040 K I R A Ilang lingo na ang nakakalipas mula nang huli kong makita si Zach at mula nuon ay hindi na ako nag karuon ng anumang balita tungkol sa kanya. Naisipan kong tanggapin na ang posisyong inaalok sa akin ni dad sa company namin since wala na din naman akong pinagkaka abalahan dahil naging busy nanaman si Sander. Mas naging busy na nga siya ngayon kaysa dati halos saglit na lang kami kung magkita tapos hindi na din siya ganun kadalas kung tumawag sa isang araw. Iniintindi ko na lang dahil ayoko namang dumagdag pa sa alalahanin niya. Alam ko naman kasing madami na siyang iniisip sa trabaho niya at hindi naman ako selfish para dumagdag pa duon. After nang unang araw ko sa kompanya ay nag pa welcome party si Dad kinagabihan. Simpleng party lang naman kasi wala na din namang time para

