002
Yakira
"Sandy, please?" Kanina ko pa pinipilit si Sander na siya ang maging date ko mamaya sa party ni Stella. Isa siya sa mga naging plastik kong kaklase nung college at inimbitahan pa talaga niya ako sa party niya para lang mag mayabang na mataas na ang narating niya. Siyempre hindi naman pwedeng basta basta na lang ako mag papatalo sa bruhang yun.
Alam kong matagal na siyang may gusto kay Sander since nung college pa kaya nga ang laki ng insecurity ng loka lokang yun sa akin eh. Paano ako lang sa school namin ang pinapansin nitong si Sander. Kung di ko pa alam, kaya lang naman niya ako kinakausap ay dahil may gusto siya kay Sander na bestfriend ko. Ilang beses ko na kaya siyang nahuling tsinitsismis ako. Hindi ko na nga lang siya pinapansin nun dahil umiiwas lang ako sa gulo. Isipin mo mula highschool palagi na ako nasasangkot sa kung ano anong gulo. Gusto ko naman ng katahimikan nung college kaya hinayaan ko na lang silang pag tsismisan ako. Pero ibang usapan na ngayon. Hindi na ako ang dating si Yakira na kaya nilang basta basta na lang apak apakan. Lalaban na ako ano! Anong akala nila? Hahayaan ko na lang silang api-apihin ako? Tsk! Mas maganda naman ako sa kanila at di hamak na mas kaapi api yung mukha nila kaysa sa akin. Kaya hindi talaga ako titigil hanggat di pumapayag itong si Sander na maging date ko sa party ni Stela.
"Ano ba Kira. Marami akong tinatapos na trabaho. Hindi ako makakapunta." Aniya habang nakatingin pa din sa screen ng kanyang laptop. Napasimangot ako.
"Ang daya mo naman!" Sinipa sipa ko yung likod niya. Nasa kama niya kami habang nag lalaptop siya kanina pa. Hindi nga niya ako pinapansin eh. Busyng busy siya sa laptop niya. Nakakainis.
"Kira wag makulit." Aniya.
"Sige sa iba na lang ako mag papasama." Banto ko. Agad siyang napabaling sa akin. Seryoso ang mukha niyang tumingin sa akin.
"What? Ayaw mo naman ako samahan di ba? Mag papasama na lang ako kay Andrew." Sabi ko.
"Andrew? Sino nanaman yun?"
"Boyfriend ko."
Nag salubong ang mga kilay niya nang sabihin ko yun.
"Hindi ba nag usap na tayo na makikipag break ka na sa mga lalaki mo?" May inis na sabi niya.
"Eh ayaw mo ko samahan eh!"
"Akin na ang phone mo." Seryosong sabi niya pero di ko siya pinakinggan at itinago ko sa likod ko ang phone ko.
"Bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Kung hindi mo magawang makipag hiwalay sa mga lalaki mo, ako na ang gagawa." Aniya na balak agawin ang cellphone ko mula sa akin. Syempre hindi naman ako pumayag at mas lalo kong inilalayo sa kanya iyon. Hindi siya nag patalo at nakipag agawan sa akin ng phone. Hanggang sa mapahiga na ako sa kama niya ay patuloy pa din siya sa pag agaw sa akin ng cellphone ko.
"Nooo!" Tili ko nang kilitiin niya ako para tuluyang agawin ang phone. Nang tuluyan na niyang maagaw mula sa akin ang phone ko ay duon lang namin napag tanto ang pwesto naming dalawa. Nakaibabaw siya sa akin habang nakahiga ako sa malambot niyang kama.
Hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumilis ang t***k ng dibdib ko nang malapitan kong matitigan ang mukha ni Sander. Mula sa pagkakatitig niya sa mga mata ko ay bumaba ang tingin niya sa mga labi ko at nag tagal iyon duon hanggang sa tuluyan na siyang magising sa katotohanan. Nang aalis na sana siya mula sa pagkaka ibabaw sa akin ay mabilis kong hinatak ang batok niya dahilan para mag lapat ang mga labi namin. Nuong una ay hindi tumutugon ang labi niya sa halik ko dahil sa pagkagulat pero hindi nag tagal ay sinasabayan na din niya ang mga halik ko. Hindi ko alam kung bakit ko to ginagawa kay Sander. Hindi siya basta basta lalaki. Siya ang kaibigan ko. Ang kaisa isang taong umiintindi at nakakatiis sa ugali ko. Bakit ko to ginagawa sa kanya? Pakiramdam ko may mali pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.. May kung anong nag uudyok sa akin na halikan siya.
