039 Y A K I R A Habang nasa sasakyan kami ni Zach at tinatahak ang daan pauwi ay tahimik lang kami pareho. Mabagal lang ang pag papatakbo niya ng sasakyan na para bang sinusulit niya pa ang bawat minutong magkasama kaming dalawa. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa manibela. Napalingon siya sa akin bago niya itabi ang sasakyan at huminto na muna sa pag mamaneho. "Kung ayaw mo pang umuwi tayo. Okay lang naman saking mag stay pa ng kahit sandali." Sabi ko. "Baka mag bago pa isip ko kapag manatili ka pa sa tabi ko. Baka di ko mapigilan ang sarili ko at agawin na kita ng tuluyan kay Sander." Biro niya pero alam ko naman na hindi lang iyon basta biro para sa kanya. Tumango na lamang ako at muli niyang ipinag patuloy ang pag mamaneho. Kung pwede lang natin kontrolin ang tadhana edi sana wala

