita lalo lang akong nasasaktan. Sa tuwing iniisip ko na okay na ako tapos maalala lang kita muli akong bumabalik sa dati. Hindi kita magawang kalimutan at sobrang hirap na hirap na ako. Bigyan mo naman ako ng sign oh. Bigyan mo ako ng sign kung dapat na nga ba kitang kalimutan.
"Kira?" Dahil sa pag iisip ay hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si Caleb. Nag salubong ang mga kilay niya nang makita niya akong umiiyak. Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.
"Shhh. It's okay. Tama na." Aniya habang tinatapik ang likod ko.
"Hindi ko na kaya Caleb. Ang sakit sakit na. Pagod na pagod na ako."
"I know. Shhh.. I know Kira.."
"Ang sakit sakit na ng dibdib ko Caleb. Di ko na alam kung anong gagawin ko.. Nahihirapan na ako pati ibang tao nasasaktan ko na din. Ang sama sama ko na Caleb. Wala akong kwentang tao dahil hindi ako makalimot. Hirap na hirap na ako.."
Mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Caleb habang tinatapik ang likod ko.
"You just have to let him go, Kira. Palayain mo na siya para makalaya ka na din sa sakit."
"I can't. Hindi ko kaya Caleb."
"I know it's hard Kira but you have to try. Alam kong may nararamdaman ka na din para kay Sander kaya gawin mo yun para sa kanya. Siya ang nandyan sa tabi mo nung mga panahong nasasaktan at nahihirapan ka na. Napapagod ka na pero siya hindi siya napagod sayo. Sana maisip mo lahat ng sakripisyong yun ni Sander. Alam kong mahal na mahal ka ni Sander at may tiwala akong hinding hindi ka niya sasaktan."
"Pero sinasaktan ko siya.."
"Edi gawin mo yung tama para di na siya masaktan. You know what? Kung babalik man si Zachary mas gugustuhin ko nang si Sander ang makatuluyan mo. Napatunayan na ni Sander na kaya ka niyang alagaan. Kilala ko yung si Sander pag dating sa mga babae pero pag ikaw na nag iiba na siya. Tumitiklop na dahil nirerespeto ka niya. Dahil mahal ka niya."
Mas lalo akong naiyak sa sinabing yun ni Caleb. Pakiramdam ko ang sama sama ko dahil hindi ko matugunan ang pag mamahal na binibigay sa akin ni Sander. Mahal ko siya pero hindi pa yun gaanong sapat.
"I know you Kira. I'm sure gagawin mo ang tama." Aniya sabay akay sa akin papasok ng bahay.