Lumalim ang halikan namin ni Sander hanggang sa maramdaman ko na lang na unti unti nang nag lalakbay ang mga kamay niya sa binti ko. Mas lalong bumilis ang t***k ng dibdib ko ng gawin niya iyon. Napasabunot na lang ako sa buhok niya nang unti unting tumaas ang kamay niya pero agad din siyang huminto nang marinig niya ang mahinang ungol na nag mula sa akin.
Agad agad siyang umalis sa pagkakapatong sa akin at gulat na gulat na napasabunot sa buhok niya. Tinitigan ko lang siya habang nag papabalik pabalik siya ng lakad sa harapan ko.
"s**t s**t! I'm sorry! Fvck!" Aniya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa hitsura niya o mahihiya dahil sa nangyari sa aming dalawa. Ako pa talaga ang nag umpisa nuon. Hays. Parang gusto kong iumpog yung sarili ko sa pader. Bakit ko naman kasi siya hinalikan. Alam ko namang may nararamdaman na sa akin si Sander tapos ginawa ko pa yun.
"Why did you- oh fvck!" Para na siyang masisiraan ng ulo habang nag papabalik balik sa pag lalakad. Napairap ako. Itong lalaking 'to, napaka OA. Akala mo virgin kung makapag inarte. Kung totoosin siya pa nga itong mas may experience kaysa sa akin pero kung makapag inarte siya akala mo naman kunuha ko sa kanya ang iniingatan niyang binhi. Letse. Bumangon ako sa pagkakahiga at tumayo sa kama. Nang mapadaan siya sa tapat ko ay niyakap ko ang braso ko sa batok niya at itiningala ang mukha niya sa akin.
"Ang OA mo." Natatawang sabi ko sabay halik sa ilong niya. Muli siyang nahinto at tila nawala nanaman sa sarili tulad kanina. Napailing ako. Ang lakas talaga ng tama sa akin ng lalaking 'to.
"Sasamahan mo na ako sa party ni Stela?" Malambing na sabi ko habang nakayakap pa din sa kanya. Dahan dahan siyang tumango.
"Good boy!" Tuwang tuwang sabi ko sabay bitiw mula sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis eh." Nakangiting anas ko sabay higa ulit sa kama niya.
"Seriously Kira?! Dahil lang pala dun kaya mo ginawa yun?" inis na sabi niya.
"Nope." Umiling iling ako.
Naguguluhang tinignan lang niya ako. Parang litong lito na siya sa mga sinasabi ko.
"Ang gwapo gwapo mo kasi kaya kita hinalikan." Walang kagatol gatol na sabi ko. Agad na namula ang pisnge ni Sander sa sinabi kong yun kaya napahalakhak ako. Ang lakas talaga ng tama nitong lalaking 'to sa akin. Parang hindi apektadong tumalikod siya at lumabas ng kwarto niya. Lalo tuloy lumakas ang tawa ko. Alam kong kinikilig siya at nahihiya siyang ipakita sa akin yun. Akalain mo yun? Si Sander na saksakan ng babaero kinikilig ngayon? Ang cute cute niya palang kiligin. Hays. Bigla akong nahinto sa pag tawa.. Mula nang mawala si Zach ngayon na lang ako ulit tumawa ng ganun. Nakakamiss din palang tumawa ng totoo.. Hindi ko na din madalas naiisip si Zach. Siguro unti unti ng tinatanggap ng isip ko na hindi na talaga siya babalik. Bumibigat ang dibdib ko pag naiisip ko yun pero baka nga tama sila. Na hindi na nga talaga babalik si Zach.
Dapat na ba kitang kalimutan Zachary? Dapat na ba akong sumuko sayo? Hindi ka na nga ba talaga babalik? Pero di ba nangako ka? Pinangako mo sa akin na babalik ka. Akala ko ba gusto mo kong pakasalan? Bakit hindi ka pa din bumabalik? Nakalimutan mo na ba ako? Nakalimutan mo na bang may nag hihintay sayo dito? Miss na miss na kita.. Pero kung hindi ka na nga talaga babalik pwede bang mag paramdam ka? Bigyan mo ko ng sign kung dapat na nga ba kitang kalimutan. Sobrang mahal na mahal kita Zachary, sana mapatawad mo ko sa lahat ng kasalanan ko sayo. Ginagawa ko lang naman lahat ng yun dahil umaasa ako na babalik ka kapag nakita mong hindi ako maayos. Na babalik ka pag nakita mong may iba akong kasamang lalaki dahil napaka seloso mo di ba? Di ba gusto mo sayo lang ako?
Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako hanggang sa may maramdaman na lang akong bisig na pumulupot sa bewang ko. Isinubsob ko ang mukha ko kay Sander at duon iniyak lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko. Sa tuwing nalulungkot at nasasaktan ako ng ganito si Sander ang palaging nandyan para patahanin ako. Hindi niya ako iniwan kahit nakakapagod na ako. Hindi niya ako hinayaan na lang na masaktan mag isa. Sinamahan niya ako at dinamayan kahit na pati siya ay nasasaktan na din. Matagal ko ng alam na may nararamdaman siya para sa akin pero kahit anong gawin ko ay si Zachary pa din ang hinahanap hanap ko. Si Zachary pa din ang minamahal ko at alam kong sobrang sakit nun para kay Sander. Gusto man ng isip ko na kalimutan si Zach pero hindi ko talaga magawa.
"Shhh. Please don't cry.. Shh.." Ilang minuto kaming nanatili ni Sander sa ganung posisyon hanggang sa wakas ay tumahan na din ako. Nag angat ako ng tingin sa kanya.
"Bakit mo ako mahal?" Nakangusong sabi ko.
"Bakit mo siya mahal?" Balik na tanong naman niya.
"Hindi ko alam."
Ngumiti siya. At ipinusod ang buhok ko sa likod ng tainga ko.
"Hindi ko din alam eh." Maikling sabi niya.
"Sorry.."
"Bakit ka nag sosorry?"
"Kasi alam ko nasasaktan na kita."
"It's my choice. Sanay na naman din ako eh."
"Bakit hindi mo na lang ako layuan?"
"I can't. Hindi ko kayang iwan ka ng ganyan."
May kumurot sa dibdib ko nang sabihin niya yun. Mahal niya ako kahit na nasasaktan na siya. Pinili niyang masanay na masaktan kaysa layuan ako dahil alam niyang kailangan ko siya. Kailangan na kailangan ko siya dahil siya lang ang nag iisang taong umiintindi sa akin at kung bakit ako nagiging ganito.
"Gusto kita Sander.."
Umiling siya.
"Hindi mo kailangan sabihin iyan. Handa akong mag antay, Kira. Sa ngayon mas gugustuhin ko kung mamahalin mo muna ang sarili mo at kapag mahal mo na ang sarili mo ng sobra tyaka mo na isipin ang mahalin ako. Handa naman ako mag antay eh. Kahit gano pa yan katagal."
"Bakit ako Sander? Hindi ba playboy ka naman? Bakit hindi ka na lang bumalik sa pagiging playboy mo?"
"Pano ko gagawin yun kung sobrang pasaway mo at palagi mo kong binibigyan ng problema? Ni hindi ko nga matapos tapos ang sarili kong trabaho tapos mambababae pa ako?"
Sumimangot ako.
"Nag rereklamo ka na ba?"
"Nope."
"Good."
Hanggang nagyon hindi pa din ako makapaniwala na magiging ganito kami kaclose ni Sander. Yung halos wala na kaming nararamdamang ilang sa isat isa. Sobrang komportable na namin sa bawat isa at hindi ko alam kung makakahanap pa ako ng ganitong kaibigan. Akalain mo yun? Nuong high school madalas kami ang magkaaway dahil ayaw na ayaw niya sa akin pero ngayon siya pa mismo ang lumalapit sa akin para patahanin ako kapag umiiyak ako. Hindi ako nag sisisi na nakilala ko siya kahit na nag simula kami sa di magandang pagsasamahan. Hindi ko na yata kinaya kung wala siya ngayon sa tabi ko. Siya lang ang naging dahilan kung bakit kinakaya ko pa ding mabuhay kahit gustong gusto ko nang mag laho sa mundo.
"Kailan pa nag simula?" Bigla kong natanong. Kumunot naman ang nuo ni Sander na parang di naintindihan ang tanong ko.
"Kailan mo pa nalaman na mahal mo ko?"
"Kung magiging honest ako sayo sasabihin kong mula pa nung high school."
"Ano?!" Gulat na gulat na bulalas ko. Umalis ako sa mga bisig niya at itinulak siya palayo.
"No way! I thought you hated me. Remember ayaw na ayaw mo sa akin nun dahil akala mo sinisira ko ang barkada niyo?"
"Oo galit ako sayo. Galit ako sayo kasi sa aming lima sa akin ka lang hindi naging malapit. Yes ayoko sayo para sa mga kaibigan ko because deep inside me gusto kita para sa sarili ko. Now, nasagot ko na ba ang tanong mo?" Tuloy tuloy na sagot niya habang nakatitig sa mga mata ko. Napahawak ako sa bibig ko.
"Oh my god! Seriously?"
Tumango siya.
"Seriously."
"You're insane Castillo!"
"I know."